Makalipas ang ilang oras, nang matapos ang mabibigat at nakaka-stress na kaganapan sa dining hall at ang pag-alis ng mga pekeng magulang ni Elina, agad tinahak ni Angela ang pasilyo patungo sa pribadong silid ng matandang ginang.Tok… tok… tok…“Madam Beatrice, nasa office na po ba kayo?” magalang na tawag ni Angela habang dahan-dahang kinakatok ang pinto ng opisina.Bago pa man sumagot ang kabilang panig o mabuksan ang seradura, isang pamilyar, matinis, at nanggigigil na boses ang biglang umalingawngaw sa kanyang likuran.“So, anong ginagawa mo sa opisina ni Mama? Magsusumbong ka na naman ba ng mga kasinungalingan kay Mama?!” galit na saad ni Elina, na biglang sumulpot mula sa kanto ng pasilyo kasama si Dave na tahimik ngunit balisa sa tabi nito.Mabilis na lumingon si Angela, pinanatili ang malamig at walang-takot na mukha habang tinitigan ang namumulang mukha ng kanyang kapatid sa sobrang galit at selos.“Wala kang pakialam sa gagawin ko rito, Ma’am Elina,” kalmado ngunit may diing
Última atualização : 2026-09-11 Ler mais