Jasmine’s Pov“Tanggapin po ninyo ang munting handog ko bilang handog sa panliligaw sa anak ho ninyo.” Iminuwestra ni Aston ang mga bigas at groceries na binuhat ng mga lalaki papunta sa harap nina Inay at Itay.“Munting handog? Paano naging munting handog eh pinakyaw mo ata lahat ng bigas at groceries sa isang grocery store sa dami niyan!” Turo ni Hannah sa mga pinamili nila. “Tapos ano yun? Oh my gosh! May Kalabaw at Kabayo? Baboy at Baka? Kambing, manok, at pato? Tig-tatlo pa?” hindi makapaniwalang bulalas ng kaibigan ko.Kahit ako ay napaatras sa gulat nang makitang hila-hila ng mga lalaki ang tig-tatlong Kabayo, Kalabaw, Kambing, Baboy, Baka, manok, at pato.B-bakit ang dami? Kompleto…Higit sa lahat, bakit tig-tatlo?’ “Ito naman po ang iilang mga farm animals. Sinadya kong bilhin upang mailagay ninyo sa may plikuran ho ninyo.” Paliwanag ni Aston nang may ngiti sa labi.“B-bakit tig-tatlo?” hindi ko mapigilang magtanong.“Tatlo for ‘I love you’ kasi mahal kita.” Mabilis na sagot
Última actualización : 2026-10-09 Leer más