Nang marinig ang tawag na iyon, mas lalong namula si Donya Letecia sa matinding poot. Humakbang ito palapit sa hagdan, nanginginig ang daliring itinuro si Angela.“Wag mo akong tawaging mama! You’re not my daughter-in-law! Hinding-hindi kita magiging anak, at hinding-hindi kita kailanman ituturing na pamilya!” sigaw ni Donya Letecia, nag-uumapaw sa galit niya.Hindi natinag si Angela. Sa halip, huminto siya sa gitna ng hagdan, inayos ang cuffs ng kanyang damit, at isinagot ang isang mapait at mapanghamong ngiti.“Okay… kahit naman ako, hinding-hindi ko kayo tanggap bilang mama ko,” malamig at deretsong sagot ni Angela, sabay talikod para tuluyang maglakad patungo sa kusina para sa kanyang kape, tuluyang binalewala ang nag-iinit na matanda.“How dare you—!” sigaw ni Donya Letecia, ang boses ay nanginginig sa matinding poot at hiya habang hindi na napigilan ang sarili. Sabay na sumunod siya nang may mabibigat at mabilis na hakbang patungo sa direksyon ni Angela.“Paano mo nasasabi ang m
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-09-20 อ่านเพิ่มเติม