Share

Chapter 5

Author: Rainemanulat
last update Petsa ng paglalathala: 2026-08-27 14:01:32

Chapter 5: Miguel at Sofia

Marikit Reyes

May mga umagang mas madaling bumangon kaysa sa iba. At may mga umagang kahit ilang beses tumunog ang alarm, gusto mo na lang hilahin ang kumot at magkunwaring hindi mo narinig. Pero sa Hacienda Monteverde, hindi puwedeng ganoon. Lalo na kapag ang alarm mo ay si Don Rafael.

"Marikit," tawag ni Don Rafael, kaya napadilat ako.

Hindi pa ako tuluyang nakabangon nang marinig ko ang katok sa p***o.

Tok. Tok.

"Marikit," tawag niya ulit. Napabuntong-hininga ako.

"Alam ko na."

Tahimik. Pagbukas ko ng p***o, wala siya. Napakunot-noo ako. Tumingin ako sa hallway. Walang tao.

"Don Rafael?" tawag ko, pero wala.

Napailing naman ako.

"Multo na ba siya ngayon?" tanong ko sa sarili ko, at napangiti ako ng wala sa sarili.

"Good morning."

Napatalon ako. Nasa likod ko si Sofia. Napahawak ako sa dibdib ko.

"Grabe ka!"

Tumawa siya.

"Sorry!"

"Akala ko kung sino."

"Dad was looking for you."

"Nasaan siya?"

"Kitchen."

"Okay."

Tumakbo na siya. Napatingin ako sa orasan. 5:02. Dalawang minuto late. Bahala na.

Pagdating ko sa kusina, nakita ko si Don Rafael na nakaupo sa counter. May hawak na kape. Nang makita niya ako, tumingin siya sa relo.

"Five-oh-two."

"Good morning din po."

"You're late."

"Two minutes."

"Two minutes."

Napatingin ako sa kanya.

"Sir, may ginawa po ba kayong stopwatch?"

"No."

"Then paano niyo po nalaman?"

He pointed to the clock. Napatingin ako. Nandoon nga. Napabuntong-hininga ako.

"Okay," sagot ko, at tumayo siya.

"Breakfast."

"Yes, sir."

"Eggs."

"Okay."

"Toast."

"Okay."

"Coffee."

"Okay."

He paused.

"Not too sweet."

Napatingin ako sa kanya.

"Alam ko na po."

Tumango siya.

"Good."

Nagsimula akong maghanda. Tahimik siya sa counter. Ako naman ay abala sa pagluluto. Makalipas ang ilang minuto, may narinig akong mga yabag.

"Good morning!"

Sina Miguel at Sofia.

"Good morning."

"Where's my pancakes?" tanong ni Sofia.

Napatingin ako sa kanya.

"Alam mo bang hindi araw-araw pancake?"

"But you promised."

Napabuntong-hininga ako.

"Tama ka."

Ngumiti siya.

"Chocolate?"

"Chocolate."

Tumalon siya sa saya.

"Yes!"

Napatingin si Don Rafael sa akin.

"You promised?"

"Yes."

"Yesterday?"

"Opo."

He sighed.

"You're spoiling them."

Napangiti ako.

"Once a week lang naman."

"Yesterday was pancakes."

"Today is still yesterday if you haven't slept enough."

Tahimik. Nakita kong bahagyang umangat ang kilay niya.

"That's not how time works."

"Depende po."

Sofia laughed. Miguel covered his mouth. At ako, napangiti.

Don Rafael shook his head.

"Just make the pancakes."

"Yes, sir."

Nang ihain ko ang breakfast, halos mag-unahan ang magkapatid.

"Careful," sabi ko.

"I'm hungry!"

"I know."

Umupo ako sa gilid.

Si Sofia ay mabilis kumain. Si Miguel naman ay mas mabagal.

Napansin kong may iniwan siyang bahagi ng pancake sa plato.

"Don't like it?"

He shook his head.

"I do."

"Then why aren't you eating?"

"I'll save it."

"For later?" tanong ko. He nodded.

"Para saan?"

"Mom used to make pancakes."

Napahinto ako. Napatingin ako kay Don Rafael. Nakatigil din siya. Hindi niya agad tiningnan ang anak.

"She made them on Sundays."

Tahimik ang mesa.

"She always burned the first one."

Napangiti si Miguel.

"And Dad always ate it."

Sofia giggled.

"He pretended to like it."

Don Rafael finally looked at them.

"I did like it."

"No, you didn't."

"I did."

"You always said it was good."

"Because it was."

Miguel laughed.

At sa unang pagkakataon, nakita ko si Don Rafael na parang ordinaryong ama. Hindi si Don Rafael na may listahan ng rules. Hindi si Don Rafael na laging seryoso. Hindi si Don Rafael na laging nakatingin sa relo. Kundi isang ama na nakikinig sa mga kuwento ng mga anak niya. At kahit ilang segundo lang iyon, may init sa mukha niya.

Napangiti ako. Hindi niya napansin. O baka napansin niya. Hindi ko alam.

Pagkatapos ng almusal, tinulungan ko si Sofia sa buhok niya.

"How do you want it?"

"Braids."

"Two braids?"

"Yes."

Umupo siya sa harap ko. Habang sinusuklay ko ang buhok niya, nagsasalita siya nang nagsasalita.

"Do you know how to make flowers?"

"Flowers?"

"With the braid."

"Maybe."

"Can you?"

"Try natin."

"Okay!"

Sa salamin, nakita ko ang sarili kong nakangiti. Hindi ko namalayang parang natural na sa akin ang ginagawa. Parang matagal ko na silang kasama.

"Do you have a sister?" tanong ni Sofia.

"Brother."

"What's his name?"

"Galo Miguel."

"Like my brother?"

"Yes."

She giggled.

"Then we have the same name."

"Almost."

"Can he visit?" tanong niya. Napahinto naman ang kamay ko.

"Maybe."

"When?"

Hindi ko alam ang isasagot.

"Kapag okay na siya."

"Is he very sick?"

Tumango ako.

"Pero gagaling siya."

"How do you know?"

Dahan-dahan kong tinali ang buhok niya.

"Dahil kailangan."

Napangiti siya.

"That's not an answer."

"That's my answer."

She smiled.

"I like you."

Napatawa ako.

"Thank you."

Bandang alas-nuwebe, nasa veranda ako nang dumating si Miguel. May hawak siyang notebook.

"Ate."

"Hmm?"

"Can you help me?"

"With what?"

"Math."

Napatingin ako sa notebook.

"Sure."

Umupo siya sa tabi ko.

"Fractions."

"Ah."

"Do you know fractions?"

"Of course."

"Good."

Binuksan niya ang notebook. Sinimulan kong ipaliwanag ang problem. Maya-maya, dumating si Sofia na may dalang stuffed rabbit.

"Can I join?"

"You're not doing math."

"I can learn."

Napangiti ako.

"Okay. Sit."

Umupo siya sa tabi ni Miguel. At sa loob ng halos isang oras, silang dalawa ang naging estudyante ko. Si Miguel ay seryoso. Si Sofia ay mas interesado sa drawing kaysa sa fractions.

"That's not one-half," sabi ko.

"Why?"

"Because you divided it into three."

"But it looks pretty."

Napatawa ako.

"Pretty doesn't make it correct."

"Then I don't like math."

"Fair enough."

Napatingin ako sa harapan. At doon ko nakita si Don Rafael. Nakatayo siya sa kabilang bahagi ng veranda. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal doon.

"You're teaching them?"

"Opo."

"Why?"

"Because they asked."

He looked at the notebooks. Then at me.

"Do you know what you're doing?"

Napataas ang kilay ko.

"Excuse me?"

"I mean, do you know the lessons?"

"Yes."

"You're sure?"

"Yes."

"Good."

Tumalikod siya.

"Wait."

Huminto siya.

"Po?"

"Thank you."

Napakurap ako.

"You're welcome."

Umalis siya. Napatingin ako sa dalawang bata.

Si Miguel ay nakangiti. Si Sofia naman ay halos tumalon sa upuan.

"He thanked you!"

"Oo."

"Dad never thanks people."

"Apparently, he does."

Miguel smiled.

"He likes you," exaggerated na sabi niya, kaya napatingin ako sa kanya.

"Your dad?"

"Yes."

"Hindi."

"He does."

"No."

"He does."

"Hindi."

Sofia joined.

"He does!"

Napailing ako.

"Focus on your math."

Nang tanghali, may dumating na bisita. Isang babae. Eleganteng-elegante. Mahaba ang buhok. Naka-white dress.

At nang makita siya ni Don Rafael sa sala, biglang nagbago ang atmosphere.

Nasa kusina ako noon, may hawak na tray. Narinig ko ang boses niya.

"Diana."

Napahinto ako.

Diana.

Naalala ko ang pangalan. Siya ang babaeng nabanggit ni Lola Conching noong unang araw ko rito. Ang dating fiancée.

Lumabas ako para ihain ang mga inumin. Pagdating ko sa sala, nakita ko silang tatlo.

Si Don Rafael. Si Diana. At ang dalawang bata. Agad tumakbo si Sofia kay Diana.

"Tita Diana!"

Ngumiti ang babae.

"Hello, sweetheart."

Napatingin ako.

Tita?

Hindi ko alam ang buong kuwento. Pero malinaw na malapit siya sa mga bata.

Lumapit si Miguel.

"Hi."

"Hello."

Diana kissed his forehead. Then she looked at me. Her eyes traveled from my face to the tray in my hands.

"And you are?"

"Marikit po."

"New?"

"Opo."

She smiled. Not warmly.

"Housekeeper?"

Tumango ako.

"Yes."

"Interesting."

Hindi ko alam kung bakit may kakaibang diin sa salitang iyon. Inilapag ko ang tray.

"Coffee?"

"Yes."

Ibinuhos ko ang kape sa tasa ni Don Rafael. Nang iabot ko kay Diana ang tasa niya, ngumiti siya.

"Thank you."

"You're welcome."

Bago ako tuluyang umalis, narinig ko ang tanong niya.

"Rafael, how long has she been here?"

"Four days."

"Four days?"

"Yes."

"That's quick."

Hindi ko na hinintay ang sagot. Bumalik ako sa kusina. Pero ilang minuto lamang ang lumipas nang pumasok si Lola Conching.

"Marikit."

"Po?"

"Stay away from Diana."

Napatingin ako sa kanya.

"Bakit?"

"Just be careful."

"May ginawa po ba siya?"

"Hindi pa."

"Hindi pa?"

Tumingin siya sa sala.

"Pero kilala ko siya."

Hindi na siya nagsalita. At sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng kaba.

Pagkatapos ng tanghalian, narinig ko ang malakas na boses ni Diana.

"Rafael, you can't keep doing this."

"I don't know what you're talking about."

"You know exactly what I'm talking about."

Tahimik akong nagliligpit sa kusina. Ayokong makialam. Pero malinaw na rinig ang bawat salita.

"You need help with the children."

"They have help."

"You mean her?"

Tahimik. Dahan-dahan akong napatingin sa pintuan.

"She's a housekeeper, Rafael."

"I know what she is."

"Then why is she always around them?"

"They like her."

"So?"

"So I trust her."

Nanigas ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero ang salitang iyon, ‘I trust her.’ Hindi ko inaasahang maririnig mula sa kanya.

Diana laughed softly.

"You've known her for four days."

"I've known enough."

Tahimik. Then Diana said something that hindi ko malinaw na narinig. Pero sapat para marinig ko ang sagot ni Don Rafael.

"Don't involve her."

"Why?"

"Because she's not part of this."

Napahawak ako sa gilid ng counter.

Hindi ako parte nito. Tama. Trabaho lang. Dapat ganoon.

Nang gabing iyon, umalis si Diana. Tahimik ang bahay. Mas tahimik kaysa dati. Pagkatapos ng dinner, nakita kong nakaupo si Sofia sa hagdan.

"Why aren't you sleeping?"

She shook her head.

"I don't want to."

"Why?"

"Tita Diana is leaving."

"She'll come back."

"You don't know that."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Kaya umupo ako sa tabi niya.

"Do you miss her?"

She nodded.

"But I like you too."

Napangiti ako.

"Thank you."

"Will you stay?"

"Here?"

She nodded. I didn't know what to say. Because I didn't know either.

"Hangga't kailangan ako."

"Promise?"

"Promise."

Bigla niya akong niyakap. Napapikit ako. At sa sandaling iyon, naalala ko si Galo. Ang unang gabing nagtanong siya kung babalik ako. Ang takot sa boses niya. Ang pangakong binitiwan ko. ‘Babalik ako.’

Siguro ganoon din si Sofia. Siguro kailangan din niya ng taong magsasabing hindi siya iiwan. Kaya niyakap ko siya pabalik.

"I'll be here tomorrow."

"Promise?"

"Promise."

Hindi ko alam na may nakatingin sa amin mula sa itaas ng hagdan. Si Don Rafael. Hindi siya nagsalita. Hindi rin ako napansin. Pero nakita niya kung paano niyakap ni Sofia ang bagong kasambahay. At nakita rin niya ang paraan ng pagtinginko sa kanyang anak. Walang pakitang-tao. Walang pag-aalinlangan. Parang natural lang sa kanya ang pag-aalaga. At sa unang pagkakataon, naisip ni Rafael na baka tama ang desisyon niyang kunin siya.

Kinabukasan, may natanggap akong tawag mula sa ospital.

"M-Miss Marikit?"

"Opo?"

"May update po kami tungkol sa kapatid ninyo."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ano po?"

"May kailangang idagdag sa procedure."

Napahawak ako sa mesa.

"Magkano po?"

Sinabi ng nurse ang halaga. Parang nawalan ng hangin ang paligid. Mas malaki. Mas malaki kaysa sa hawak kong pera. Mas malaki kaysa sa inaasahan ko.

"Miss?"

"Opo."

"Can you settle it before—"

"Yes."

Pinilit kong maging matatag.

"Yes. I'll find a way."

Pagkababa ko ng tawag, napaupo ako. Hindi ko namalayang may luha nang bumagsak sa pisngi ko. Pinunasan ko agad. Ayokong makita ako ng mga bata. Ayokong makita ni Don Rafael. Ayokong may maawa sa akin. Kailangan kong humanap ng paraan. Kahit dagdag na trabaho. Kahit overtime. Kahit—

"Marikit?"

Napalingon ako. Si Miguel. Nakatayo sa doorway.

"Are you crying?"

"Wala."

"You are."

"Naputukan lang ako ng—"

"You're lying."

Napangiti ako nang pilit.

"Okay lang ako."

Lumapit siya.

"Ate."

"Hmm?"

"You don't have to lie to me."

Napayuko ako. At sa simpleng pangungusap na iyon, muntik na akong tuluyang maiyak. Pero bago pa ako makapagsalita, may isa pang boses.

"What's happening?"

Si Don Rafael. Nasa likod ni Miguel. Napatingin siya sa akin. Sa mga mata ko. Sa cellphone na hawak ko. At sa unang pagkakataon, hindi ko nagawang itago ang problema.

"Wala po."

"That's not true."

"Personal po."

"Marikit."

"Huwag po."

Natahimik siya.

"Huwag po kayong makialam."

Nakita kong bahagyang nagbago ang mukha niya. Pero hindi siya nagalit. Sa halip, mababa niyang sinabi, "Fine."

Tumalikod siya. Akala ko aalis na siya. Pero bago siya tuluyang makalayo, "If you need help, ask."

Napatingin ako sa kanya. Hindi ako sumagot. Hindi ko kayang humingi. Hindi pa. Dahil may pride akong pinanghahawakan. At iyon lang ang natitira sa akin. Pero habang pinapanood ko siyang lumayo, isang tanong ang paulit-ulit sa isip ko. ‘Hanggang kailan ko kayang gawin ang lahat nang mag-isa?’

Hindi ko alam. Pero isang bagay ang alam ko. Sa Hacienda Monteverde, hindi lang trabaho ang naghihintay sa akin. May mga batang unti-unting kumakapit sa akin. May isang lalaking unti-unting natutong magtiwala. At may isang problemang mas malaki kaysa sa kaya kong harapin nang mag-isa. At hindi ko pa alam, na bago matapos ang linggong iyon, may isang taong darating sa hacienda na magbabalik ng isang bahagi ng nakaraan ni Don Rafael.

At siya ang unang taong magtutulak sa akin para tuluyang lumaban.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Ang Haciendero at si Marikit   Chapter 5

    Chapter 5: Miguel at SofiaMarikit ReyesMay mga umagang mas madaling bumangon kaysa sa iba. At may mga umagang kahit ilang beses tumunog ang alarm, gusto mo na lang hilahin ang kumot at magkunwaring hindi mo narinig. Pero sa Hacienda Monteverde, hindi puwedeng ganoon. Lalo na kapag ang alarm mo ay si Don Rafael."Marikit," tawag ni Don Rafael, kaya napadilat ako.Hindi pa ako tuluyang nakabangon nang marinig ko ang katok sa pinto.Tok. Tok."Marikit," tawag niya ulit. Napabuntong-hininga ako."Alam ko na."Tahimik. Pagbukas ko ng pinto, wala siya. Napakunot-noo ako. Tumingin ako sa hallway. Walang tao."Don Rafael?" tawag ko, pero wala.Napailing naman ako."Multo na ba siya ngayon?" tanong ko sa sarili ko, at napangiti ako ng wala sa sarili."Good morning."Napatalon ako. Nasa likod ko si Sofia. Napahawak ako sa dibdib ko."Grabe ka!"Tumawa siya."Sorry!""Akala ko kung sino.""Dad was looking for you.""Nasaan siya?""Kitchen.""Okay."Tumakbo na siya. Napatingin ako sa orasan. 5:

  • Ang Haciendero at si Marikit   Chapter 4

    Chapter 4: Ang Unang SagotMarikit ReyesMay mga taong kapag unang beses mong nakilala, alam mong dapat mong layuan. Si Don Rafael Monteverde ang ganoong klaseng tao.Hindi dahil masama siya. Hindi ko pa naman siya kilalang-kilala para sabihin iyon. Kundi dahil may kakaiba sa paraan niya ng pagtitig.Parang kaya niyang iparamdam sa isang tao na may nagawa itong kasalanan kahit wala naman.At sa ikatlong araw ko sa Hacienda Monteverde, natutunan kong may isa pang bagay tungkol sa kanya.Hindi siya marunong magpaliwanag.At ako naman, hindi marunong manahimik."Five o'clock."Iyon ang unang narinig ko nang bumukas ang pinto ng kwarto ko.Napadilat ako. Hindi na ako nagulat. Mas nakakagulat pa kung hindi siya pupunta."Good morning po.""You're awake.""Opo.""Good."Tumalikod siya."Breakfast at six-thirty.""Alam ko na po."Huminto siya. Dahan-dahan siyang lumingon."What?""May schedule po kayo," sagot ko, tumango naman siya."Then follow it.""Sinusundan ko naman po.""Yesterday, you

  • Ang Haciendero at si Marikit   Chapter 3

    Chapter 3: Mga Alituntunin ni DonMay tatlong bagay akong natutunan sa unang dalawang araw ko sa Hacienda Monteverde.Una, napakalaki ng bahay na iyon. Pangalawa, mas maraming patakaran si Don Rafael kaysa sa inaasahan ko. At pangatlo, mas mabilis akong mainis sa kanya kaysa sa kaya kong aminin.Alas-singko pa lang ng umaga nang tuluyan akong magising. Hindi dahil sa alarm. Hindi dahil sa kampana. Kundi dahil sa katok sa pinto.Tok. Tok. Tok.Napadilat ako."Marikit."Napapikit ako ulit. Kilala ko ang boses."Marikit.""Naririnig ko po."Tahimik. Then, "Five-oh-one," napabuntong-hininga ako."Isang minuto lang naman po.""One minute late is still late."Napabangon ako. Binuksan ko ang pinto. Nakatayo si Don Rafael sa harapan ko. Naka-dark polo shirt siya at pantalon. Maayos na maayos ang buhok kahit alas-singko pa lang ng umaga.Ako naman?Magulo ang buhok. Namumugto ang mata. At sigurado akong mukhang hindi pa ako handang makipag-usap sa kahit sino.Tiningnan niya ako. Then my hair.

  • Ang Haciendero at si Marikit   Chapter 2

    Chapter 2: Si Don na Walang NgitiMarikit Reyes"Bakir po?" iyon ang tanong ko. Isang salita lang. Pero sapat para tuluyang magbago ang ekspresyon ni Don Rafael.Hindi siya sumagot agad. Tinitigan niya lang ako na para bang sinusubukan niyang alamin kung seryoso ba talaga akong tinanong siya. At dahil hindi ako sanay umatras sa titig, tinitigan ko rin siya.Isa. Dalawa. Tatlong segundo. Sa huli, siya ang unang umiwas."Because you're supposed to be working, not smiling," napakurap ako."Masama po bang ngumiti?""At five in the morning?""Masama po ba?" his jaw tightened."Marikit.""Po?""You're already talking back," napakagat ako sa loob ng pisngi ko.Tama. May punto siya. Pero hindi ibig sabihin na gusto kong aminin iyon."Sorry po," hindi siya sumagot. Tumalikod siya at nagsimulang maglakad pababa ng hagdan."Follow me," napabuntong-hininga ako bago sumunod.Hindi ko alam kung bakit parang bawat salita niya ay utos.Follow me. Wake up at five. Don't talk back. Don't smile.Ano pa

  • Ang Haciendero at si Marikit   Chapter 1

    Chapter 1: Utang na DugoMarikit ReyesHindi ko kailanman pinangarap maging kasambahay. Kung tutuusin, kahit minsan, hindi ko nga pinangarap maging kahit ano.Ang gusto ko lang noon ay makapagtapos, magkaroon ng maliit na trabaho, at makauwi gabi-gabi sa bahay na hindi kailangang magbilang kung ilan pang araw bago kami mawalan ng bigas.Simple lang.Pero may paraan talaga ang buhay para ipaalala sa iyong hindi lahat ng gusto mo ay mahalaga.Minsan, pera ang nagdedesisyon. Minsan, sakit. At minsan, ang pinakamamahal mong tao."Ate Marikit," napatingin ako sa kapatid kong nakahiga sa lumang sofa."Ate Kit, may tubig pa?" tumango ako, bago tumayo agad ako."Sandali," bago ko kinuha ko ang baso sa mesa at pinuno iyon mula sa pitsel na halos kalahati na lang ang laman.Maingat kong iniabot sa kanya."Kaunti lang. Baka masuka ka."Tumango siya bago dahan-dahang uminom. Labing-isang taong gulang pa lamang si Galo. Labing-isang taon.Sa edad na dapat ang pinakamalaking problema niya ay kung a

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status