REX’S P O V~ Ilang oras na akong nakatitig sa parehong dokumento, pero ni isang salita ay wala akong naintindihan. Bawat subok kong magpokus sa trabaho ay nauuwi lang sa pag-alala sa mukha ni Lily kanina. Sa mga luhang pilit niyang pinipigilan habang nakatayo sa harap ko. Sa mahinang boses niyang nagsabing, “Sorry, Boss,” bago siya tuluyang lumabas ng opisina. Napahawak ako sa noo at napasandal sa upuan. Tangina! Ano bang nangyayari sa akin?. Hindi ko dapat siya sinigawan. Hindi ko dapat siya pinaiyak. Alam kong may dahilan siya kung bakit ganoon ang sinabi niya sa Mama ko. Pero sa halip na pakinggan siya, hinayaan kong manaig ang galit ko. Gusto kong marinig mula sa bibig niya na may halaga ako sa kanya, pero ang ginawa ko, ako mismo ang nagpalayo sa kanya. Napatingin ako sa labas ng opisina. Mula sa kinauupuan ko, tanaw ko ang mesa ni Lily. Wala na ang mga folder na karaniwan niyang inaayos, at nakapatay na rin ang computer niya. Kanina ko pa napapansin na hindi siya bumaba
최신 업데이트 : 2026-09-25 더 보기