Share

CHAPTER 7: SINO KA?!

Author: Novice GN
last update publish date: 2026-08-30 17:51:04

Nang hawakan ni Anton yung maliit na camera, para siyang niyanig ng magnitude 10 na lindol sa sobrang kaba.

​Biglang nag black out ang utak niya.

​Surveillance camera? Bakit may hidden camera sa loob ng study room niya?

​Kung ganun, ibig sabihin ba lahat ng kalandian at panlolokong ginawa nila ni Dra Bianca sa kwartong yun narecord?

​Nilamon siya ng sobrang panic, pero pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya. Ang pinaka importante niyang malaman ngayon ay kung kanino galing ang camera at sino ang naglagay niyan dyan.

​Ang una agad pumasok sa isip niya ay ang asawa niyang si Clara. Baka siya ang naglagay nito?

​Pero nung kumalma siya at nag isip isip, narealize niyang malabong si Clara ang gumawa nito. Hindi siya pwedeng mag overreact. Kung malalaman ni Clara na may camera dun, siguradong magagalit din yun at magtatanong. Pinakalma niya ulit ang sarili niya tulad ng lagi niyang ginagawa, at kinumbinsi ang isip niya na mahal na mahal siya ni Clara kaya di nito kayang maniktik sa kanya. Kung nagdududa man ito, for sure gagawa agad ito ng eksena sa harap niya dahil sa selos.

​Nang medyo kumalma na siya, kinuha niya yung phone niya at nag text kay Clara.

​"Pumunta ka nga sandali dito sa study."

​Papunta na sana si Clara sa studio niya nang mabasa niya yung text ni Anton. Agad siyang nagbago ng direksyon at umakyat.

​Pagpasok niya, nakita niyang nakatayo si Anton sa gilid ng bookshelf. May hawak itong maliit at itim na bagay. Agad na naintindihan ni Clara kung ano yun, pero hindi siya nagpahalata.

​Kalmado siyang lumapit at nagtanong, "Bakit? Anong kailangan mo?"

​"Ikaw ba naglagay nito?" Direktang itinaas ni Anton yung hidden camera para ipakita sa kanya.

​Noong nilagay ni Clara yung camera, expected na niyang makikita din yun ni Anton balang araw. Kaya nung hawak na ito ng lalaki, hindi siya nakaramdam ng kahit anong kaba. Galingan lang sa acting.

​"Hindi. Ano ba yan?" maang maangan niya.

​"Camera to. Sigurado kang di ikaw naglagay nito dito?" dudang tanong ni Anton.

​"Bakit naman ako maglalagay ng ganyan sa study room mo? May tinatago ka bang sikreto dyan na ayaw mong malaman ko?"

​Dahil sa tanong ni Clara, biglang tinamaan ng matinding konsensya si Anton. Kumislot ang mga mata niya bago siya nagpalusot.

​"Kung hindi ikaw, eh sino?"

​"Baka naman mga kalaban mo sa negosyo? Kung gusto ka nilang tiktikan para makuha yung mga business secrets mo, hindi lang naman siguro sa study room mo nila ilalagay yan. Baka may iba pa."

​Sinadya talaga ni Clara na ilihis ang isip ni Anton at ituro sa business rivals nito ang sisi.

​Gaya ng inaasahan niya, agad na kinabahan si Anton at tinawagan yung assistant niya. Malamig ang boses nito nang mag utos, "Pacheck nga buong office ko ngayon din kung may mga hidden cameras na nakakabit. Bilis!"

​Nanatiling cool at composed si Clara. Ang bilis maniwala ng loko, napaikot niya agad sa mga palusot niya.

​Makalipas ang ilang minuto, nag report agad yung assistant.

​"Sir Anton, may dalawang miniature camera po kaming nahanap dito sa office niyo!"

​Napabuntong hininga sa sobrang ginhawa si Anton. Thank God, hindi pala si Clara ang may gawa! Pero kasabay nun, biglang nag init ang ulo niya sa matinding galit. Ang kapal ng mukha ng mga kalaban niya sa negosyo para pasukin ang mga private space niya at tiktikan siya.

​Hindi na siya nagtaka kung bakit biglang bumagsak yung market value ng stocks ng kumpanya nitong mga nakaraang araw. Paniguradong may mga business secrets siyang hindi sinasadyang nasabi sa phone habang nasa loob ng opisina o sa study room niya.

​Sa wakas, nalaman na din niya ang rason kung bakit sunod sunod ang kamalasan niya.

​Matagumpay na naloko ni Clara si Anton.

​Pero kahit nalinawan na si Anton, buong araw pa rin siyang praning. Masyadong naging eye opener sa kanya yung camera na yun. Paulit ulit na nag play sa utak niya yung sinabi ni Dra Bianca kagabi:

​Wag kang masyadong kumpyansa na naniwala si Clara sa mga palusot natin.

​Unti unting nauupos ang kayabangan niya. Nagsimula na siyang matakot na baka hindi kayang tanggapin ni Clara ang mga ginagawa niya kung sakaling malaman nito ang katotohanan.

​**

​Sa kabilang banda, kumpara sa pagpa panic ni Anton, relax lang si Clara at sobrang focused sa perfume competition na sasalihan niya.

​Ang original na tema ng paligsahan, yung recipe na yun ay nangangailangan sana ng isang sobrang rare na ingredient – yung black rose. Kaso nasunog na niya diba? Sinubukan niyang maghanap ng mga alternative ingredients para i-substitute, pero wala man lang ni isang nakapagbigay ng amoy na hinahanap niya.

​Habang stressed na stressed siya sa pagtimpla ng perfume, biglang tumunog yung phone niya for a video call.

​Pagkakita niya sa pangalang Rachelle ay mabilis pa sa alas kwatro niyang sinagot yun.

​Bumungad sa screen ang mukha ng isang babaeng may mahabang kulot na buhok, may pagka cat-eye, at may mapanuksong ngiti.

​"Hi Clang babe! Miss me? Anong ginagawa mo?"

​Napansin agad ni Clara yung pamilyar na background ng kaibigan niya kaya nagtaka siya. "Bumalik ka na sa Pilipinas?"

​Si Rachelle ang bestfriend ni Clara at isang senior editor sa sikat na magazine. Kaso the past six months, na assign ito sa overseas branch nila kaya matagal silang di nagkita.

​"Yeah, umuwi ako for a quick meeting. Pero babalik din ako bukas ng umaga sa abroad. Libre ka ba tonight? Let's catch up!"

​Alam na ni Rachelle ang buong kwento ng panloloko ni Anton. Kahit sobrang busy siya sa trabaho, gusto niya pa ring mag make time para damayan ang bestfriend niya.

​"Sure. Magkita tayo dun sa dating spot natin."

​Dalawang buwan din silang di nagkasama kaya na miss talaga ni Clara ang kaibigan niya.

​Eksaktong 7 PM, dumating si Clara sa Bar. Eto yung go to spot nilang dalawa ni Rachelle dati pa. Parehas silang paborito yung mojito dun dahil malambot at matamis yung sipa, mayaman ang aroma, at iba yung tama pagkatapos.

​Pumasok si Clara sa isang private room at umorder na agad ng dalawang mojito. Nilabas niya yung phone niya para mag text.

​"Andito na ko. San ka na? Gaano ka pa katagal?"

​Ininom niya yung mojito niya habang naghihintay ng reply. Kaso naubos na niya yung isang baso, wala pa ring sagot si Rachelle. Nagtaka na siya kaya tinawagan niya na.

​Medyo matagal bago sinagot, tapos mahina yung boses ni Rachelle sa kabilang line.

​"Babe, sorry! Nasa meeting pa ko and I think nababaliw na tong editor-in-chief namin. Bigla akong pinapabalik sa branch office tonight dahil may emergency. Di ko alam kung anong issue dun. I am so sorry, I can't make it tonight. Next time na lang tayo magkita promise!"

​Napabuntong hininga si Clara. "Okay lang. Next time na lang. Akala ko kung napano ka na dahil di ka nagrereply eh."

​Sobra sobrang nakonsensya si Rachelle kasi hindi niya madamay damayan si Clara sa pinakamahirap na oras nito ngayon. Naramdaman naman yun ni Clara dahil biglang tumahimik ang kabilang linya.

​"I'm fine, ano ka ba. Sige na, focus ka na sa work baka mamaya masigawan ka pa ng boss mo."

​Pagkababa niya ng phone, ininom na lang din ni Clara yung mojito na in-order niya dapat para kay Rachelle. Kahit hindi naman masyadong matapang yung cocktail, naramdaman niya agad yung amats after ng ilang baso.

​Dahil wala naman na siyang hinihintay, naisipan niya nang umuwi. Kinuha niya yung bag niya sa sofa at tumayo.

​Kaso paglabas niya pa lang ng lobby, bigla siyang natisod at sobrang nagblur yung paningin niya. Napakapit siya nang mahigpit sa pader ng bar at pilit na umiling para mawala ang hilo.

​Teka, may mali.

​Sanay na sanay siyang uminom ng mojito pero never pa siyang tinamaan nang ganito katindi at kabilis.

​Nang makita niya yung isang upuan sa gilid, naupo muna siya. Balak niya sanang magpahinga muna saglit para mahimasmasan. Ipinatong niya yung noo niya sa braso niya at pumikit.

​Pero ilang segundo pa lang siyang nakapikit, tuluyan na siyang nag black out...

​Nang magising si Clara, namulat siya na nasa loob na siya ng isang mamahaling hotel suite.

​Ang masaklap, hindi niya maigalaw kahit isang daliri niya. Parang may pumipigil sa buong katawan niya.

​Habang kinakain siya ng matinding takot at kaba, nakita niyang may dahan dahang lumalapit na lalaki sa kanya. Matangkad, malaki ang katawan, at may hawak itong umiikot na laruan.

​Nang makalapit ito, dun niya lang nakita ang nakakadiring ngisi sa mukha ng lalaki.

​"Sino ka? Anong kailangan mo sakin? Nasaan ako?!" matapang pero nanginginig na tanong ni Clara.

​Walang hiya siyang tinitigan nito mula ulo hanggang paa habang tumatawa nang malakas.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I DIVORCED MY SCUMBAG HUSBAND TO BECOME A BILLIONAIRE    CHAPTER 9.1

    Nang magising si Carla nasa ospital na siya. Maliwanag na sa labas ng bintana kaya sure siyang buong magdamag siyang nandito.​Pinaalala ng sakit sa pulso niya ang nangyari kagabi. Muntik na siyang may mangyari sa isang stranger pero sa critical na moment na yun bigla siyang natauhan. Hindi niya pwedeng isuko ang puri niya. May mga taong nag set up sa kanya para sirain ang reputasyon niya at hinding hindi niya hahayaang magtagumpay ang mga ito.​Kaya nung pumunta ang lalaki sa pinto para buksan ito napansin niya ang isang maliit na kutsilyo sa side table. Gamit ang natitira niyang lakas hiniwa niya ang sarili niyang pulso. Dahil sa sobrang sakit tuluyan siyang nagising sa epekto ng gamot.​Kahit sobrang hapdi nagawa niyang tumakas ulit dumaan sa bintana. May nakasalubong siyang babae sa kalsada at humingi siya ng tulong pero dahil sa dami ng nawalang dugo nawalan siya ng malay.​Nakabenda na ang sugat niya at hindi na ganun kasakit. Pumikit muna siya para magpahinga at kumalma bago da

  • I DIVORCED MY SCUMBAG HUSBAND TO BECOME A BILLIONAIRE    CHAPTER 9: ANG BABAE NA NAGMULA SA LANGIT

    Pagkasabi ni Zander akmang itutulak na sana niya yung babae palayo. Pero nung mawalan ng balance si Clara out of instinct napahawak siya sa kwelyo ng lalaki. Pareho silang bumagsak sa carpet. Napunta sa ibabaw ng babae ang katawan ni Zander. Nagtagpo ang mga labi nila at naamoy ni Zander yung sweet scent mula sa hininga nito parang amoy ng sea salt and red berries. Saglit siyang natigilan. Feeling ni Clara malapit na siyang masunog sa sobrang init. Unti unting dine destroy ng gamot ang bawat part ng katinuan niya hanggang sa basic desires na lang ang natira. Para siyang taong nalulunod na sa wakas ay nakakita ng floater para isave siya. Iniangat niya ang mga braso niya at niyakap ang leeg ni Zander sabay diin ng mainit niyang labi sa labi nito. Biglang may kumalat na kakaiba at unexplainable na panginginig sa buong katawan niya. Nanigas ang tingin ni Zander at napuno ng shock ang mga mata niya. What the hell is happening? How dare she do this? Sa gitna ng pagkabigla niya sinubukan

  • I DIVORCED MY SCUMBAG HUSBAND TO BECOME A BILLIONAIRE    CHAPTER 8: SKIN TO SKIN

    mga Pakana​"I am warning you wag kang padalos dalos. Kapag nangahas kang hawakan ako I swear hindi maganda ang kahihinatnan mo!" muling nagbabala si Clara.​Hindi na napigilan ng lalaki ang sarili niya. Dinilaan niya ang labi niya habang naghuhubad.​"Wag kang mag alala. Dahil nangahas akong hawakan ka natural lang na may taong sasalo sakin."​"Sino? Sino ang nag utos sayo na gawin to?" galit na galit na tinitigan siya ni Clara.​Halos lumabas na yung mga mata ng lalaki sa sobrang pagnanasa.​"You dont need to know. Maliligo muna ako tapos paglalaruan kita ng konti."​Hindi na kailangan pilitin ng lalaki si Clara kasi may gamot nang kumakalat sa katawan niya. Kapag tuluyan nang umepekto yung gamot mas magiging exciting para sa lalaki kung si Clara mismo ang kusang lalapit. Kailangan lang niyang maghintay.​Pumasok yung manyak na lalaki sa banyo at maya maya narinig ni Clara yung tunog ng umaagos na tubig.​Desperado siyang nagpumiglas. Dahil sa matinding determinasyon niya unti unti

  • I DIVORCED MY SCUMBAG HUSBAND TO BECOME A BILLIONAIRE    CHAPTER 7: SINO KA?!

    Nang hawakan ni Anton yung maliit na camera, para siyang niyanig ng magnitude 10 na lindol sa sobrang kaba.​Biglang nag black out ang utak niya.​Surveillance camera? Bakit may hidden camera sa loob ng study room niya?​Kung ganun, ibig sabihin ba lahat ng kalandian at panlolokong ginawa nila ni Dra Bianca sa kwartong yun narecord?​Nilamon siya ng sobrang panic, pero pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya. Ang pinaka importante niyang malaman ngayon ay kung kanino galing ang camera at sino ang naglagay niyan dyan.​Ang una agad pumasok sa isip niya ay ang asawa niyang si Clara. Baka siya ang naglagay nito?​Pero nung kumalma siya at nag isip isip, narealize niyang malabong si Clara ang gumawa nito. Hindi siya pwedeng mag overreact. Kung malalaman ni Clara na may camera dun, siguradong magagalit din yun at magtatanong. Pinakalma niya ulit ang sarili niya tulad ng lagi niyang ginagawa, at kinumbinsi ang isip niya na mahal na mahal siya ni Clara kaya di nito kayang maniktik sa kanya

  • I DIVORCED MY SCUMBAG HUSBAND TO BECOME A BILLIONAIRE     CHAPTER 6: The hidden camera

    ​"I was the one who was truly blind." ​Yan ang tanging pumasok sa isip ni Clara habang pinagmamasdan niya ang asawa niya. Natawa na lang siya nang mahina dahil sa sobrang pathetic ng sitwasyon nila. Lumapit siya kay Anton at tiningnan ito nang sobrang lamig na para bang isang estranghero na lang ang kaharap niya. Imbes na magwala, mahinahon at kalmado niyang binitawan ang mga salitang matagal na niyang gustong isampal dito. ​"Hindi pa huli ang lahat para magsisi ka Anton. Gusto mo ng divorce? Just say the word. Handa akong pumirma anytime." ​Natigilan si Anton. Parang umurong ang dila niya at hindi nakapagsalita agad. ​Lumingon si Clara sa yaya nilang nakatayo sa gilid. "Kunin mo yung wedding dress ko sa loob ng cabinet ngayon din." ​Nagtaka yung yaya pero dahil sa seryosong mukha ni Clara, mabilis itong sumunod. Makalipas ang ilang minuto, bumalik ang yaya bitbit ang sobrang mahal na wedding dress ni Clara na inorder pa nila dati mula sa France. Maingat na maingat yung yaya

  • I DIVORCED MY SCUMBAG HUSBAND TO BECOME A BILLIONAIRE    Chapter 5: Oh my flowers are on fire!

    Ang likod-bahay ng pamilya Perez ay isang napakagandang garden. Dito tinanim ni Clara yung ibat ibang rare na bulaklak na kailangan niya para sa paggawa ng pabango. Alagang alaga niya yun na parang sarili niyang mga anak.​Habang nagmamadaling bumaba si Clara kung ano ano nang pumapasok sa isip niya. Baka ba nagalit si Dra Bianca dahil dun sa allergy niya sa pabango kaya inutusan nito si Bella na sirain ang garden niya?​Pero nung makarating siya sa likod-bahay mas malala pa pala ang inabutan niya. Hindi lang pinutol ni Bella ang mga bulaklak niya kundi sinunog pa nito ang buong garden!​Yung mga rare na bulaklak na inalagaan niya ng tatlong taon naging abo na lang...​Lahat ng tinanim niya, Datura, rosemary, black rose, cardamom, geranium, sage, naging mga sunog at tuyong sanga na lang na nakakalat sa lupa. Parang nagkaroon ng massacre sa mismong garden niya!​Nakatayo si Bella sa gilid at biglang umiyak ng malakas. Kunwari pa itong humihingi ng tawad.​"Sorry po Tita Clara. Di ko na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status