Rizza's POV Napasinghap ako nang may biglang kumurot ng mahina sa tagiliran ko. Si Donna...na ngayon ay nanunukso ang tingin sa akin. " Baka mabalitaan ko nalang na may kapatid na si Asher." Aniya. Pinandilatan ko siya ng mata.Baka marinig kasi ni Damian sa labas ang lakas pa naman ng boses ng babaitang ito. " Eh, malay ko ba kung gumawa na nga kayo ni Damian ng kapatid ni Asher." " Donna, bibig mo talaga ang ingay mo." Napahagalpak naman siya ng tawa. Ang lakas talaga mang-asar ang babaitang ito. " Ganyan talaga kapag madiligan na masaya at blooming." Habang inaasar ako ni Donna panay tawa naman siya sa tabi ko. Natigil lang ang pang-aasar niya sa akin nang pumasok na si Damian sa kusina bitbit niya ang pagkain na kanyang inorder. " Doon nalang kaya tayo sa sala kakain." Ani ko. Kaswal lang naman ang pagkasabi ko pero ang bruha ng si Donna nang-aasar na naman ang tingin nito. " Okay,baby." Mabilis na sagot ni Damian. Narinig ko pa ang pagsinghap ni D
Última atualização : 2026-10-16 Ler mais