Mag-log inChapter 3: Mga Alituntunin ni Don
May tatlong bagay akong natutunan sa unang dalawang araw ko sa Hacienda Monteverde. Una, napakalaki ng bahay na iyon. Pangalawa, mas maraming patakaran si Don Rafael kaysa sa inaasahan ko. At pangatlo, mas mabilis akong mainis sa kanya kaysa sa kaya kong aminin. Alas-singko pa lang ng umaga nang tuluyan akong magising. Hindi dahil sa alarm. Hindi dahil sa kampana. Kundi dahil sa katok sa p***o. Tok. Tok. Tok. Napadilat ako. "Marikit." Napapikit ako ulit. Kilala ko ang boses. "Marikit." "Naririnig ko po." Tahimik. Then, "Five-oh-one," napabuntong-hininga ako. "Isang minuto lang naman po." "One minute late is still late." Napabangon ako. Binuksan ko ang p***o. Nakatayo si Don Rafael sa harapan ko. Naka-dark polo shirt siya at pantalon. Maayos na maayos ang buhok kahit alas-singko pa lang ng umaga. Ako naman? Magulo ang buhok. Namumugto ang mata. At sigurado akong mukhang hindi pa ako handang makipag-usap sa kahit sino. Tiningnan niya ako. Then my hair. Then my face. "Get ready." "Ready na po ako." "You're not," napatingin ako sa sarili ko. "Okay," tapos isinara ko ang p***o. Pagkapasok ko ulit sa kwarto, saka ako napailing. "Five-oh-one," ginaya ko ang boses niya. "One minute late," napangisi ako. "Kala mo naman may nasusunog." Paglabas ko, wala na siya. Sa halip, may maliit na papel na nakapatong sa mesa sa hallway. Kinuha ko iyon. 5:00 — Kitchen 5:30 — Dining room 6:00 — Children's rooms 7:00 — Laundry 9:00 — West wing 11:00 — Lunch preparation Napakurap ako. "May schedule talaga?" "Of course," napalingon ako. Nasa likod ko si Lola Conching. "Sinulat niya?" "Oo." "Every day?" "Every day," napabuntong-hininga ako. "Ang sipag niya," komento ko, at napangiti si Lola Conching. "Hindi ba't dapat matuwa ka?" "Sa schedule po?" "Sa amo mong masipag." "Hindi po. Sa schedule," sagot ko, at tumawa siya. "Halika. Turuan kita." Lumipas ang isang oras na parang isang buong araw. Naglinis ako ng kusina. Nag-ayos ng dining room. Naghanda ng almusal. Nagligpit. At bago pa man sumapit ang alas-sais, pagod na ako. Pero wala akong reklamo. Kailangan kong tiisin. Para kay Galo. Sa totoo lang, kahit sampung beses pa akong pagurin ni Don Rafael sa isang araw, gagawin ko. Basta tama ang sahod. Basta makapagpadala ako sa ospital. Basta may gamot si Galo. Nang ilapag ko ang huling plato sa mesa, narinig ko ang mga yabag. "Good morning!" masiglang bati ni Sofia. Sumunod si Miguel. Pareho silang mukhang bagong gising. "Good morning." Sofia smiled. "Did you sleep well?" "Yes." "Do you like your room?" "Yes." "Do you like Dad?" Napahinto ako. Napatingin ako kay Miguel. Tumawa siya. "She's asking because nobody likes Dad." "Excuse me?" Biglang lumitaw si Don Rafael sa likod nila. Napaatras si Miguel. Sofia giggled. "I didn't say it!" "You didn't have to." Umupo si Don Rafael. Tahimik. Tumingin ako sa mga bata. "Breakfast?" "Yes!" Nagsimula silang kumain. Nang ilagay ko ang tasa ng kape sa harapan ni Don Rafael, napansin kong wala siyang sinabi. Umupo ako sa gilid para maghintay. Kumuha siya ng tasa. Uminom. Tumigil. Tumingin sa akin. "Coffee." "Yes, sir." "Too cold." Napatingin ako sa tasa. "Kakagawa ko lang po." "I know." "Then paano naging malamig?" Tahimik. Naramdaman kong nakatingin sa akin si Lola Conching mula sa kabilang bahagi ng kusina. Napatigil din ang mga bata. Huminga ako nang malalim. "Sorry po." "Make another," utos niya, kaya tumango ako. "Okay." Kinuha ko ang tasa. Pag-ikot ko, narinig ko si Miguel. "You're brave." Napalingon ako. "Why?" He whispered, "You talk to Dad like he's normal." Napakagat ako sa labi para hindi matawa. Pero nakita iyon ni Don Rafael. "What's funny?" "Wala po." "Then why are you smiling?" "Hindi po ako—" Tumahimik ako. Napatingin siya sa akin. Then at the children. "Eat." Tahimik na muling kumain ang lahat. Pagkatapos ng almusal, nagsimula na akong maglinis ng dining room. Habang pinupunasan ko ang mesa, dumaan si Don Rafael. Huminto siya. "Marikit." "Po?" "Where is Sofia's school bag?" "Sa may sala po." "Why?" tanong niya, kaya napakunot-noo ako. "Kasi doon niya po iniwan?” parang tangang sagot ko sa kaniya. His expression hardened. "Why didn't you put it in her room?" "Akala ko po personal belongings nila iyon." "Then ask," tumango ako. "Okay." He walked away. Napabuntong-hininga ako. "Okay." Ilang minuto pa lang, may panibagong utos na naman. "Ate Marikit." Napalingon ako. Si Sofia. "Yes?" "Can you help me find my ribbon?" "Saan mo huling nakita?" "Sa room." "Sige." Sumunod ako sa kanya. Pagdating namin sa kuwarto niya, nakita ko agad ang ribbon sa ilalim ng unan. "Here." She smiled. "Thank you." "You're welcome." Napansin kong may ilang laruan sa sahig. "Ikaw ba ang nagkalat nito?" she shook her head. "No." "Sure?" tanong ko, and she nodded. "Your brother?" "No," sagot niya, kaya napangiti ako. "Okay." Inayos ko ang mga laruan. "Ate?" "Hmm?" "Can you braid my hair later?" Napatingin ako sa kanya. "Sure." "Promise?" "Promise." She hugged me. At kahit ilang segundo lang iyon, may kakaibang init na naramdaman ko. Hindi ko alam kung gaano katagal akong mananatili sa bahay na ito. Pero sa dalawang araw pa lang, unti-unti ko nang nakikilala ang mga taong nakatira rito. At kahit hindi ko pa kilala si Don Rafael, milala ko na ang mga anak niya. At gusto ko sila. Bandang alas-nuwebe, nasa west wing na ako. Tahimik ang bahagi ng bahay na iyon. Mas tahimik kaysa sa iba. May ilang lumang larawan sa dingding. Mga larawan ng pamilya. Mga tanawin ng hacienda. At isang larawan ng isang babae. Maganda. Mahaba ang buhok. Nakangiti. Nakatayo siya sa tabi ni Don Rafael. Napahinto ako. Hindi ko alam kung sino siya. Pero may kakaibang lungkot sa larawan. At sa paraan ng pagkakatitig ni Don Rafael sa litrato mula sa malayo, alam kong mahalaga ang babaeng iyon. "That's my mom." Napalingon ako. Si Miguel. "Your mom?" tanong ko, at he nodded. "She died," malungkot na sagot niya, kaya napayuko ako. "I'm sorry." "It's okay." Hindi siya mukhang galit. Pero parang sanay na siya. "How long ago?" "Three years." "Three years?" "Yes." Napatingin ako sa larawan. Kaya pala. May dahilan kung bakit tahimik ang bahay. May dahilan kung bakit hindi ngumingiti si Don Rafael. May dahilan kung bakit parang may bahagi ng buhay niya na hindi niya hinahayaang lapitan ng kahit sino. "Do you miss her?" I asked, and Miguel nodded. "Every day." Hindi ko alam kung anong sasabihin. Kaya hinawakan ko lang ang balikat niya. "She must've been a good mom." "She was the best." Ngumiti siya nang kaunti. Then he walked away. Naiwan akong nakatingin sa litrato. Hindi ko alam kung bakit parang may bigat sa dibdib ko. At higit sa lahat, hindi ko alam kung bakit bigla kong naintindihan nang kaunti si Don Rafael. "You're not supposed to be here." Napalingon ako. Siya. Don Rafael. Nakatayo sa dulo ng hallway. Diretso ang tingin sa akin. "Nililinis ko po." "That's not what I mean," sagot niya, at napatingin ako sa larawan. Then at him. "Ah,” sagot ko, pero tahimik siya. "Who told you to come here?" "Wala po." "Then why?" "May nakita akong alikabok." Napakunot-noo siya. "Alikabok?" "Opo." "That's your reason?" "Yes." Tinitigan niya ako. Then he looked at the photograph. Biglang nagbago ang mukha niya. Mas naging malamig. "Leave." "Po?" "Leave this room," utos niya, kaya tumango ako. "Okay." Humakbang ako palayo. Pero bago ako makalampas sa kanya, nagsalita ako. "She's beautiful." Nanigas siya. "Who?" "Your wife." Tahimik. Maling tanong. Alam ko agad. Pero huli na. "She was." Dahan-dahan niyang sinabi. At sa unang pagkakataon, narinig ko ang boses niya na parang may bigat. Hindi galit. Hindi malamig. Pagod. "Sorry." Hindi siya sumagot. Naglakad lang siya palayo. At doon ko na-realize, hindi pala siya walang ngiti. May dahilan lang kung bakit nawala iyon. Pagsapit ng tanghali, nagluto ako ng tinola. Hindi ko alam kung gusto nila iyon. Pero iyon ang alam kong masarap. Nang ihain ko ang pagkain, tahimik na kumain ang lahat. Hanggang sa magsalita si Sofia. "This is good." "Thank you." Miguel nodded. "I like it." Napatingin ako kay Don Rafael. Tahimik siyang kumakain. Walang komento. Hanggang sa maubos ang laman ng mangkok niya. Tumayo siya. "Good." Iyon lang. Good. Isang salita. Pero parang nakakuha ako ng award. Napangiti ako. Nakita iyon ni Sofia. "Dad likes your food." "Apparently." Don Rafael looked at me. "Don't get used to compliments." Napataas ang kilay ko. "Don't worry, sir." He stared. "Why?" "Because you don't give many." Tahimik. Lola Conching coughed to hide her laugh. Miguel looked down. Sofia giggled. At si Don Rafael? Napailing lang. Pero bago siya umalis, ngumiti na naman siya. Sandali. Napakaliit. Pero nakita ko. At sa pagkakataong iyon, hindi ko napigilang ngumiti rin. Pagsapit ng gabi, halos hindi ko na maramdaman ang mga paa ko. Pagkatapos ng dinner, nagligpit ako ng kusina. Nang matapos ako, may naiwan na isang tasa sa counter. Kape. Kinuha ko iyon. Nakita kong nakasulat sa maliit na papel sa ilalim: For Rafael. Napangiti ako. Kaya pala. Hindi ko alam kung bakit, pero gumawa ako ng bagong tasa. Mainit. Sakto ang timpla. Dinala ko sa veranda kung saan siya madalas nagtatrabaho. Nandoon siya. May laptop. May ilang dokumento. "Sir." Tumingin siya. Ibinaba ko ang tasa. "Your coffee." Tumingin siya sa tasa. Then at me. "Thank you." Napahinto ako. "You're welcome." Umupo ako sa kabilang upuan. Tahimik. Ilang minuto kaming parehong walang sinasabi. Hanggang sa magsalita siya. "Marikit." "Po?" "How long do you plan to stay?" tanong niya, at napaisip ako. "As long as you need me." "That's not what I asked," sagot niya, at huminga ako nang malalim. "As long as my brother needs me," mapait na sagot ko, tumingin siya sa akin. "You really need the money." Hindi iyon tanong. "Opo." "How much?" "Sir—" "I asked how much." Napayuko ako. Ayokong sabihin. Ayokong maawa siya. Ayokong isipin niyang ginagamit ko ang sakit ng kapatid ko para makakuha ng pera. Kaya umiling ako. "Personal po." Tahimik siya. Then he nodded. "Fine." Akala ko tapos na. Pero bago ako tumayo, nagsalita siya. "Tomorrow, we'll talk about your salary." Napatingin ako sa kanya. "Okay po." "Go rest." "Good night, sir." "Good night." Tumayo ako. Naglakad palayo. Pero bago ako tuluyang makapasok sa bahay, narinig ko siya. "Marikit," tawag niya, kaya lumingon ako. "Po?" He lifted the coffee cup, bago sinabing"This is good." Napangiti ako. "Salamat po." At sa gabing iyon, habang naglalakad ako papunta sa maliit kong silid, isang bagay ang malinaw sa isip ko. Hindi ko pa rin gusto ang ugali ni Don Rafael. Hindi ko pa rin gusto ang dami ng rules niya. At sigurado akong hindi ko pa rin kayang manatiling tahimik sa tuwing mali siya. Pero, unti-unti kong nakikita ang taong nasa likod ng malamig niyang mukha. At marahil iyon ang pinakamapanganib na bagay na maaaring mangyari. Dahil kapag nagsimula kang makakita ng dahilan kung bakit ganoon ang isang tao, mas mahirap na siyang kamuhian.Chapter 5: Miguel at SofiaMarikit ReyesMay mga umagang mas madaling bumangon kaysa sa iba. At may mga umagang kahit ilang beses tumunog ang alarm, gusto mo na lang hilahin ang kumot at magkunwaring hindi mo narinig. Pero sa Hacienda Monteverde, hindi puwedeng ganoon. Lalo na kapag ang alarm mo ay si Don Rafael."Marikit," tawag ni Don Rafael, kaya napadilat ako.Hindi pa ako tuluyang nakabangon nang marinig ko ang katok sa pinto.Tok. Tok."Marikit," tawag niya ulit. Napabuntong-hininga ako."Alam ko na."Tahimik. Pagbukas ko ng pinto, wala siya. Napakunot-noo ako. Tumingin ako sa hallway. Walang tao."Don Rafael?" tawag ko, pero wala.Napailing naman ako."Multo na ba siya ngayon?" tanong ko sa sarili ko, at napangiti ako ng wala sa sarili."Good morning."Napatalon ako. Nasa likod ko si Sofia. Napahawak ako sa dibdib ko."Grabe ka!"Tumawa siya."Sorry!""Akala ko kung sino.""Dad was looking for you.""Nasaan siya?""Kitchen.""Okay."Tumakbo na siya. Napatingin ako sa orasan. 5:
Chapter 4: Ang Unang SagotMarikit ReyesMay mga taong kapag unang beses mong nakilala, alam mong dapat mong layuan. Si Don Rafael Monteverde ang ganoong klaseng tao.Hindi dahil masama siya. Hindi ko pa naman siya kilalang-kilala para sabihin iyon. Kundi dahil may kakaiba sa paraan niya ng pagtitig.Parang kaya niyang iparamdam sa isang tao na may nagawa itong kasalanan kahit wala naman.At sa ikatlong araw ko sa Hacienda Monteverde, natutunan kong may isa pang bagay tungkol sa kanya.Hindi siya marunong magpaliwanag.At ako naman, hindi marunong manahimik."Five o'clock."Iyon ang unang narinig ko nang bumukas ang pinto ng kwarto ko.Napadilat ako. Hindi na ako nagulat. Mas nakakagulat pa kung hindi siya pupunta."Good morning po.""You're awake.""Opo.""Good."Tumalikod siya."Breakfast at six-thirty.""Alam ko na po."Huminto siya. Dahan-dahan siyang lumingon."What?""May schedule po kayo," sagot ko, tumango naman siya."Then follow it.""Sinusundan ko naman po.""Yesterday, you
Chapter 3: Mga Alituntunin ni DonMay tatlong bagay akong natutunan sa unang dalawang araw ko sa Hacienda Monteverde.Una, napakalaki ng bahay na iyon. Pangalawa, mas maraming patakaran si Don Rafael kaysa sa inaasahan ko. At pangatlo, mas mabilis akong mainis sa kanya kaysa sa kaya kong aminin.Alas-singko pa lang ng umaga nang tuluyan akong magising. Hindi dahil sa alarm. Hindi dahil sa kampana. Kundi dahil sa katok sa pinto.Tok. Tok. Tok.Napadilat ako."Marikit."Napapikit ako ulit. Kilala ko ang boses."Marikit.""Naririnig ko po."Tahimik. Then, "Five-oh-one," napabuntong-hininga ako."Isang minuto lang naman po.""One minute late is still late."Napabangon ako. Binuksan ko ang pinto. Nakatayo si Don Rafael sa harapan ko. Naka-dark polo shirt siya at pantalon. Maayos na maayos ang buhok kahit alas-singko pa lang ng umaga.Ako naman?Magulo ang buhok. Namumugto ang mata. At sigurado akong mukhang hindi pa ako handang makipag-usap sa kahit sino.Tiningnan niya ako. Then my hair.
Chapter 2: Si Don na Walang NgitiMarikit Reyes"Bakir po?" iyon ang tanong ko. Isang salita lang. Pero sapat para tuluyang magbago ang ekspresyon ni Don Rafael.Hindi siya sumagot agad. Tinitigan niya lang ako na para bang sinusubukan niyang alamin kung seryoso ba talaga akong tinanong siya. At dahil hindi ako sanay umatras sa titig, tinitigan ko rin siya.Isa. Dalawa. Tatlong segundo. Sa huli, siya ang unang umiwas."Because you're supposed to be working, not smiling," napakurap ako."Masama po bang ngumiti?""At five in the morning?""Masama po ba?" his jaw tightened."Marikit.""Po?""You're already talking back," napakagat ako sa loob ng pisngi ko.Tama. May punto siya. Pero hindi ibig sabihin na gusto kong aminin iyon."Sorry po," hindi siya sumagot. Tumalikod siya at nagsimulang maglakad pababa ng hagdan."Follow me," napabuntong-hininga ako bago sumunod.Hindi ko alam kung bakit parang bawat salita niya ay utos.Follow me. Wake up at five. Don't talk back. Don't smile.Ano pa
Chapter 1: Utang na DugoMarikit ReyesHindi ko kailanman pinangarap maging kasambahay. Kung tutuusin, kahit minsan, hindi ko nga pinangarap maging kahit ano.Ang gusto ko lang noon ay makapagtapos, magkaroon ng maliit na trabaho, at makauwi gabi-gabi sa bahay na hindi kailangang magbilang kung ilan pang araw bago kami mawalan ng bigas.Simple lang.Pero may paraan talaga ang buhay para ipaalala sa iyong hindi lahat ng gusto mo ay mahalaga.Minsan, pera ang nagdedesisyon. Minsan, sakit. At minsan, ang pinakamamahal mong tao."Ate Marikit," napatingin ako sa kapatid kong nakahiga sa lumang sofa."Ate Kit, may tubig pa?" tumango ako, bago tumayo agad ako."Sandali," bago ko kinuha ko ang baso sa mesa at pinuno iyon mula sa pitsel na halos kalahati na lang ang laman.Maingat kong iniabot sa kanya."Kaunti lang. Baka masuka ka."Tumango siya bago dahan-dahang uminom. Labing-isang taong gulang pa lamang si Galo. Labing-isang taon.Sa edad na dapat ang pinakamalaking problema niya ay kung a







