“Greg, pwede mo ba akong tulungan? Gusto kong alamin mo kung anong nangyari kay Crayne sa loob ng limang taong nakalipas. Higit sa lahat, gusto kong alamin mo kung hindi ko ba anak si Hanyo.” Hindi mapakali si Yohan habang nasa comfort room ng mga lalaki. Kakatapos lang nila kumain at nagpaalam siyang magba-banyo.“What? Hanyo? Sino si Hanyo?” nagtatakang tanong ng kausap niya sa kabilamg linya.“Crayne’s son,” maikling sagot niya sa kaibigan.Hindi kasi siya matahimik. Hindi siya bulag o tánga upang hindi makita na magkahawig sila ng bata. Mula pa kanina sa airport ay napapansin niya na iyon.At mas lalong lumakas ang hinala niya nang malamang pareho sila ng paboritong pagkain ng bata.“Anak ni Crayne? Ibigsabihin may anak siya?!” gulat na bulalas ng kaibigan sa kabilang linya.“Mmm! Kaya kailangan kong alamin mo ang naging buhay ni Crayne five years ago. At… at kung hindi o anak ko ba si Hanyo,” “Wait, wait! Bakit ako kung puwede namang ikaw ang umalam?” natatawang and ng kaibigan
Last Updated : 2026-10-22 Read more