Deneve’s POVIlang araw na ang lumipas simula nang ipasa ko ang birth certificate ni Hope. Nakakapagtaka, pero hindi na ako ginulo ni Julius. Walang patawag sa opisina niya, walang pasaring, at medyo nabawasan din ang sandamakmak na trabahong ibinibigay sa akin ni Mr. San Juan.Akala ko, sawakas, naging epektibo ang naging plano namin ni Dra. Almeda. Akala ko titigilan na niya kami dahil hawak ko na ang katibayan na hindi sa kanya ang bata.Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Kung umiiwas ako sa gulo, ang gulo naman mismo ang kusang lalapit sa akin.Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng mga files sa desk ko nang makita ko ang pagpasok ng isang pamilyar na bulto sa department namin. Si Bianca.Iba ang awra niya ngayon. Kung dati ay laging nakataas ang kilay at mukhang laging handang mang-away, ngayon ay may kakaibang ngiti sa labi niya. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa cubicle ko, hawak ang isang mamahaling kape, at bahagyang hinihimas ang tiyan niyang flat na flat pa naman.
최신 업데이트 : 2026-09-06 더 보기