Hindi sanay si Solene sa ganitong klaseng katahimikan.Hindi iyong katahimikan na puno ng sikreto, takot, at mga bagay na ayaw sabihin ng mga tao sa isa't isa. Ibang klase ang katahimikang iyon.Simple lang.Magaan.Parang sa wakas, wala nang kailangang itago.Halos isang buwan na mula nang tuluyang ma-clear ang pangalan ng Solene Atelier. Naibalik ang Paris project, bumalik ang tiwala ng mga investors, at unti-unting nakabangon ang kumpanya mula sa kaguluhang ilang beses nang muntik sumira rito.Pero sa kabila ng lahat ng nangyari, may isang bagay na mas mahalaga para kay Solene kaysa sa business.Ang pamilya.Hindi perpekto.Hindi pa buo.Pero nandito sila.At sa araw na iyon, nagpasya silang magsama-sama sa lumang Hale property na dati niyang kinatatakutan.Hindi na iyon ang bahay na puno ng lihim.Sa unang pagkakataon, bahay na lang talaga ito.Pagdating ni Solene, nakita niya agad si Celia na nakikipagtalo kay Elias tungkol sa pagkain."Sinabi ko nang akin 'yung last piece ng cak
Huling Na-update : 2026-09-05 Magbasa pa