Isang linggo ang mabilis na lumipas simula nang umalis ako sa bahay namin ni Lucas. At sa isang linggo na iyon, walang mintis ang maya't maya niyang pagpaparamdam sa akin habang nakikiusap na umuwi na ako sa kaniya. "Liana, three minutes before you hit the runway! Get ready!" sigaw ng stage director sa likod ng entablado ng Cagayan Fashion Week.Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Naka-suot ako ng isang emerald green silk gown na idinisenyo ng pinakasikat na French designer ngayong taon. Ang buhok ko ay nakalugay sa perpektong alon, habang ang mukha ko ay nagpapakita ng isang babaeng walang ni isang bahid ng kahinaan.Walang sinuman sa fashion industry ang nakakaalam na pitong araw na akong hindi umuuwi sa asawa ko. Walang nakakaalam na araw-araw, gabi-gabi akong may iniindang lungkot. To the world, I'm still the Liana Monteclaro, the unbeatable, untouchable, and ethereal."Looking stunning as always, Liana," wika ng isang baritonong boses sa likod ko.Lumingon ako at na
Huling Na-update : 2026-09-07 Magbasa pa