LOGINNang mabaon sa utang si Marikit "Kit" Reyes, isang choice lang ang meron siya: Magtrabaho bilang kasambahay sa pinakamayamang at pinakamasungit na haciendero sa Tarlac. Si Don Rafael Montenegro. Byudo. May dalawang anak. May pusong bato. Pero ang hindi alam ni Don, si Kit ang babaeng hindi matatakot sumigaw sa kanya. Ang hindi rin alam ni Kit, si Don ang lalaking ililigtas ang pamilya niya. Sa pagitan ng lugaw kapag may lagnat, sampalan sa sala, at gabi sa kubo. Sa gitna ng ex na mananakit, sakit na papatay, at korte na maghihiwalay. Matutunan kaya nilang pareho na minsan, ang bahay ay hindi mansyon. Ang bahay ay isang tao. Pero paano kung ang oras ang kalaban nila?
View MoreChapter 1: Utang na Dugo
Marikit Reyes Hindi ko kailanman pinangarap maging kasambahay. Kung tutuusin, kahit minsan, hindi ko nga pinangarap maging kahit ano. Ang gusto ko lang noon ay makapagtapos, magkaroon ng maliit na trabaho, at makauwi gabi-gabi sa bahay na hindi kailangang magbilang kung ilan pang araw bago kami mawalan ng bigas. Simple lang. Pero may paraan talaga ang buhay para ipaalala sa iyong hindi lahat ng gusto mo ay mahalaga. Minsan, pera ang nagdedesisyon. Minsan, sakit. At minsan, ang pinakamamahal mong tao. "Ate Marikit," napatingin ako sa kapatid kong nakahiga sa lumang sofa. "Ate Kit, may tubig pa?" tumango ako, bago tumayo agad ako. "Sandali," bago ko kinuha ko ang baso sa mesa at pinuno iyon mula sa pitsel na halos kalahati na lang ang laman. Maingat kong iniabot sa kanya. "Kaunti lang. Baka masuka ka." Tumango siya bago dahan-dahang uminom. Labing-isang taong gulang pa lamang si Galo. Labing-isang taon. Sa edad na dapat ang pinakamalaking problema niya ay kung anong cartoon ang papanoorin niya o kung makakalaro ba siya sa labas kasama ang mga kaibigan, ang iniisip niya ngayon ay kung kailan siya makakabalik sa ospital. Hindi ko kayang tingnan siya nang matagal. Kaya ako ang unang umiwas. "Matulog ka na." "Ate..." "Hmm?" "May pera na ba tayo?" umiwas ulit ako ng tingin dahil parang may humawak sa dibdib ko. Pero pinilit kong ngumiti. "Meron," nakangiting sagot ko, pero puro kasinungalingan ‘yon. Wala kaming sapat na pera sa susunod na bayad sa ospital. Wala kaming sapat para sa gamot. At lalong wala kaming sapat para sa operasyon na sinabi ng doktor na kailangan niya. Pero paano ko sasabihin iyon sa isang batang halos hindi na makatayo nang matagal? "Ate?" muling tawag niya sa'kin. "Ano?" "Aalis ka po ba?" mahinahong tanong niya, kaya napatingin ako sa kanya. Minsan, nakakalimutan kong marunong na siyang makapansin ng mga bagay na ayaw kong ipakita. "Oo," maikling sagot ko. "Saan?" "May pupuntahan lang akong trabaho," sagot ko, kahit naman wala. "Sa gabi?" tumango ako. "Temporary lang," sagot ko bago umalis. Hindi ko alam kung gaano katagal ang temporary. Hindi ko rin alam kung ano ang trabaho. Ang alam ko lang, kailangan ko itong makuha. Ngayon. Hindi bukas. Hindi sa susunod na linggo. Ngayon. "Okay," ngumiti siya nang kaunti. "babalik ka naman ‘di ba?" sandali akong natigilan. "Oo naman," mas mabilis kong sagot kaysa sa nararapat. "Sigurado ‘yon," dagdag ko. Dahil kahit anong mangyari, babalik ako. Kahit pagod. Kahit pagod na pagod na ako. Kahit kailangan kong lunukin ang pride ko. Babalik ako. Para sa kanya. Alas-diyes ng gabi nang lumabas ako ng bahay. Malamig ang hangin pero hindi sapat para mawala ang init sa katawan ko. Isang lumang bag ang dala ko. Dalawang damit. Isang pares ng tsinelas. Isang maliit na suklay. At ang photocopy ng resume kong ilang beses nang tinanggihan. Hindi dahil wala akong kakayahan. Hindi dahil tamad ako. Kundi dahil karamihan sa trabaho ay gusto ng may karanasan. At paano magkakaroon ng karanasan ang isang taong kailangang magtrabaho para mabuhay bago pa man magkaroon ng pagkakataong makapagtrabaho? Huminga ako nang malalim. Sa kamay ko ay isang pirasong papel na ibinigay sa akin ni Aling Nena kaninang hapon. Isang address. Isang pangalan. Hacienda Monteverde. Don Rafael Monteverde. "Mayaman 'yan," sabi ni Aling Nena. "Mayaman?" "May hacienda. Maraming lupa. Maraming tauhan. Malaking bahay." "At bakit ako?" "Kailangan nila ng kasambahay." "Kasambahay?" "Oo." Napangiwi ako noon. Hindi dahil minamaliit ko ang trabaho. Hindi. Alam kong marangal ang pagtatrabaho. Pero alam ko rin ang ibig sabihin ng trabaho sa malaking bahay. Madalas, hindi ka tinatawag na tao. Tinatawag kang "kasambahay." At sa ilang bahay, sapat na ang dalawang salitang iyon para ipaalala sa iyo kung saan ka nakatayo. Pero ngayon? Wala akong pakialam. Kung kailangan kong maglinis ng buong mansyon para lang mabayaran ang operasyon ni Galo, gagawin ko. Kung kailangan kong maglaba ng damit ng isang buong pamilya, gagawin ko. Kung kailangan kong gumising ng alas-singko araw-araw, gagawin ko. Basta mabuhay si Galo. Iyon lang. Dalawang oras ang biyahe. At nang makarating ako sa hacienda, halos alas-dose na ng gabi. Napahinto ako sa harap ng napakalaking gate. "Grabe," wala sa sariling naiusal ko. Hindi ko napigilang sabihin iyon. Hindi ko alam kung hacienda ba talaga ang tawag dito o maliit na kaharian. Napakataas ng gate. Sa likod nito ay mahahabang puno, malawak na damuhan at isang malaking bahay na may mga ilaw sa ilang bintana. Parang ibang mundo. Napatingin ako sa sarili ko. Luma kong blouse. Simpleng pantalon. Rubber shoes na ilang beses ko nang tinahi. Napabuntong-hininga ako. "Marikit, trabaho lang 'to," pagkausap ko sa sarili ko. Humakbang ako papunta sa gate. May maliit na guardhouse sa gilid. Kumatok ako sa salamin. Lumabas ang isang matandang lalaki. "Sino?" "Magandang gabi po," tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Anong kailangan mo?" "May application po ako." "Ngayon?" Napatingin ako sa relo. 12:03 a.m. "Oo." Napakunot-noo siya. "May appointment ka?" "Wala po." "May nag-refer sa'yo?" "Si Aling Nena po," biglang nagbago ang mukha niya. "Ah," Parang may naalala. "Ikaw ba si Marikit?" "Opo," tumango siya. "Sandali," kumuha siya ng telepono. Tahimik akong nakatayo habang naghihintay. Ilang segundo lang ang lumipas nang ibaba niya ang telepono. "Pasok," napakunot-noo ako. "Ngayon po?" "Sinabi ni Don Rafael na papasukin ka." Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa akin. "Si Don Rafael mismo?" tumango siya. "Oo," napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Siguro dahil sa pangalan. O dahil sa ideyang ang taong kailangan kong pakiusapan para sa trabaho ay gising pa sa ganitong oras. Binuksan niya ang gate. At sa unang pagkakataon, nakapasok ako sa Hacienda Monteverde. Tahimik ang buong lugar. Napakalawak. Sa kaliwa ay may malalaking puno. Sa kanan naman ay may ilang gusali na hindi ko alam kung para saan. Sa malayo, tanaw ko ang mga ilaw ng kamalig. Naglakad ako kasunod ng guard. Habang papalapit sa bahay, lalo akong kinakabahan. Hindi dahil natatakot ako sa trabaho. Sanay ako sa trabaho. Ang kinatatakutan ko ay ang posibilidad na umuwi akong walang dala. Walang trabaho. Walang pera. Walang pag-asa. At habang naglalakad ako, isang bagay ang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko. “Ate, babalik ka ‘di ba?” Napahawak ako sa strap ng bag ko. "Oo, Galo." Mahina kong bulong. "Babalik ako." Pagbukas ng malaking p***o, sinalubong ako ng isang babaeng mukhang nasa sisenta anyos. Nakaayos ang buhok niya at nakasuot ng simpleng damit. Tiningnan niya ako. "Ikaw si Marikit?" "Opo." "Halika," sumunod ako. "Matagal nang naghihintay si Don Rafael," napahinto ako. "Ngayon po?" "Oo." Napatingin ako sa orasan sa hallway. 12:17 a.m. "May trabaho po ba siya?" tumawa nang mahina ang babae. "Si Don Rafael? Laging may trabaho." Hindi ko alam kung papuri ba iyon o reklamo. Dinala niya ako sa isang malaking sala. At doon ko unang nakita ang dalawang bata. Isang batang lalaki na marahil ay nasa sampung taong gulang at isang batang babae na mas bata sa kanya. Pareho silang nakaupo sa sofa. May hawak na libro ang batang lalaki. Ang babae naman ay may hawak na stuffed rabbit. Pagkakita sa akin, sabay silang napatingin. The little girl tilted her head. "Who is she?" "She is the applicant," sagot ng matanda. "Applicant for what?" "The housekeeper position." Napatingin sa akin ang batang lalaki. "You're going to work here?" Tumango ako, “Kung tatanggapin ako.” Ngumit naman ‘yung batang babae, “You look nice.” Napangiti ako nang kaunti. "Salamat." Then the boy asked, "Can you cook?" Napataas ang kilay ko. "Oo." "Can you make pancakes?" "Oo." "Chocolate?" "Oo." "Can you make chocolate pancakes?" Napaisip ako. "Kung may chocolate." Natawa ang bata. "I like her." "Ikaw ang gusto niyang kasambahay," bulong ng babae. "She's not our housekeeper yet." Iyon ang unang pagkakataon na narinig ko ang boses ni Don Rafael. Mababa. Malamig. At diretso. Napalingon ako. At doon ko siya nakita. Nakatayo siya sa dulo ng hallway. Matangkad. Naka-white polo na bahagyang nakatiklop ang manggas. May relo sa kaliwang kamay. Walang kahit anong ngiti. Hindi ko alam kung ilang taon siya. Pero malinaw na mas matanda siya sa akin. At ang unang pumasok sa isip ko nang makita ko siya ay mukhang masungit. Napansin niyang nakatingin ako. Hindi siya umiwas. Ako rin. Ilang segundo kaming nagkatitigan. Parang walang gustong unang bumaba ang tingin. Hanggang sa ako ang nagsalita. "Maganding gabi po," tumango siya. "You're late," napatingin ako sa orasan. "Alas-dose na po." "I know," apakunot-noo ako. "Eh bakit po sinabi ninyong late ako?" tahimik ang buong sala. Napatingin sa akin ang dalawang bata. Maging ang matandang babae ay tila nagulat. At doon ko naisip. Ay! Unang minuto ko pa lang dito, sumagot na agad ako. Napabuntong-hininga ako. "Sorry po," hindi gumalaw ang mukha niya. "Sit," malamig na sabi niya, at umupo ako sa pinakamalapit na upuan. Nanatili siyang nakatayo. "You applied for the position?" "Opo." "Why?" Simple lang ang tanong. Pero hindi ko alam kung paano sasagutin. Dahil ang totoo, hindi ko gusto ang trabaho. Kailangan ko ito. "Kailangan ko po ng trabaho." "That's all?" tumango ako. "Opo." "You're not afraid of working long hours?" "Hindi po." "Early mornings?" "Hindi." "Heavy work?" "Hindi." "Children?" Napatingin ako sa dalawang bata. The little girl smiled at me. The boy was still staring curiously. "Hindi rin po." "Cooking?" "Opo." "Cleaning?" "Opo." "Following instructions?" Napatingin ako sa kanya. May kakaibang tono ang tanong. Parang may babala. "Opo," tumango siya. "Good." Akala ko tapos na. Pero hindi. "Then tell me why you should get this job." Natahimik ako. Hindi ako sanay magbenta ng sarili ko. Hindi ako sanay magsabi kung bakit karapat-dapat ako. Pero alam kong kailangan kong subukan. "Masipag po ako." "Everyone says that." "Marunong po akong magluto." "Everyone can learn." "Marunong po akong maglinis." "That's the job." Naiinis na ako. Pero pinigilan ko. Huminga ako nang malalim. "At hindi po ako madaling sumuko." Tumahimik siya. "Why?" "Because I can't afford to." Hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi. Pero iyon ang totoo. Mula sa sofa, narinig ko ang mahina at maingat na boses ng batang babae. "Why can't you afford to?" napatingin ako sa kanya. Hindi ko agad nasagot. "Because someone needs me," natahimik siya. Then she smiled. "That's a good reason." Napatingin ako kay Don Rafael. Hindi nagbago ang mukha niya. Pero parang may dumaan na kakaibang emosyon sa mga mata niya. Saglit lang. At nawala rin agad. "How soon can you start?" Napakurap ako. "Po?" parang tangang tanong ko "How soon?" "Ngayon po," tumango siya. "Good," tumayo siya. "You're hired." Parang hindi ko agad narinig. "Po?" "You're hired." Napatayo rin ako. "Talaga po?" "Unless you've changed your mind." "Ha? Hindi po!" Mabilis kong sagot. "Good." Humakbang siya palayo. Pero bago siya tuluyang umalis, huminto siya. "Five in the morning," napatingin ako sa kanya. "Po?" "You start at five," tumango ako. "Okay po." "And one more thing." "Po?" lumingon siya. "Don't talk back," napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may maliit na apoy na biglang sumiklab sa dibdib ko. Dahil sa buong buhay ko, maraming tao na ang nagsabi sa akin kung ano ang dapat kong gawin. Pero hindi ko kailanman hinayaang mawala ang boses ko. Kahit mahirap. Kahit pagod. Kahit kailangan kong magsumikap nang doble. Huminga ako. "Yes, sir." Tumango siya. Then he left. "Congratulations." Napalingon ako sa matandang babae. "Salamat po." "Bukas ipapakita ko sa'yo ang buong mansyon," tumango ako. "Opo." Tumakbo palapit sa akin ang batang babae. "What's your name?" "Marikit." "I'm Sofia." Ngumiti siya. "And that's Miguel," tinuro niya ang batang lalaki. Miguel raised a hand. "Hi." "Hi." "You can make chocolate pancakes tomorrow." Napangiti ako. "Kapag may chocolate." "There's always chocolate here," napatawa ako. "Then lucky ka," Sofia giggled. "I think you're funny." "Huwag mo siyang sanayin," sabi ng matandang babae. "But I like her." Napatingin ako sa malaking hagdan kung saan nawala si Don Rafael. Hindi ko alam kung anong klaseng bahay ang pinasukan ko. Hindi ko alam kung gaano kahirap ang mga araw na naghihintay sa akin. Hindi ko alam kung ilang beses kong pagsisisihan ang desisyong ito. Ang alam ko lang, may trabaho na ako. At may pagkakataon na akong iligtas si Miguel. Kaya kahit may kutob akong hindi magiging madali ang buhay ko rito, ngumiti ako. Sa unang pagkakataon matapos ang ilang linggo, may kaunti akong pag-asa. Makalipas ang ilang minuto, dinala ako ni Lola Conching—iyon pala ang pangalan niya—sa maliit na silid sa dulo ng hallway. "Temporary room mo muna ito," tumango ako bago tumingin ako sa loob. May kama. May maliit na kabinet. May bintana. At higit sa lahat, may p***o. Hindi ko kailangan ng marami. Sapat na iyon. Ibinaba ko ang bag ko. Nang maisara ko ang p***o, saka ko lamang hinayaang bumagsak ang balikat ko. Napaupo ako sa kama. At saka ko kinuha ang cellphone ko. May isang message mula sa ospital. ‘Payment required before scheduled procedure.’ Pinikit ko ang mga mata ko. Napahawak ako sa noo. Hindi pa tapos. Kahit may trabaho na ako, hindi pa rin sapat ang lahat. Kailangan kong kumita. Kailangan kong magtiis. Kailangan kong manatili rito. Kahit gaano ka-strikto ang amo ko. Kahit gaano siya kasungit. Kahit sabihin niyang huwag akong sumagot. Dahil may dahilan ako. May hinihintay akong umuwi. May batang umaasa sa akin. At habang nakahiga ako sa banyagang kama, mahina kong sinabi ang pangalan niya. "Galo," napangiti ako. "Magiging okay ka." Hindi ko alam kung narinig man ako ng Diyos. Pero sana. Sana lang. Kinabukasan, alas-singko ng umaga, nagising ako sa tunog ng kampana. Napabangon ako. "Grabe," usal ko, back kaagad akong nagbihis. Paglabas ko ng silid, madilim pa ang buong hallway. Tahimik. Malamig. At sa dulo ng hagdan, may isang lalaking nakatayo. Si Don Rafael. Nakatitig sa relo niya. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. "Five-oh-three," istriktong saad niya, at bapatingin ako sa sarili kong damit. "Sorry po." "You're late." Tatlong minuto. Tatlong minuto lang. Pero sa unang araw ko pa lang sa Hacienda Monteverde, alam ko nang hindi magiging madali ang trabaho ko. At sa unang pagkakataon, napaisip ako na ‘Baka mas mahirap pakisamahan ang amo ko kaysa sa pagliligtas sa buhay ng kapatid ko.’ Napabuntong-hininga ako. Pero hindi ako umatras. Dahil kung may isang bagay na itinuro sa akin ng buhay, iyon ay ang hindi pagsuko. Kahit masakit. Kahit mahirap. Kahit kailangan kong harapin ang isang Don na walang ngiti. Kaya humarap ako sa kanya. At ngumiti. "Good morning po, Don Rafael," bati ko, kaya bahagyang kumunot ang noo niya. "Don't smile," napakunot din ang noo ko. "Bakit po?" tumahimik siya. At doon ko naalala ang sinabi niya kagabi. ‘Don't talk back.’ Pero huli na. Dahil sa unang tatlong minuto pa lamang ng trabaho ko, nakapagsalita na naman ako. At sa tingin niya, alam kong iyon pa lang ang simula ng magiging problema naming dalawa.Chapter 5: Miguel at SofiaMarikit ReyesMay mga umagang mas madaling bumangon kaysa sa iba. At may mga umagang kahit ilang beses tumunog ang alarm, gusto mo na lang hilahin ang kumot at magkunwaring hindi mo narinig. Pero sa Hacienda Monteverde, hindi puwedeng ganoon. Lalo na kapag ang alarm mo ay si Don Rafael."Marikit," tawag ni Don Rafael, kaya napadilat ako.Hindi pa ako tuluyang nakabangon nang marinig ko ang katok sa pinto.Tok. Tok."Marikit," tawag niya ulit. Napabuntong-hininga ako."Alam ko na."Tahimik. Pagbukas ko ng pinto, wala siya. Napakunot-noo ako. Tumingin ako sa hallway. Walang tao."Don Rafael?" tawag ko, pero wala.Napailing naman ako."Multo na ba siya ngayon?" tanong ko sa sarili ko, at napangiti ako ng wala sa sarili."Good morning."Napatalon ako. Nasa likod ko si Sofia. Napahawak ako sa dibdib ko."Grabe ka!"Tumawa siya."Sorry!""Akala ko kung sino.""Dad was looking for you.""Nasaan siya?""Kitchen.""Okay."Tumakbo na siya. Napatingin ako sa orasan. 5:
Chapter 4: Ang Unang SagotMarikit ReyesMay mga taong kapag unang beses mong nakilala, alam mong dapat mong layuan. Si Don Rafael Monteverde ang ganoong klaseng tao.Hindi dahil masama siya. Hindi ko pa naman siya kilalang-kilala para sabihin iyon. Kundi dahil may kakaiba sa paraan niya ng pagtitig.Parang kaya niyang iparamdam sa isang tao na may nagawa itong kasalanan kahit wala naman.At sa ikatlong araw ko sa Hacienda Monteverde, natutunan kong may isa pang bagay tungkol sa kanya.Hindi siya marunong magpaliwanag.At ako naman, hindi marunong manahimik."Five o'clock."Iyon ang unang narinig ko nang bumukas ang pinto ng kwarto ko.Napadilat ako. Hindi na ako nagulat. Mas nakakagulat pa kung hindi siya pupunta."Good morning po.""You're awake.""Opo.""Good."Tumalikod siya."Breakfast at six-thirty.""Alam ko na po."Huminto siya. Dahan-dahan siyang lumingon."What?""May schedule po kayo," sagot ko, tumango naman siya."Then follow it.""Sinusundan ko naman po.""Yesterday, you
Chapter 3: Mga Alituntunin ni DonMay tatlong bagay akong natutunan sa unang dalawang araw ko sa Hacienda Monteverde.Una, napakalaki ng bahay na iyon. Pangalawa, mas maraming patakaran si Don Rafael kaysa sa inaasahan ko. At pangatlo, mas mabilis akong mainis sa kanya kaysa sa kaya kong aminin.Alas-singko pa lang ng umaga nang tuluyan akong magising. Hindi dahil sa alarm. Hindi dahil sa kampana. Kundi dahil sa katok sa pinto.Tok. Tok. Tok.Napadilat ako."Marikit."Napapikit ako ulit. Kilala ko ang boses."Marikit.""Naririnig ko po."Tahimik. Then, "Five-oh-one," napabuntong-hininga ako."Isang minuto lang naman po.""One minute late is still late."Napabangon ako. Binuksan ko ang pinto. Nakatayo si Don Rafael sa harapan ko. Naka-dark polo shirt siya at pantalon. Maayos na maayos ang buhok kahit alas-singko pa lang ng umaga.Ako naman?Magulo ang buhok. Namumugto ang mata. At sigurado akong mukhang hindi pa ako handang makipag-usap sa kahit sino.Tiningnan niya ako. Then my hair.
Chapter 2: Si Don na Walang NgitiMarikit Reyes"Bakir po?" iyon ang tanong ko. Isang salita lang. Pero sapat para tuluyang magbago ang ekspresyon ni Don Rafael.Hindi siya sumagot agad. Tinitigan niya lang ako na para bang sinusubukan niyang alamin kung seryoso ba talaga akong tinanong siya. At dahil hindi ako sanay umatras sa titig, tinitigan ko rin siya.Isa. Dalawa. Tatlong segundo. Sa huli, siya ang unang umiwas."Because you're supposed to be working, not smiling," napakurap ako."Masama po bang ngumiti?""At five in the morning?""Masama po ba?" his jaw tightened."Marikit.""Po?""You're already talking back," napakagat ako sa loob ng pisngi ko.Tama. May punto siya. Pero hindi ibig sabihin na gusto kong aminin iyon."Sorry po," hindi siya sumagot. Tumalikod siya at nagsimulang maglakad pababa ng hagdan."Follow me," napabuntong-hininga ako bago sumunod.Hindi ko alam kung bakit parang bawat salita niya ay utos.Follow me. Wake up at five. Don't talk back. Don't smile.Ano pa


![I’m Yours [ Book 3- The Princess of Hilton’s family]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)









Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.