Maagang nagising si Solene nang araw na iyon dahil sa sunod-sunod na notification sa cellphone niya. Akala niya noong una ay isa na namang email tungkol sa project, pero nang buksan niya ang mga mensahe, halos mapatalon siya sa kama. May dalawang kliyenteng nag-confirm ng projects, may isang boutique hotel na gustong makipag-collaborate sa kanila, at may design magazine na humihingi ng interview tungkol sa Solene Atelier.Hindi niya napigilang mapangiti.Ilang taon na ang nakalipas mula nang pangarap lang niyang magkaroon ng sariling studio. Ngayon, halos hindi na kasya sa maliit nilang office ang mga drawings, sample materials at folders ng mga kliyente.Pagdating niya sa Atelier, abala na ang lahat.May mga sample tiles sa isang mesa, fabric swatches sa kabilang gilid, habang may dalawang bagong empleyadong maingat na nag-aayos ng mga blueprint.“Ma'am Solene, good morning!”Napangiti siya.“Good morning. At please, huwag na ninyo akong tawaging Ma'am nang parang principal ako. Sole
Huling Na-update : 2026-09-04 Magbasa pa