Jasmine’s Pov“Mine, huwag mong kalimutan yung bikini mo. That’s for your swimming time.” Nahihiyang napakamot ako ng noo sabay tango. Talagang pumasok lang si Aston sa kuwarto para ipaalala iyon sa akin. Sa dami ng pwedeng ipaalala niya, ang bikini pa talaga. Nag-i-impake kasi ako ng mga gamit na dadalhin ko para sa beach camp date namin. Gusto naming maagang gumayak para maaga ring makarating sa Sabang Beach Resort, Puerto Balera, Oriental Mindoro. Ang lugar kung saan ako natagpuan ng mga kinilala kong magulang, ang kinalakihan kong hometown.“Nasa maleta ko na. Iyon ang una kong nilagay kanina.” Lumapit siya sa akin, akala ko kung anong gagawin niya, hinalikan lang pala ako sa labi.“Good girl.” Kinuha niya ang ibang gamit ko at siya na mismo ang nagsilid sa maleta ko.“Ako na rito. Baka may gagawin ka pa,” sabi ko sa kaniya.“It's okay. Ako na, ayaw kong nakikitang nahihirapan ka po eh.” Kindat niya sa akin kaya natawa ako.Ang cute niya talaga kapag nagpo-po sa akin. Sobrang ga
最終更新日 : 2026-10-05 続きを読む