Isang taon ang lumipas — isang taon na puno ng pagmamahal, pagtutulungan, at walang humpay na suporta. At ngayon… ang araw na pinakahihintay ni Izzette sa loob ng mahabang panahon — ang kanyang Pagtatapos.Nakatayo siya sa gitna ng entablado, suot ang kanyang toga at sumbrero, hawak ang kanyang diploma — Bachelor of Science in Marketing, Cum Laude. Ang ngiti sa kanyang mukha ay hindi maipaliwanag — halo-halong saya, pasasalamat, at tagumpay. Hanap-hanap niya ang mga taong naging dahilan kung bakit siya nakarating dito — at sa gilid ng entablado, nandoon sila.Nakatayo si Gian Alessandro Bradford, nakasuot ng pormal na suit, hawak ang kamay ng kanilang apat na taong gulang na si Leo. Pareho silang nakangiti nang pinakamalaki — puno ng pagmamalaki at pagmamahal. Nang matawagin ang pangalan ni Izzette, tumayo sila at pumalakpak nang pinakamalakas — kasama sina Cassie, Maddie, at Mavy na nasa likuran nila, umiiyak sa tuwa para sa kanilang matalik na kaibigan.Nang matapos ang seremonya, a
Última atualização : 2026-09-04 Ler mais