SHEENAMakalipas ang dalawang araw, naging abala ako sa pag-aasikaso ng tindahan kaya kinailangan kong magpunta sa grocery store para bumili ng mga supplies na paubos na. Marami akong binili, mula sa mga de-lata, noodles, kape, asukal, sabon, shampoo, at iba pang paninda na kailangan kong ilagay sa tindahan. Medyo matagal din ako sa grocery dahil sinigurado kong kumpleto ang mga bibilhin ko para hindi na ako kailangang magbalik agad.Pagdating ko sa bahay, ipinarada ko ang sasakyan sa tapat ng gate. Kinuha ko ang susi at bumaba para buksan iyon, saka ko sinimulang alisin ang ilang supot ng grocery sa likurang bahagi ng sasakyan. Kailangan ko pa sanang ilipat ang mga iyon sa loob bago ko maiparada nang maayos ang sasakyan, pero hindi pa man ako nakakahawak sa gate ay bigla na lang may humatak sa braso ko.“Aray!”Napalingon ako at halos mawalan ng balanse nang makita ko kung sino ang humawak sa akin. Nakatayo sa harap ko si Robert, mahigpit ang pagkakahawak sa braso ko at halatang-hala
Last Updated : 2026-11-23 Read more