Ang likod-bahay ng pamilya Perez ay isang napakagandang garden. Dito tinanim ni Clara yung ibat ibang rare na bulaklak na kailangan niya para sa paggawa ng pabango. Alagang alaga niya yun na parang sarili niyang mga anak.Habang nagmamadaling bumaba si Clara kung ano ano nang pumapasok sa isip niya. Baka ba nagalit si Dra Bianca dahil dun sa allergy niya sa pabango kaya inutusan nito si Bella na sirain ang garden niya?Pero nung makarating siya sa likod-bahay mas malala pa pala ang inabutan niya. Hindi lang pinutol ni Bella ang mga bulaklak niya kundi sinunog pa nito ang buong garden!Yung mga rare na bulaklak na inalagaan niya ng tatlong taon naging abo na lang...Lahat ng tinanim niya, Datura, rosemary, black rose, cardamom, geranium, sage, naging mga sunog at tuyong sanga na lang na nakakalat sa lupa. Parang nagkaroon ng massacre sa mismong garden niya!Nakatayo si Bella sa gilid at biglang umiyak ng malakas. Kunwari pa itong humihingi ng tawad."Sorry po Tita Clara. Di ko na
Last Updated : 2026-08-24 Read more