Home / Romance / I DIVORCED MY SCUMBAG HUSBAND TO BECOME A BILLIONAIRE / Chapter 5: Oh my flowers are on fire!

Share

Chapter 5: Oh my flowers are on fire!

Author: Novice GN
last update publish date: 2026-08-24 13:56:56

Ang likod-bahay ng pamilya Perez ay isang napakagandang garden. Dito tinanim ni Clara yung ibat ibang rare na bulaklak na kailangan niya para sa paggawa ng pabango. Alagang alaga niya yun na parang sarili niyang mga anak.

​Habang nagmamadaling bumaba si Clara kung ano ano nang pumapasok sa isip niya. Baka ba nagalit si Dra Bianca dahil dun sa allergy niya sa pabango kaya inutusan nito si Bella na sirain ang garden niya?

​Pero nung makarating siya sa likod-bahay mas malala pa pala ang inabutan niya. Hindi lang pinutol ni Bella ang mga bulaklak niya kundi sinunog pa nito ang buong garden!

​Yung mga rare na bulaklak na inalagaan niya ng tatlong taon naging abo na lang...

​Lahat ng tinanim niya, Datura, rosemary, black rose, cardamom, geranium, sage, naging mga sunog at tuyong sanga na lang na nakakalat sa lupa. Parang nagkaroon ng massacre sa mismong garden niya!

​Nakatayo si Bella sa gilid at biglang umiyak ng malakas. Kunwari pa itong humihingi ng tawad.

​"Sorry po Tita Clara. Di ko naman sinasadya. Gusto ko lang magsunog dito para makita kung may lalabas na insekto. Di ko alam na lalaki yung apoy..."

​Sumingit ang yaya nilang tarantang taranta. "Ma'am sabi niya kasi gusto niya lang maglaro dito. Wala namang nag expect na maglalaro siya ng apoy. Tsaka sobrang lakas ng hangin ngayon kaya mabilis kumalat yung apoy di na namin naapula."

​Pakiramdam ni Clara kumukulo ang dugo niya at umuugong ang mga tenga niya sa galit. Pumasok sa isip niya ang pagmumukha ni Dra Bianca at gusto na niya itong sabunutan.

​Lumapit si Bella at hinila ang damit niya.

"Sorry po talaga Tita Clara ako kasi..."

​"Sigurado ka bang hindi mo sinadya?" malamig na tanong ni Clara.

​Hindi pa natatapos magsalita ang bata napasigaw na ito sa takot dahil sa tono ni Clara. Sanay kasi ang lahat na kalmado si Clara kaya nagulat pati ang yaya nang bigla itong naging masungit. Umiyak lalo si Bella at hindi na nakapagsalita.

​Gusto na sanang sumabog ni Clara sa galit pero pinigilan niya ang sarili niya. Pumikit siya nang mariin at huminga nang malalim para kumalma.

​Dahan dahang lumuhod si Clara at hinawakan ang pinakamamahal niyang black rose. Ito sana ang main ingredient para sa pabangong gagawin niya sa "Searching for Fragrance" competition next month.

​Dalawang taon na ang nakakalipas nung binili niya ang black rose na ito nang sobrang mahal mula pa sa ibang bansa. Sobrang rare ng variety na to. Ang dami niyang pinagdaanan para lang mabuhay yun sa klima at lupa nila tapos ngayon naging abo na lang.

​Sigurado siyang mananalo siya gamit ang bulaklak na yun eh. Pero ngayon wala na. Pagkahawak niya pa lang sa tangkay naging itim na abo na lang yun na bumagsak sa palad niya. Naikuyom na lang niya ang kamao niya sa sobrang inis.

​"Nasaan si Dra Bianca?" tanong niya.

​Lumapit yung yaya at sumagot. "Sabi niya may bibilhin lang daw siya isang oras na ang nakakalipas."

​Napaka timing naman ng pag alis niya no? Akala ba nila malilinis nila ang pangalan nila sa ginawa nila?

​Tumayo si Clara at tiningnan ng masama ang batang iyak nang iyak. Utos niya sa yaya: "Tawagan mo si Anton sabihin mo may sunog dito sa bahay!"

​Umuwi agad si Anton nang marinig ang balita. Pagpasok niya hinanap niya agad ang anak ni Dra Bianca. "Nasaan si Bella?"

​Tinuro ng yaya ang likod-bahay. Pagpunta ni Anton don nakita niya si Bella na nakaluhod sa lupa at umiiyak na parang kawawang bata. Naawa agad si Anton at nilapitan ito.

​"Bella bakit ka nakaluhod dyan? Tumayo ka nga!" pilit niya. Kahit di niya anak gusto niya talaga ang batang to.

​Pero nag inarte pa si Bella. "Tito Anton nasunog ko po yung garden ni Tita Clara. Di po ako pwedeng tumayo kailangan ko po mag sorry sa kanya."

​"Makinig ka garden lang yun. Okay lang yun. Wag ka mag stay dyan baka magkasakit ka pa," lambing ni Anton tapos binuhat ang bata.

​Papasok na sila sa sala habang umiiyak pa rin si Bella sa balikat ni Anton nang bumaba naman si Clara. Biglang nagalit si Anton nang makita ang asawa niya. Hindi man lang siya nagtanong nang maayos sumigaw na agad siya.

​"Bakit mo naman pinaluhod yung bata sa labas ha ang lamig lamig doon!"

​Narealize ni Clara na nag inarte na naman ang bata para magmukhang biktima. Kahit sanay na siyang masaktan kumirot pa rin ang dibdib niya. Yung lalaking asawa niya hindi man lang nag alala sa garden na tatlong taon niyang inalagaan. Mas inuna pa nitong kampihan ang batang wala naman silang kadugo. Nakakatawa lang isipin.

​"Tanungin mo kaya muna siya bago ka magalit? Ako ba nagpaluhod sa kanya?" mataray na sagot ni Clara.

​Tumingin si Clara sa bata na mabilis umiling. "Hindi po ako pinagbawalan ni Tita Clara. Kasalanan ko po kaya kailangan kong parusahan ang sarili ko."

​Dun lang na gets ni Anton na nag assume lang siya kaya humingi siya ng sorry kay Clara. "Sorry namali lang ng akala."

​"Okay na naintindihan mo na ba kung ano gagawin mo ngayon tungkol dito?" hamon ni Clara kahit alam niyang hindi naman talaga siya ipagtatanggol ng asawa niya.

​Inakbayan ni Anton si Clara para pakalmahin. "Sige na bata pa naman si Bella di niya sinadya. Wag mo nang patulan."

​"Alam mo ba kung gaano kaimportante sakin ang garden na yun?"

​Alam naman ni Anton pero wala siyang pakialam dun kasi feeling niya walang kwenta yung ginagawa ni Clara. "Ano ba namang mapapala mo dyan sa paggawa ng pabango? Akala mo ba magiging master perfumer ka? Itigil mo na nga yan. Dito ka na lang sa bahay maging mabuting asawa sakin at pag magkaanak tayo ikaw mag aalaga. Yun ang the best na pwede mong gawin."

​Natawa na lang si Clara sa narinig niya. Naalala niya nung mag jowa pa lang sila sinabi ni Anton sa kanya, "Ako bahala sayo."

Akala niya dati sweet yun pero ngayon narealize niya gusto lang pala siyang ikulong sa bahay para kontrolin ang buhay niya.

​Tawa siya nang tawa kaya nakaramdam si Anton ng awkwardness at iniba na lang ang usapan. "Sige na tuloy mo na lang perfumery mo. Wag ka na magalit kay Bella oorder na lang ako ng bagong batch ng mga bulaklak galing abroad."

​"So ganun ganun na lang yun?" malamig na tanong ni Clara. "Pag nagkamali ang bata ang magulang dapat ang humingi ng sorry diba? Asan ang nanay niya para magpaliwanag at humingi ng tawad?"

Tumingin si Clara sa may p***o at sakto nandun na si Dra Bianca. Lumapit ito sa kanila nang walang kibo. "Narinig ko lahat."

​"So Dra Bianca mag sosorry ka ba sa ginawa ng anak mo?"

​Kumunot ang noo ni Anton. "Clara wag kang OA. Sabi ko naman papalitan ko na diba?"

​"Tatlong taon kong inalagaan yun tapos sa isang araw lang nasira lahat. Paano naging OA ang paghingi ko ng tawad?" ganti ni Clara.

​Natahimik si Anton at tumingin na lang kay Dra Bianca. "Dra Bianca mag sorry ka na lang kay Clara di madali yung ginawa niya sa garden niya."

​Hindi humingi ng tawad si Dra Bianca. Sa halip hinila niya si Bella sa harap niya at malakas na sinampal sa mukha ang anak nya! Umiyak nang malakas ang bata.

​Kalmadong sabi ni Dra Bianca, "Sorry Clara ha. Sorry talaga kasi di ko nadisiplina nang maayos anak ko."

​Nabigla si Anton kaya niyakap niya agad ang bata at nagalit. "Sabi ko mag sorry ka bakit mo sinampal ang bata?!"

​Tumingin si Dra Bianca kay Bella. "Ngayon garden ang sinunog niya baka bukas bahay na. Kailangan niya ng leksyon para paglaki niya hindi siya maging kahihiyan."

​Awang awa si Anton nang makita niya yung pulang marka ng sampal sa mukha ng bata. Umatras si Bella at pilit pinipigilan ang luha. "Tito Anton okay lang po hindi po masakit..." kahit umiiyak siya.

​Ang galing mag drama ng mag ina nakuha nila ang simpatiya ni Anton.

​Galit na tumayo si Anton at hinarap si Clara. "Oh Clara masaya ka na ba? Eto ba gusto mong mangyari? Di mo man lang mapatawad ang isang inosenteng bata. How did I even chose you back then! Siguro bulag talaga ako nung pinakasalan kita!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I DIVORCED MY SCUMBAG HUSBAND TO BECOME A BILLIONAIRE    CHAPTER 9.1

    Nang magising si Carla nasa ospital na siya. Maliwanag na sa labas ng bintana kaya sure siyang buong magdamag siyang nandito.​Pinaalala ng sakit sa pulso niya ang nangyari kagabi. Muntik na siyang may mangyari sa isang stranger pero sa critical na moment na yun bigla siyang natauhan. Hindi niya pwedeng isuko ang puri niya. May mga taong nag set up sa kanya para sirain ang reputasyon niya at hinding hindi niya hahayaang magtagumpay ang mga ito.​Kaya nung pumunta ang lalaki sa pinto para buksan ito napansin niya ang isang maliit na kutsilyo sa side table. Gamit ang natitira niyang lakas hiniwa niya ang sarili niyang pulso. Dahil sa sobrang sakit tuluyan siyang nagising sa epekto ng gamot.​Kahit sobrang hapdi nagawa niyang tumakas ulit dumaan sa bintana. May nakasalubong siyang babae sa kalsada at humingi siya ng tulong pero dahil sa dami ng nawalang dugo nawalan siya ng malay.​Nakabenda na ang sugat niya at hindi na ganun kasakit. Pumikit muna siya para magpahinga at kumalma bago da

  • I DIVORCED MY SCUMBAG HUSBAND TO BECOME A BILLIONAIRE    CHAPTER 9: ANG BABAE NA NAGMULA SA LANGIT

    Pagkasabi ni Zander akmang itutulak na sana niya yung babae palayo. Pero nung mawalan ng balance si Clara out of instinct napahawak siya sa kwelyo ng lalaki. Pareho silang bumagsak sa carpet. Napunta sa ibabaw ng babae ang katawan ni Zander. Nagtagpo ang mga labi nila at naamoy ni Zander yung sweet scent mula sa hininga nito parang amoy ng sea salt and red berries. Saglit siyang natigilan. Feeling ni Clara malapit na siyang masunog sa sobrang init. Unti unting dine destroy ng gamot ang bawat part ng katinuan niya hanggang sa basic desires na lang ang natira. Para siyang taong nalulunod na sa wakas ay nakakita ng floater para isave siya. Iniangat niya ang mga braso niya at niyakap ang leeg ni Zander sabay diin ng mainit niyang labi sa labi nito. Biglang may kumalat na kakaiba at unexplainable na panginginig sa buong katawan niya. Nanigas ang tingin ni Zander at napuno ng shock ang mga mata niya. What the hell is happening? How dare she do this? Sa gitna ng pagkabigla niya sinubukan

  • I DIVORCED MY SCUMBAG HUSBAND TO BECOME A BILLIONAIRE    CHAPTER 8: SKIN TO SKIN

    mga Pakana​"I am warning you wag kang padalos dalos. Kapag nangahas kang hawakan ako I swear hindi maganda ang kahihinatnan mo!" muling nagbabala si Clara.​Hindi na napigilan ng lalaki ang sarili niya. Dinilaan niya ang labi niya habang naghuhubad.​"Wag kang mag alala. Dahil nangahas akong hawakan ka natural lang na may taong sasalo sakin."​"Sino? Sino ang nag utos sayo na gawin to?" galit na galit na tinitigan siya ni Clara.​Halos lumabas na yung mga mata ng lalaki sa sobrang pagnanasa.​"You dont need to know. Maliligo muna ako tapos paglalaruan kita ng konti."​Hindi na kailangan pilitin ng lalaki si Clara kasi may gamot nang kumakalat sa katawan niya. Kapag tuluyan nang umepekto yung gamot mas magiging exciting para sa lalaki kung si Clara mismo ang kusang lalapit. Kailangan lang niyang maghintay.​Pumasok yung manyak na lalaki sa banyo at maya maya narinig ni Clara yung tunog ng umaagos na tubig.​Desperado siyang nagpumiglas. Dahil sa matinding determinasyon niya unti unti

  • I DIVORCED MY SCUMBAG HUSBAND TO BECOME A BILLIONAIRE    CHAPTER 7: SINO KA?!

    Nang hawakan ni Anton yung maliit na camera, para siyang niyanig ng magnitude 10 na lindol sa sobrang kaba.​Biglang nag black out ang utak niya.​Surveillance camera? Bakit may hidden camera sa loob ng study room niya?​Kung ganun, ibig sabihin ba lahat ng kalandian at panlolokong ginawa nila ni Dra Bianca sa kwartong yun narecord?​Nilamon siya ng sobrang panic, pero pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya. Ang pinaka importante niyang malaman ngayon ay kung kanino galing ang camera at sino ang naglagay niyan dyan.​Ang una agad pumasok sa isip niya ay ang asawa niyang si Clara. Baka siya ang naglagay nito?​Pero nung kumalma siya at nag isip isip, narealize niyang malabong si Clara ang gumawa nito. Hindi siya pwedeng mag overreact. Kung malalaman ni Clara na may camera dun, siguradong magagalit din yun at magtatanong. Pinakalma niya ulit ang sarili niya tulad ng lagi niyang ginagawa, at kinumbinsi ang isip niya na mahal na mahal siya ni Clara kaya di nito kayang maniktik sa kanya

  • I DIVORCED MY SCUMBAG HUSBAND TO BECOME A BILLIONAIRE     CHAPTER 6: The hidden camera

    ​"I was the one who was truly blind." ​Yan ang tanging pumasok sa isip ni Clara habang pinagmamasdan niya ang asawa niya. Natawa na lang siya nang mahina dahil sa sobrang pathetic ng sitwasyon nila. Lumapit siya kay Anton at tiningnan ito nang sobrang lamig na para bang isang estranghero na lang ang kaharap niya. Imbes na magwala, mahinahon at kalmado niyang binitawan ang mga salitang matagal na niyang gustong isampal dito. ​"Hindi pa huli ang lahat para magsisi ka Anton. Gusto mo ng divorce? Just say the word. Handa akong pumirma anytime." ​Natigilan si Anton. Parang umurong ang dila niya at hindi nakapagsalita agad. ​Lumingon si Clara sa yaya nilang nakatayo sa gilid. "Kunin mo yung wedding dress ko sa loob ng cabinet ngayon din." ​Nagtaka yung yaya pero dahil sa seryosong mukha ni Clara, mabilis itong sumunod. Makalipas ang ilang minuto, bumalik ang yaya bitbit ang sobrang mahal na wedding dress ni Clara na inorder pa nila dati mula sa France. Maingat na maingat yung yaya

  • I DIVORCED MY SCUMBAG HUSBAND TO BECOME A BILLIONAIRE    Chapter 5: Oh my flowers are on fire!

    Ang likod-bahay ng pamilya Perez ay isang napakagandang garden. Dito tinanim ni Clara yung ibat ibang rare na bulaklak na kailangan niya para sa paggawa ng pabango. Alagang alaga niya yun na parang sarili niyang mga anak.​Habang nagmamadaling bumaba si Clara kung ano ano nang pumapasok sa isip niya. Baka ba nagalit si Dra Bianca dahil dun sa allergy niya sa pabango kaya inutusan nito si Bella na sirain ang garden niya?​Pero nung makarating siya sa likod-bahay mas malala pa pala ang inabutan niya. Hindi lang pinutol ni Bella ang mga bulaklak niya kundi sinunog pa nito ang buong garden!​Yung mga rare na bulaklak na inalagaan niya ng tatlong taon naging abo na lang...​Lahat ng tinanim niya, Datura, rosemary, black rose, cardamom, geranium, sage, naging mga sunog at tuyong sanga na lang na nakakalat sa lupa. Parang nagkaroon ng massacre sa mismong garden niya!​Nakatayo si Bella sa gilid at biglang umiyak ng malakas. Kunwari pa itong humihingi ng tawad.​"Sorry po Tita Clara. Di ko na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status