SERAFINA'S POV Kung may isang bagay akong natutunan matapos akong mag-transmigrate sa nobelang ito. Mahilig maawa sa akin ang mga tao. Apparently, dahil asawa ako ni Lorenzo Carvajal, dapat ay miserable ako. Dapat buong araw akong nakakulong sa kuwarto, umiiyak habang hinihintay ang asawa kong hindi naman umuuwi. Dapat abala akong mag-isip ng mga paraan kung paano ko siya mapasaya. At higit sa lahat, dapat desperado akong magkaroon ng anak para mapanatili ang posisyon niya sa pamilya. Well… Good luck with that. Sa halip na umiiyak sa kuwarto, nakaupo ako ngayon sa garden lawn ng Carvajal mansion habang nagbabasa ng libro at umiinom ng kape. Mainit pero maaliwalas ang umaga. Marahang umiihip ang hangin, sumasayaw ang mga dahon ng mga puno, at namumukadkad ang mga bulaklak sa paligid. I took another sip of coffee. Perfect. Walang trabaho, walang bills na kailangang bayaran, walang alarm clock na istorbo sa pagtulog ko at higit sa lahat, walang Enzo na sisira ng
Last Updated : 2026-09-15 Read more