MIRABELLA“Ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Clara.Si Clara ang kaibigan, personal assistant ko at pinakapinagkakatiwalaan ko sa lahat.“Hindi ako okay. Gulat na gulat ako sa nalaman ko. Napakatanga ako dahil hindi ko nalaman agad na may relasyon pala silang dalawa ni Sheena. Ang takot inakala kong kapatid ang turing sa akin. Pero ahas pala! Balak pa lang agawin sa akin ng ahas kong bestfriend ang asawa ko!”“Talagang nakakaloka nga iyan. Isipin mo, palagi kang nagkukuwento sa kanya ng ganap sa inyo ng asawa mo pero hindi mo alam, inis na inis na pala siya sa iyo. Naiinis siya kapag masayang moments ng asawa mo ang kinukuwento mo. At natutuwa naman siya kapag magkaaway kayo ng asawa mo. Gaano na ba sila katagal?”“Sa nabasa ko kanina na chat nila, matagal na silang may relasyon. Tatlong taon kaming nagsama ni Jonas bago kami ikasal. At naging sila pagkatapos ng kasal namin. Ibig sabihin, habang hindi pa kami mag-asawang dalawa ni Jonas, naglalandian na sila.”Mariin kong kinuyom an
Zuletzt aktualisiert : 2026-08-25 Mehr lesen