Chapter 1: Utang na DugoMarikit ReyesHindi ko kailanman pinangarap maging kasambahay. Kung tutuusin, kahit minsan, hindi ko nga pinangarap maging kahit ano.Ang gusto ko lang noon ay makapagtapos, magkaroon ng maliit na trabaho, at makauwi gabi-gabi sa bahay na hindi kailangang magbilang kung ilan pang araw bago kami mawalan ng bigas.Simple lang.Pero may paraan talaga ang buhay para ipaalala sa iyong hindi lahat ng gusto mo ay mahalaga.Minsan, pera ang nagdedesisyon. Minsan, sakit. At minsan, ang pinakamamahal mong tao."Ate Marikit," napatingin ako sa kapatid kong nakahiga sa lumang sofa."Ate Kit, may tubig pa?" tumango ako, bago tumayo agad ako."Sandali," bago ko kinuha ko ang baso sa mesa at pinuno iyon mula sa pitsel na halos kalahati na lang ang laman.Maingat kong iniabot sa kanya."Kaunti lang. Baka masuka ka."Tumango siya bago dahan-dahang uminom. Labing-isang taong gulang pa lamang si Galo. Labing-isang taon.Sa edad na dapat ang pinakamalaking problema niya ay kung a
Huling Na-update : 2026-08-27 Magbasa pa