Jasmine’s Pov“Umiiyak ka na naman…” Nagulat ako nang makitang nakatayo sa may pintuan si Aston. Mukhang kanina pa siya at narinig pa ata ang pag-uusap namin ni Dad dahil ang bigat ng awra niya. Halatang pinipigilan niyang ipakita sa akin na hindi siya natutuwa sa kung ano man ang narinig niya sa pag-uusap namin ni Dad. Naka automatic loud speaker kasi ang volume ng phone ko. “Ayos lang ako,” sabi ko at lihim na pinunasan ang luha sa pisngi ko.Lumapit siya sa akin. Diretso ang tingin at alam kong hindi siya naniniwala na ayos lang ako.“Don't lie to me. I know when you're okay or not. So tell me honestly…” mahinahong tanong niya.Napayuko na lang ako. Kilalang-kilala niya talaga ako. He's very observant after all. “Nalaman ni Dad ang tungkol sa atin. Nagalit siya at pinapauwi niya ako…” Okay lang naman sana sa akin ang lahat eh. Wala akong paki kung magalit si Dad. Ang inaalala ko lang ay baka mapahamak si Aston dahil sa akin.Kilal ko si Dad…“No. You're not going home there. Ma
Última actualización : 2026-10-31 Leer más