Pagkatapos ng ilang araw na puro sikreto, banta, lumang dokumento, at mga pangalang hindi na mabilang ni Solene, pakiramdam niya ay gusto muna niyang huminga.Walang investigation.Walang lumang litrato.Walang Project Solene.At higit sa lahat, walang taong magsasabi sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin.Gusto lang niyang magkaroon ng isang ordinaryong gabi kasama ang asawa niya.Kaya nang makauwi sila ni Duke mula sa Hale property, agad niyang ibinaba ang bag sa sofa at humarap dito.“Tonight, wala tayong pag-uusapan tungkol sa pamilya ko.”Bahagyang nagtaas ng kilay si Duke.“Okay.”“Wala ring Project Solene.”“Okay.”“Wala ring Victor, Darius, Marcus, Brent, o kahit sinong may apelyidong mukhang may sikreto.”Napangiti si Duke.“Pati ba si Vanessa?”“Pati si Vanessa.”“Okay.”“Gusto ko lang ng normal na gabi.”Tumango si Duke.“Anong gusto mong gawin?”Sandaling nag-isip si Solene.“Magluto tayo.”Napatingin sa kanya si Duke na parang may sinabi siyang napakalaking bagay.“Mag
Huling Na-update : 2026-09-04 Magbasa pa