Jasmine’s Pov “Oh my gosh! Look! Ang hot ng dalawang chupapi natin!”’Tili ni Hannah nang makarating kami sa parking lot ng isang restaurant. Mula rito sa puwesto namin ay kitang-kita si Yohan at Larry na parehong nakatayo, naghihintay. Pareho pang naka-formal suit at seryoso na naghihintay habang may kaniya-kaniyang hawak na bouquet.Ang gwapo nga nila. Unang tingin pa lang, masasabi mong masungit na mga CEO. Lalo na ang Yohan ko! HIHIHI!Umiigting pa ang panga habang panay ang silip nito sa pambisig na relo. Para silang mga perfect boyfriend na matiyagang naghihintay sa girlfriend nila.“Sheyt! Tingin pa lang ulam na, yieee!” Kinikilig na sabi ni Hannah na may pahampas pa sa manibela.“Uy! Kalmahan mo talaga! Very demure and innocent ang tipo ni Larry, masyado kang agrisibo para sa kaniya!” natatawang sita ko pero inirapan niya lang ako.“Deadma sa demure na ‘yan, ano! Paano ka magiging demure kung ganiyan ka hot, guwapo, maskulado, tangkad, plus umiigting ang panga ang bubungad sa
最終更新日 : 2026-09-28 続きを読む