REX'S P O V~ Maaga akong nakarating sa hotel dahil ayokong may kahit anong maging aberya sa meeting namin. Pagpasok ko sa lobby, agad kong tiningnan ang oras sa cellphone ko. Maaga pa, pero mas mabuti na rin 'yon kaysa ma-huli. Ayokong maghahabol ng oras, lalo na't bago ang client na haharapin namin. Lumapit ako sa reception at kinumpirma ang meeting room na naka-reserve para sa amin. Pagkatapos, dumiretso ako roon para tingnan kung maayos na ang lahat. Pagbukas ko ng p***o, maayos na ang mesa. Nandoon na rin ang ilang documents na ipinadala ng staff. Inisa-isa ko ang mga iyon bago ako umupo. Makalipas ang ilang minuto, narinig ko ang pagbukas ng p***o. Paglingon ko, si Lily ang pumasok. May dala siyang folder at bag. Agad kong napansin ang kulay rosas na skirt at puting polo, kaya lumitaw ang kaseksehan niya. Mabilis ako tumikhim para hindi mahalata na sinusuri ko ang suot niyang damit. “Good morning, Boss.” Nakangiting bati niya. Tumayo ako na lamang pakatapos kinuha ko ang
최신 업데이트 : 2026-10-04 더 보기