Hindi 'yun ice cream.Alam ko ang lasa ng ice cream. Alam ko kung ano 'to… at alam na alam din niya kung ano 'to. Pero tinitigan niya ako sa mga mata nang hindi man lang kumukurap, sinabing ice cream lang 'yun, saka lumabas ng kwarto.Ang asawa ko.Ang Rica ko.Ang babaeng kasama ko bumuo ng buhay. Ang babaeng pinili ko higit kanino man. Ang babaeng ginusto kong hawakan, hubugin, ingatan, protektahan, at mahalin sa tanging paraan na alam ko… nang buo, nang walang alinlangan, at may paniniwalang kahit na kailan, kahit sa loob ng pa ng milyong taon, ay hindi niya gagawin sa akin ang ginawa ko sa kanya.Tinapon ko ang dress.Lumabas ako ng kwarto.Nasa sala siya.Nakatayo sa harap ni Nadine habang hawak ang dalawang kamay nito. Ang boses niya ay marahan at mainit, at ang mukha niya ay mukhang mabait at open-minded."Humihingi ako ng sorry sa pagsampal sa 'yo," sabi niya. "Hindi ko 'yun sinasadya. Biglang reflex lang. Umuwi ako dito sa bahay bigla mo na lang akong sinampal, kaya nag-reac
Read more