Kinabukasan ay maaga siyang nagising dahil nakaamoy siya nang mabangong nilutong ulam. Napasinghot-singhot pa siya habang nakapikit, kundi lang kumalam ang tiyan niya ay hindi pa sana siya babangon. Hindi na siya nag-abalang ayusin ang sarili at deretsong lumabas siya ng kuwarto pagkababa ng kama. Napahikab pa siya habang tinungo ang kusina, nakarinig siya ng ingay na para bang may nagluluto roon."Good morning," bati ni Yohan nang makita niya nito pagkarating niya sa may pintuan ng kusina.Nakasuot ito nang apron, nagmukha tuloy itong perfect husband. "Good morning, too. Ang aga mo atang nagising ah," aniya saka lumapit sa ref upang uminom ng tubig."Mmm. I'm used to it. I always woke up early in the morning." Pinatay nito ang stove bago nagtanggal ng apron.Lumapit siya rito saka sinilip ang niluto nitong ulam. "Anong niluto mo?" "Sinigang," he answered.Nanubig ang bagang niya nang makita ang niluto nito. Nanuot din ang mabangong amoy sa kaniyang ilong. Mas lalong kumalam ang ka
Zuletzt aktualisiert : 2026-09-15 Mehr lesen