Home / Romance / I DIVORCED MY SCUMBAG HUSBAND TO BECOME A BILLIONAIRE / CHAPTER 4: Manok na may bulok na itlog

Share

CHAPTER 4: Manok na may bulok na itlog

Author: Novice GN
last update publish date: 2026-08-24 13:55:43

Parehong pareho yung nangyari tulad nung nakaraan.

​Nung nakita ni Clara na ini spray ni Anton yung pabango kay Dra Bianca, pinatay na niya yung phone niya. Nasuka na siya nang malala kahapon kaya ayaw na niyang maulit yun.

​

​Sa loob ng study room.

​Alagang alaga ni Dra Bianca si Anton. Pero bigla siyang nakaramdam ng pangangati sa buong katawan. Parang may mga insekto na gumagapang at dumadami pa.

​Hindi niya mapigilang kamutin yung sarili niya.

​"Anton, ang kati..."

​Nang asar pa yung mokong, "Nangangati ka na bang mag start yung session naten?"

​Tumayo si Dra Bianca at kinamot ng malakas yung dibdib niya. "Hindi! Makati talaga! Parang mamatay na ako sa kati!"

​Madilim sa study room. Kandila lang yung nakasindi para medyo romantic yung vibes. Yun yung gusto ni Anton.

​Nung narinig niya yun, tinanggal niya yung ribbon sa mata niya at binuksan yung ilaw. Pareho silang nagulat sa nakita nila.

​"Anton... anong nangyari?"

​Puno ng mapupulang pantal yung maputing balat ni Dra Bianca. Dikdik yung mga pantal na parang kinagat ng sandamakmak na langgam. Nakakadiri.

​"May nakain ka bang bawal?" gulat na tanong ni Anton.

​"Wala akong kinain!"

​Nag isip ng malalim si Dra Bianca tapos biglang napatingin dun sa bote ng pabango sa mesa. "Baka yung pabango? Anton, hindi mo ba naisip na baka may nilagay si Clara sa perfume nya ? Siguradong yung mumurahing pabango niya yung dahilan kaya ako nagka allergy!"

​Halos mabaliw na sa kati si Dra Bianca habang kinakamot buong katawan niya. Kumakalat yung pantal mula dibdib hanggang leeg tapos papunta na sa mukha. Parang may nakakahawang sakit na ewan.

​"Tara, dadalhin na kita sa ospital!"

​Hindi na pinansin ni Anton yung sinabi ni Dra Bianca tungkol sa pabango ni Clara. Dinala niya agad ito sa ospital.

​Sobrang sarap ng tulog ni Clara nung gabing yun. Pag masarap yung tulog, ganado ka rin kumain. Kaya marami siyang nakain sa almusal.

​Tulad ng inaasahan, hindi bumaba sina Anton at Dra Bianca para mag almusal. Nung tapos na si Clara kumain at paalis na papuntang studio, tsaka lang dahan dahang bumaba si Dra Bianca.

​Kahit tinatago niya, kitang kita pa rin ni Clara yung mga mapupulang pantal sa mukha nito. Nagpanggap si Clara na concerned.

​"Hala Dra Bianca, anong nangyari dyan sa mukha mo?"

​Ngumiti ng pilit si Dra Bianca. "Ah, ako..."

​"Binigyan ko si Dra Bianca ng pabango mo kagabi Clara. Tatanungin ko sana kung anong ingredients yung ginamit mo dun kasi nagka allergic reaction siya."

​Biglang sumingit si Anton na kakababa lang din ng hagdan. Ayaw niya sanang malaman ni Clara na siya yung gumamit ng pabango, pero no choice siya. Kailangan malaman nung doktor sa ospital yung exact formula para magamot ng ayos si Dra Bianca, kundi babalik lang din yung symptoms.

​Parang nasukol si Anton. Kailangan niyang magtanong.

​Nagpigil ng tawa si Clara. Kunwari di siya makapaniwala. "Anton, totoo ba narinig ko? Diba minamaliit mo yung perfume ko? Sabi mo mumurahin at di maganda yung mga gawa ko. Tapos binigay mo sa isang sikat na doktor na laging nananalo ng awards?"

​"Anton, pinapahiya mo naman yata si Dra Bianca niyan!"

​Natahimik si Anton. Parang sinampal siya ng malakas sa mga sinabi ni Clara. Namula yung pisngi niya sa hiya.

​Bumaon yung kuko ni Dra Bianca sa palad niya sa sobrang inis pero pinilit niyang ayusin yung sitwasyon. "Clara, naamoy ko kasi yung pabango mo kahapon at nagustuhan ko. Kaya nagpakuha ako kay Anton. Baka na allergy lang ako sa isa sa mga ingredients kaya... nagka ganito."

​"Ah ganun pala..."

​Kunwari ngayon lang naintindihan ni Clara tapos tiningnan yung reaction nito. "Malala pala yung allergy mo. Baka sensitive yung balat mo Dra Bianca. Sa susunod mag ingat ka at wag kung ano ano ginagamit mo."

​"Yung formula..." singit ni Dra Bianca.

​"Ah sige. Sesend ko sayo mamaya. Bigay mo sa doktor mo."

​"Salamat," sabi ni Dra Bianca.

​Tinapik ni Clara yung balikat niya. "Ako nga dapat magpasalamat eh. Salamat kasi nagustuhan mo yung pabango ko. Kahit sikat ka, mas pinili mo yung gawa ko kesa sa mga mamahaling brand. Sabi nga ni Anton, baka sumikat na din ako malapit na!"

​Tumingin siya kay Anton na parang nang aasar. "Diba honey?"

​Nung makita niyang parehong nakasimangot yung dalawa, umalis si Clara nang masaya. Naiwan si Dra Bianca na galit na galit.

​"Anton, sa susunod gagamitin mo pa ba ulit sakin yung mga mumurahin niyang gamit?" reklamo ni Dra Bianca.

​Di siya pinansin ni Anton. May iniisip siyang malalim. Nagkataon lang ba yung mga sinabi ni Clara o baka may alam na siya?

​Pero impossible. Mahal na mahal siya ni Clara. Kung may alam ito, mag aalburuto yun sa selos. Baka nag ooverthink lang siya.

​Biglang tumunog yung phone niya.

Pagtingin niya assistant niya tumatawag.

​"Boss, may malaking problema! Bagsak yung stock natin ngayon!"

​Sa loob ng 15 minutes na opening auction, ginamit ni Clara yung mga trading accounts niya para sunod sunod na magbenta ng shares ng company ni Anton. Sobrang dami nung binenta niya.

​Nung nakita ng ibang investors na may malaking nagbebenta, akala nila may bad news sa company kaya nag panic selling din sila. Dahil dun, bumagsak ng malala yung presyo ng stock. Hangga't di binabawi ni Clara yung orders niya, di aangat yung presyo.

​Ang asawang walang kwenta, hindi pwedeng swertehin. Anton, kung di mo gets yun, tuturuan kita ng leksyon!- Clara

​Masayang nagpunta si Clara sa shop niya. Ang "Flower scent shop" ay nasa isang lumang building na parang aesthetic tignan. Sa baba yung private perfumery niya tapos sa taas yung storage ng mga ingredients.

​Pagkapalit niya ng apron at pagtali ng buhok, nagsimula na siyang gumawa ng essential oil mula sa mga bulaklak.

Pagkalipas ng isang buwan, sasali siya sa isang international perfume competition na "Searching for Fragrance".

​Ang organizer nito ay ang Outlet, isang sikat na luxury goods group. Importante to kay Clara. Pag nanalo siya, magiging sikat siya dahil sa sarili niyang gawa, hindi dahil asawa siya ni Anton o dahil siya si Investor Z.

​Gusto niyang sumikat para sa pangarap niya. Nung mga nakaraang araw nawalan siya ng focus dahil sa paghihiganti niya, pero ngayon kailangan na niyang magseryoso sa competition.

​Gabi na nung umuwi si Clara galing shop. Sinalubong agad siya ni Bella na may hawak na drawing. Inosente yung mukha nung bata.

​Kung di lang alam ni Clara na utos to ng nanay niya, baka napaniwala pa siya. "Tita Clara, nag drawing ako ng manok. Kamukha ba nito yung inahing manok?"

​Tiningnan ni Clara. Isang matabang inahing manok na nakaupo sa kulungan at blangko ang mata. May meaning yung drawing pero bago pa makasagot si Clara, ngumisi si Bella.

​"Di naman mangingitlog yung matandang manok na yan. Nakaupo lang sa pugad niya. Walang kwenta," pang aasar ni Bella.

​Ngumiti si Clara nung na gets niya yung meaning. Ang galing talaga mang asar ni Dra Bianca, tinuturuan pa yung bata na mang asar ng baog.

​Imbes na magalit, tumingin si Clara kay Bella tapos kinuha yung drawing. "Maganda naman. Marunong din mag drawing si Tita ng manok. Gusto mo drawingan din kita?"

​"Sige!" tuwang tuwang sagot ni Bella.

​Mabilis na nag drawing si Clara ng isa pang manok. Pero may itlog na maitim tapos may tumutulong parang nana at nilalangaw pa.

​Ngumiti si Clara at tinuro yung drawing. "Tingnan mo Bella. Sayo, matandang manok na di nangingitlog. Yung akin naman, manok na nangingitlog nga pero sira sira naman yung itlog at puro nana. Kaya ang tawag dito, inahing manok na may bulok na itlog."

​Kahit bata pa si Bella, na gets niyang hindi maganda yun. Tinatawag siyang bulok na itlog! Galit na kinuha ni Bella yung drawing tapos tumakbo palayo.

Pagkatapos nun umakyat si Clara sa kwarto niya para maligo. Nakatulog siya sa bathtub sa sobrang relax ng tubig. Di na niya alam kung gano katagal siya natulog kundi lang sa malakas na katok sa p***o.

Nagbihis siya at binuksan yung p***o. Sumigaw yung yaya na natataranta.

​"Ma'am, may masamang nangyari! Puntahan niyo yung likod bahay bilis!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I DIVORCED MY SCUMBAG HUSBAND TO BECOME A BILLIONAIRE    CHAPTER 9.1

    Nang magising si Carla nasa ospital na siya. Maliwanag na sa labas ng bintana kaya sure siyang buong magdamag siyang nandito.​Pinaalala ng sakit sa pulso niya ang nangyari kagabi. Muntik na siyang may mangyari sa isang stranger pero sa critical na moment na yun bigla siyang natauhan. Hindi niya pwedeng isuko ang puri niya. May mga taong nag set up sa kanya para sirain ang reputasyon niya at hinding hindi niya hahayaang magtagumpay ang mga ito.​Kaya nung pumunta ang lalaki sa pinto para buksan ito napansin niya ang isang maliit na kutsilyo sa side table. Gamit ang natitira niyang lakas hiniwa niya ang sarili niyang pulso. Dahil sa sobrang sakit tuluyan siyang nagising sa epekto ng gamot.​Kahit sobrang hapdi nagawa niyang tumakas ulit dumaan sa bintana. May nakasalubong siyang babae sa kalsada at humingi siya ng tulong pero dahil sa dami ng nawalang dugo nawalan siya ng malay.​Nakabenda na ang sugat niya at hindi na ganun kasakit. Pumikit muna siya para magpahinga at kumalma bago da

  • I DIVORCED MY SCUMBAG HUSBAND TO BECOME A BILLIONAIRE    CHAPTER 9: ANG BABAE NA NAGMULA SA LANGIT

    Pagkasabi ni Zander akmang itutulak na sana niya yung babae palayo. Pero nung mawalan ng balance si Clara out of instinct napahawak siya sa kwelyo ng lalaki. Pareho silang bumagsak sa carpet. Napunta sa ibabaw ng babae ang katawan ni Zander. Nagtagpo ang mga labi nila at naamoy ni Zander yung sweet scent mula sa hininga nito parang amoy ng sea salt and red berries. Saglit siyang natigilan. Feeling ni Clara malapit na siyang masunog sa sobrang init. Unti unting dine destroy ng gamot ang bawat part ng katinuan niya hanggang sa basic desires na lang ang natira. Para siyang taong nalulunod na sa wakas ay nakakita ng floater para isave siya. Iniangat niya ang mga braso niya at niyakap ang leeg ni Zander sabay diin ng mainit niyang labi sa labi nito. Biglang may kumalat na kakaiba at unexplainable na panginginig sa buong katawan niya. Nanigas ang tingin ni Zander at napuno ng shock ang mga mata niya. What the hell is happening? How dare she do this? Sa gitna ng pagkabigla niya sinubukan

  • I DIVORCED MY SCUMBAG HUSBAND TO BECOME A BILLIONAIRE    CHAPTER 8: SKIN TO SKIN

    mga Pakana​"I am warning you wag kang padalos dalos. Kapag nangahas kang hawakan ako I swear hindi maganda ang kahihinatnan mo!" muling nagbabala si Clara.​Hindi na napigilan ng lalaki ang sarili niya. Dinilaan niya ang labi niya habang naghuhubad.​"Wag kang mag alala. Dahil nangahas akong hawakan ka natural lang na may taong sasalo sakin."​"Sino? Sino ang nag utos sayo na gawin to?" galit na galit na tinitigan siya ni Clara.​Halos lumabas na yung mga mata ng lalaki sa sobrang pagnanasa.​"You dont need to know. Maliligo muna ako tapos paglalaruan kita ng konti."​Hindi na kailangan pilitin ng lalaki si Clara kasi may gamot nang kumakalat sa katawan niya. Kapag tuluyan nang umepekto yung gamot mas magiging exciting para sa lalaki kung si Clara mismo ang kusang lalapit. Kailangan lang niyang maghintay.​Pumasok yung manyak na lalaki sa banyo at maya maya narinig ni Clara yung tunog ng umaagos na tubig.​Desperado siyang nagpumiglas. Dahil sa matinding determinasyon niya unti unti

  • I DIVORCED MY SCUMBAG HUSBAND TO BECOME A BILLIONAIRE    CHAPTER 7: SINO KA?!

    Nang hawakan ni Anton yung maliit na camera, para siyang niyanig ng magnitude 10 na lindol sa sobrang kaba.​Biglang nag black out ang utak niya.​Surveillance camera? Bakit may hidden camera sa loob ng study room niya?​Kung ganun, ibig sabihin ba lahat ng kalandian at panlolokong ginawa nila ni Dra Bianca sa kwartong yun narecord?​Nilamon siya ng sobrang panic, pero pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya. Ang pinaka importante niyang malaman ngayon ay kung kanino galing ang camera at sino ang naglagay niyan dyan.​Ang una agad pumasok sa isip niya ay ang asawa niyang si Clara. Baka siya ang naglagay nito?​Pero nung kumalma siya at nag isip isip, narealize niyang malabong si Clara ang gumawa nito. Hindi siya pwedeng mag overreact. Kung malalaman ni Clara na may camera dun, siguradong magagalit din yun at magtatanong. Pinakalma niya ulit ang sarili niya tulad ng lagi niyang ginagawa, at kinumbinsi ang isip niya na mahal na mahal siya ni Clara kaya di nito kayang maniktik sa kanya

  • I DIVORCED MY SCUMBAG HUSBAND TO BECOME A BILLIONAIRE     CHAPTER 6: The hidden camera

    ​"I was the one who was truly blind." ​Yan ang tanging pumasok sa isip ni Clara habang pinagmamasdan niya ang asawa niya. Natawa na lang siya nang mahina dahil sa sobrang pathetic ng sitwasyon nila. Lumapit siya kay Anton at tiningnan ito nang sobrang lamig na para bang isang estranghero na lang ang kaharap niya. Imbes na magwala, mahinahon at kalmado niyang binitawan ang mga salitang matagal na niyang gustong isampal dito. ​"Hindi pa huli ang lahat para magsisi ka Anton. Gusto mo ng divorce? Just say the word. Handa akong pumirma anytime." ​Natigilan si Anton. Parang umurong ang dila niya at hindi nakapagsalita agad. ​Lumingon si Clara sa yaya nilang nakatayo sa gilid. "Kunin mo yung wedding dress ko sa loob ng cabinet ngayon din." ​Nagtaka yung yaya pero dahil sa seryosong mukha ni Clara, mabilis itong sumunod. Makalipas ang ilang minuto, bumalik ang yaya bitbit ang sobrang mahal na wedding dress ni Clara na inorder pa nila dati mula sa France. Maingat na maingat yung yaya

  • I DIVORCED MY SCUMBAG HUSBAND TO BECOME A BILLIONAIRE    Chapter 5: Oh my flowers are on fire!

    Ang likod-bahay ng pamilya Perez ay isang napakagandang garden. Dito tinanim ni Clara yung ibat ibang rare na bulaklak na kailangan niya para sa paggawa ng pabango. Alagang alaga niya yun na parang sarili niyang mga anak.​Habang nagmamadaling bumaba si Clara kung ano ano nang pumapasok sa isip niya. Baka ba nagalit si Dra Bianca dahil dun sa allergy niya sa pabango kaya inutusan nito si Bella na sirain ang garden niya?​Pero nung makarating siya sa likod-bahay mas malala pa pala ang inabutan niya. Hindi lang pinutol ni Bella ang mga bulaklak niya kundi sinunog pa nito ang buong garden!​Yung mga rare na bulaklak na inalagaan niya ng tatlong taon naging abo na lang...​Lahat ng tinanim niya, Datura, rosemary, black rose, cardamom, geranium, sage, naging mga sunog at tuyong sanga na lang na nakakalat sa lupa. Parang nagkaroon ng massacre sa mismong garden niya!​Nakatayo si Bella sa gilid at biglang umiyak ng malakas. Kunwari pa itong humihingi ng tawad.​"Sorry po Tita Clara. Di ko na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status