Rizza's POV Mabilis akong isinandal ni Damian sa pader. Habang hindi pa rin magkahiwalay ang aming mga labi. Mas hinigpitan pa niya lalo ang pagkahawak sa baywang ko, para mas lalo akong mapalapit sa kanya. " God! You have no idea how badly I’ve been wanting to kiss you like this again, baby." Pagkatapos niyang sabihin iyon mas lalong lumalalim ang aming halìkan ni Damian. Mas lalo akong napakapit sa batok niya. Iyong galit ko, pagkamuhi ko sa kanya sa isang iglap lang ay tila nabura. Hindi ko na iniisip sa oras na ito. " Mama!...Sir Damian?" Mabilis kaming naghiwalay ni Damian nang marinig namin ang boses ni Asher. Bumukas ang pìnto kaya tumambad sa amin harapan si Asher. Nakatingala itong nakatingin sa amin na nakakunot-noo. Ganito si Damian sa tuwing hindi niya nagustuhan ang mga pangyayari sa paligid niya. "Hey, little boy..." nakangiting sabi ni Damian kay Asher, ginulo pa nito ang buhok ng huli. " Hello po,sir Damian? Hinatid mo po ang mama ko?" tanong ng anak
Última atualização : 2026-09-25 Ler mais