Jasmine’s Pov“Parang gusto ko na lang maging magsasaka kung laging may ganito, maganadang dilag na nagluluto at naghahanda ng masarap na pagkain sa hapagkainan.” Hirit ni Aston nang nang makaupo sila, samantalang kami naman ay naghahain ng mga pagkain sa mesa. Ang dami naming niluto para sa kanila. Umalingasaw pa ang mabango at nakakatakam na amoy ng adobong manok, inihaw na karne ng baboy, bulalo, hipon, at tuyong pusit. Gumawa pa ng sawsawan si Hannah na puno ng sili, sibuyas at kamatis. “Ang sarap at bango!” natatakam na anas naman ni Larry na agad inasikaso ng kaibigan ko matapos magdasal.“Bebeloves, ako na. Alam kong pagod ka,” nakangiting sabi ni Hannah at talagang kumindat pa.Namula tuloy ang tainga ni Larry at umiwas ng tingin. Natawa naman sina Inay at Itay na ngayon ay kumakain na rin. Hinayaan ko na lang sila at inasikaso ang katabi ko na hindi mawaglit ang ngiti sa labi.“Anong gusto mo?” nakangiting tanong ko, tinutukoy ang mga ulam.“Ikaw. Wala ng iba.” Kindat niya
最終更新日 : 2026-10-17 続きを読む