Aria's POVAng buhay ko, hindi naman ganoon kaganda... pagdating sa love-love na yan,malas ako diyan. Nagdalaga na ako, pero wala man lang manliligaw... kahit alam ko naman sa sarili ko na may ganda rin ako.Iniwan kami ni Mama at sumama sa iba. Ang Papa ko naman, nasa kulungan.Yung taong nag-iisang nakakaunawa sa akin, inilayo pa ng tadhana...Paglabas ko, kapag may pera na ako, pipilitin kong suhulan ang nagpakulong kay Papa.Si Papa, hindi naman siya masama. Yung napatay niya, ang may kasalanan-yun ang gumastos ng pera para ipa-online sugal. Ang Papa ko, wala namang cellphone.Nandilim ang paningin ni Papa kasi siya ang itinuturo na nag-bulsa ng pera para sa sahod ng mga kasamahan nila... Hindi ganun ang Papa ko! Tinanggal siya sa trabaho at kinasuhan pa.Samantalang yung gumastos at nagpakasasa, malaya at walang problema... dahil doon, napatay siya ni Papa.Oo, masamang pumatay, masama iyon.Pero ang Papa ko... pinipilit lang naman niyang bigyan kami ni Mama ng magandang buhay.
Last Updated : 2026-09-02 Read more