Roselyn Yannie Harrison — POV“Ano ba, Yannie? Wala ka ba talagang matinong gagawin?” sigaw ng asawa ko kaya napapikit ako nang mariin, tila ba bawat salita niya ay patalim na tumatagos sa aking dibdib.Tatlong taon na kaming kasal ni Sedrick Fernandez. Tatlong taon na ang lumipas ngunit ni minsan ay hindi ko man lang naramdaman na tinuring niya akong tunay na asawa. Sa loob ng mahabang panahong iyon, sanay na sanay na ako sa lamig ng kaniyang pakikitungo—sa mga salitang nananakit, sa mga tinging walang emosyon, at sa pagsasamang tila panandalian lamang at walang halong pagmamahal.“Sorry, Sed… marami kasi akong ginagawa kaya nakalimutan kong ngayon nga pala dadating ang daddy mo,” sabi ko habang nanginginig ang aking mga kamay, hindi maintindihan ang halo-halong emosyong dumadaloy sa aking puso—hiya, takot, at matinding lungkot.“Kahit kailan talaga, wala kang silbi,” matigas niyang sabi, at parang may dumurog na bato sa aking dibdib sa bigat ng kaniyang sinabi. “Sa tingin mo matutuw
Última actualización : 2026-08-29 Leer más