SERAFINA'S POV Kumuha ako ng plato at inilagay roon ang mga dessert na gusto ko, chocolate tart, strawberry cheesecake, macarons at, of course, chocolate-covered strawberries. I didn’t come here to pretend I was enjoying the party. I came here to eat. Naglakad ako patungo sa isang tahimik na sulok ng ballroom at doon ko inenjoy ang mga dala ko. Habang mag-isang kumakain, nilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip na narito ako sa loob ng nobelang katatapos ko lang basahin. Isa na akong karakter at hindi lang basta karakter, ako ang kawawang betrayed wife. Napabuntong-hininga ako. Pero kahit papaano, bumawi naman ang author sa akin. At least, nae-enjoy ko ang mga ganitong event. Sa real world, isa lang akong simpleng college graduate, jobless, mahilig magbasa ng nobela at umaasa sa pagiging content creator bilang makeup artist, wala akong sariling mansion, wala akong luxury car at lalong wala akong wardrobe na puro designer clothe
Last Updated : 2026-09-22 Read more