Monday morning, maaga pa lang ay gising na gising na si Izzette. Alas-singko pa lang, pero hindi na siya makatulog sa kaba at excitement. Ngayon na ang unang araw niya bilang live-in babysitter ni Leo. Nag-impake na siya kagabi—isang malaking travel bag lang ang dala niya, hindi naman masyadong marami ang gamit niya. Bago siya umalis ng boarding house, dumaan muna siya sa maliit na café kung saan madalas silang magkita ng mga kaibigan niya—si Cassie Elara Marquez, Maddie Isabelle Cruz, at Mavy Antonio Santos. Nandoon na silang tatlo, naghihintay sa kanya, may dalang mainit na kape at pandesal para sa kanya.“Grabe, ang ganda ng ngiti mo, Izz!” bati agad ni Maddie, tumatayo at niyakap siya nang mahigpit. “First day of work mo na ngayon, ‘no? Good luck, bes! Kaya mo ‘yan! Alam kong magugustuhan ka agad ng bata, napakabait mo pa naman.”Napangiti si Izzette at niyakap pabalik ang kaibigan. “Salamat, Maddie… sana nga. Medyo kinakabahan kasi ako, first time ko maging yaya eh. Lalo na’t sab
Last Updated : 2026-08-31 Read more