REX'S P O V~ Nang tuluyan nang mawala ang ingay mula sa banyo, saka ko lamang napansin na kanina pa pala ako nakatayo sa harap ng kalan. Mabagal kong hinalo ang tinola. Hindi ko alam kung tama ba ang dami ng tubig, asin, o paminta na inilagay ko. Ilang beses ko na ring tinikman ang sabaw, pero sa bawat pagtikim ko, lalo lamang akong nagdududa. “Baka kulang sa asin.” Dinagdagan ko. Muli kong tinikman. “Baka sobra naman.” Napabuntong-hininga ako. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pressure sa isang simpleng pagkain. Mas madali pang humarap sa isang mahirap na kaso kaysa magluto ng tinola. Nang sa wakas ay mukhang maayos na ang luto, pinatay ko ang kalan at nagsimulang maghanda ng hapag-kainan. Inilabas ko ang dalawang plato, kutsara, tinidor, at baso. Maingat kong inilapag ang mga iyon. Ayokong may madagdag pa sa mga nabasag ko kanina. Kumuha ako ng mangkok at inilagay ang tinola sa gitna ng mesa. May kaunting sabaw na natapon sa gilid, kaya agad ko iy
최신 업데이트 : 2026-09-15 더 보기