NAGISING si Crayne mula sa mahimbing na pagtulog dahil sa ingay ng mga kaibigan niya. Tamad na tiningnan niya ang mga ito na nagtatawanan. Lulan kasi sila ng malaking Van papuntang Vigan City kung saan imbitado sila sa party ng kapatid ng boyish nilang kaibigan na si Jessielene. Napahinga na lang siya ng malalim bago tumingin sa labas. "Malayo pa ba tayo?" malumay na tanong niya. Napatigil at napalingon sa kaniya ang mga kaibigan niya. Nakangiwi ang mga itong nakatingin sa kaniya. "Buti't gising ka na? Minsan wala ka talagang sense kasama, ano? Tinutulugan mo lang kami, eh!" Nakairap na sabi ni Lana. "Yeah. Ang sarap mo ngang ihulog sa Banaoang Bridge kanina, eh." Nakangiwing sang-ayon naman ni Lareina, may balak pa atang patáyín siya. Ang totoo, kaibigan ba talaga niya ang mga ito? Napapailing na lang siya sa mga ito. Si Yeona Shane naman ay panay lang ang kain nito. May dala kasi itong Cookies na ito lang din naman ang nag-bake. Her cousin loves cooking and baking. "Tsk! Sa
Última atualização : 2026-09-01 Ler mais