Matapos siyang kausapin ni Miss Amalia ay umalis na siya ng meeting room para sa mga kliyente niya bago bumalik sa office. Dinalhan siya ng kape ng assistant niya, kaya kinuha niya iyon bago sumimsim upang i-relax ang sarili. Napahawak pa siya sa tungki ng ilong niya."Ang galing mo talaga, Att. Cromwell," puri ng assistant niya."And thanks to the fast action of my dearest assistant," natatawang sabi niya.Nakangiting napakamot ng noo ang assistant niya. "Wala yun, Att. Cromwell, ginawa ko lang yung trabaho ko. As always, walang tatalo sa bilis mong lumutas ng kaso. Imagine, hindi man lang umabot ng isang araw, solve na agad ang kaso ng kliyente natin." Proud na proud na lintaya ng assistant niya.Imbes na ngumiti o matuwa ay nakatitig lang siya sa hawak na baso ng kape. Napaisip siya nang malalim ng maalala niya si Yohan. Aminado siyang magaling siya sa pagresolba ng mga kaso pero pagdating sa pag-ibig ay sablay naman siya. O baka naman ay dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon n
Terakhir Diperbarui : 2026-09-09 Baca selengkapnya