LOGINPaano kong isang araw malaman niya na ang kanyang byenan ay matagal na pala siyang pinagpapantasyahan? Magawa niya kayang matakasan ang init ng pagmamahal nito?
View MoreKANORHindi ko alam kung bakit napakagaan ng pakiramdam ko habang nakaupo sa hapag-kainan kasama si Sheena at ang mga kapatid niya. Ipinaghanda niya ako ng pagkain, at kahit paulit-ulit niyang sinasabing huwag akong magmadali at damihan ko ang kain, hindi ko naman kailangang pilitin ang sarili ko dahil masarap talaga ang mga niluto niya. Nakikisabay din sa kuwentuhan ang mga kapatid niya. At kahit hindi ko masyadong kilala ang mga ito sa pakiramdam ko, hindi ako nahihirapang makisama sa kanila."Kuya Kanor, dagdagan pa po namin kayo ng kanin?" tanong ng isa sa mga kapatid ni Sheena habang inaabot ang mangkok."Okay na ito, salamat. Baka maubos ko na ang lahat ng niluto ng ate ninyo kapag dinagdagan pa ninyo ako," natatawang sagot ko."Eh, mas mabuti nga po iyon. Lagi kasing nagluluto si Ate Sheena pero minsan hindi naman niya nauubos ang pagkain. Sayang naman kung hindi makakain," dagdag pa nito.Napangiti ako habang tumingin kay Sheena na abala sa paglalagay ng ulam sa plato niya. Hi
SHEENA Tatlong araw pa ang lumipas bago tuluyang payagan ng doktor na makalabas ng ospital si Kanor. Hindi pa rin bumabalik ang lahat ng alaala niya, at bagama't mas maayos na ang lagay ng kanyang katawan, kailangan pa rin siyang magpahinga at iwasan ang anumang bagay na maaaring magdulot ng pagkapagod. Masaya ako dahil sa wakas ay makauuwi na siya, pero hindi ko rin maiwasang kabahan sa kung paano namin haharapin ang mga susunod na araw, lalo na't hindi pa niya ako lubos na naaalala. Pagdating namin sa bahay, napansin kong tila nag-aalangan si Kanor habang nakatingin sa loob. Hindi siya agad pumasok at sa halip ay bahagyang tumingin sa akin, na para bang hindi niya alam kung tama bang manatili siya roon. "Sigurado ka bang ayos lang na dito ako tumira sa bahay mo? May bahay naman ako eh," nag-aalangan niyang tanong. Napangiti ako at inayos ang mga gamit na dala namin bago ako humarap sa kanya. "Oo naman, Hon…I mean Ka-Kanor. Mas mabuti na rito ka muna. Kailangan mo pa ng pahinga,
SHEENA Bitbit ko ang supot ng mga pagkaing binili ko sa convenience store habang naglalakad pabalik sa silid ni Kanor. Hindi ko alam kung kakain ba talaga siya ng mga iyon kapag nagising. Pero naisip kong mas mabuti nang may nakahanda kaysa wala. Ayaw ko ring umalis nang matagal sa tabi niya, kaya mabilis akong naglakad habang patuloy na nag-aalala kung kailan siya tuluyang magigising at kung maibabalik ba ng panahon ang mga alaala naming dalawa. Hindi pa ako nakakalapit sa pintuan ng silid nang biglang may humarang sa daraanan ko. Napahinto ako at napaatras nang makita ang lalaking matagal ko nang gustong iwasan. Hindi ko inaasahang makikita ko siya roon, lalo na't alam kong hindi pa ako handang makipag-usap sa kanya pagkatapos ng lahat ng nangyari. "Sheena, kailangan nating mag-usap." Napahigpit ang hawak ko sa supot at agad akong napatingin sa paligid, umaasang may makakakita sa amin at makapipigil sa kanya kung sakaling gumawa na naman siya ng kalokohan. "Robert, ano na naman
SHEENAParang may kung anong bagay na tuluyang nadurog sa dibdib ko nang marinig ang tanong niya. Ilang segundo akong natigilan, hindi makapagsalita, habang nakatitig sa lalaking ilang oras ko lang ipinagdasal na magising. Ngayon na nagmulat na siya ng mga mata, hindi ko naman inaasahang ganoon ang unang sasabihin niya sa akin.“Sino ka?”Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o sadyang hindi niya ako nakikilala, pero nang makita ko ang pagtataka sa mukha niya at ang bahagyang paglayo ng katawan niya sa akin, tuluyan nang umagos ang luha ko. Hindi ko na kayang pigilan. Ang taong ilang beses akong tinawag na Hon, ang taong palaging naghahanap sa akin kapag hindi niya ako makita, ang taong niyakap ako at nangakong hindi ako pababayaan, ngayon ay nakatingin sa akin na para bang isa lang akong estrangherang basta pumasok sa silid niya.“Hon...” mahinang tawag ko, habang nanginginig ang mga labi ko. “A-Ako i-ito…si Sheena.”Bahagya siyang kumunot ang noo at tila sinusubukang intindihin ang s






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore