Hindi nag-alok si Solene ng pera.Alam niyang kaya niyang tumulong kung gugustuhin niya. May sarili siyang negosyo, may mga assets na unti-unting lumalabas na mas malaki pa pala kaysa sa inaakala niya, at may mga pangalan sa mga dokumentong hindi niya pa lubos na nauunawaan. Pero alam din niyang hindi iyon ang kailangan ni Duke ngayon.Hindi pera ang problema nito.Kailangan nito ng taong mananatili habang unti-unting gumuho ang mga bagay sa paligid niya.Kaya nang dumating ang umaga, sa halip na pumunta sa sarili niyang studio, maaga siyang nagpunta sa opisina ni Duke.Pagpasok niya sa conference room, nakita niyang halos mapuno na ang mesa ng mga folder.May financial reports, contracts, legal documents, cancelled project agreements, investor letters at kung anu-anong papeles na parang hindi na matapos-tapos.At sa gitna ng lahat ng iyon ay si Duke.Naka-roll up ang sleeves ng polo nito, magulo ang buhok at may hawak na kape na mukhang kanina pa nakalimutan.“Hindi ka natulog,” sabi
Huling Na-update : 2026-09-04 Magbasa pa