Share

CHAPTER 5

Author: HANIFAH
last update Petsa ng paglalathala: 2026-09-07 07:02:26

LUCAS' POV

"Mr. Valderama," seryosong wika ng doktor sa akin. "I checked Miss Jess’ medical records and conducted an ultrasound fresh from our lab."

"Is she pregnant with my child?" direktang tanong ko, magkahalong galit at kaba ang nararamdaman ko ngayon.

Nandito kami ngayon sa pinakamalapit na clinic. Dito ko dinala si Jess para malaman kung buntis nga talaga siya o ano. Naniniwala ako na magiging pabor sa akin ang resulta. Na kung buntis man siya, alam ko na hindi akin iyon dahil wala naman talagang nangyari sa amin.

Bumuntong-hininga ang doktor at ibinaba ang papel. "Miss Jess is not pregnant at all, Mr. Valderama. The ultrasound photos and pregnancy tests you showed me were completely fabricated and falsified."

Sinasabi ko na nga ba!

Sa pagdoble ng galit ko ay marahas akong napatayo sa kinauupuan. “That b*tch!"

"She used synthetic hormones to fake symptoms, but her blood test clearly shows negative for hCG. She was never pregnant,” pagpapatuloy ng doctor.

Napahawak ako sa aking ulo nang magsimulang manginig ang buong katawan ko dahil wala ng mapaglalagyan ang galit ko sa babaeng 'yun. Pinalabas ko siya kanina. Kung nandito lang siya ay baka napatay ko na siya.

A setup. A complete, dirty setup created to tear me and Liana apart, and Liana fell for it like an absolute fool.

"I'm sorry,” dinig kong paumanhin sa akin ng doctor sabay tapik pa sa balikat ko.

Napaupo ako sa kinauupuan ko kanina at doon ay pinakalma ko muna ang sarili ko. Nasa ganoong posisyon ako nang hindi sadyang napalingon ako sa may waiting area. Ganoon na lang ang pamimilog ng mata ko nang makita ko doon ang babaeng gustong-gusto ko na patayin ngayon.

"Fvck!" malakas kong mura nang hindi pa man ako nakakatayo ulit sa kinauupuan ko para sugurin siya ay tumakbo na siya.

Hindi siya puwedeng makatakas. Bago ko siya pagbayarin sa ginawa niya ay kailangan ko muna siyang maiharap ulit kay Liana. Kailangan niyang sabihin sa asawa ko ang katotohanan. Kailangan niyang lumuhod at humingi ng tawad sa asawa ko. Kung kinakailangang paiyakin ko siya ng dugo sa harap ni Liana, gagawin ko!

Kaya naman bago pa siya tuluyang makalayo ay mabilis na akong lumabas sa kinaroroonan kong silid sabay habol sa kaniya.

“Jess, bumalik ka rito!" nanggagalaiti kong sigaw nang makaliko siya sa kabilang hallway.

Wala na akong pakialam kung umalingawngaw ang boses ko rito. Basta ang gusto ko mangyari ay magawa ko ang gusto ko ngayon.

"Jess!” sigaw ko pa.

Madali ko lang naman siya maabutan kaso dahil sa panghihina pa ng katawan ko dulot ng dalawang araw kong paghihintay kay Liana sa labas ng condo niya, pakiramdam ko'y hirap na hirap kong galawin ang mga paa ko.

“Jess—" paliko na sana ako sa nilikuan niyang hallway nang bigla akong natigil.

Wala sa oras akong napatagilid nang may mga doctor na nagsisitakbuhan habang may hila-hila silang stretcher. Sa hindi malamang dahilan ay sumikbo ang matinding kaba sa dibdib ko.

Umalinsunod ang mata ko sa kanila nang padaan na sila sa gawi ko. At ganoon na lang ang tila pagbagsak ng puso ko sa sahig nang madungawan ko ang hila-hila nilang stretcher ay ang asawa ko ang nakahiga doon.

"L-Liana…” halos pabulong kong tawag sa pangalan niya.

Pikit ang mga mata niya habang ang kaniyang mukha ay halos wala ng kulay sa sobrang pamumutla.

"A-Asawa ko…” muli kong bulalas.

Sa sobrang pagkakatameme ko ay hindi ko na maigalaw ang mga paa ko nang akmang susundan ko ang kinahihigaan niyang stretcher.

Namalayan ko na lang na ipinasok na siya sa ER. Doon ko pa lang nagawang igalaw ang mga paa ko nang makita ko ang pagsarado ng pintuan ng ER.

“Liana!" malakas kong sigaw sabay takbo sa kinaroroonan niyang ER. Kaso papasok pa lang ako doon ay naharangan na ako ng isa sa mga doctor na humihila kanina sa stretcher. Pag-angat ko ng tingin sa mukha ng doctor ay agad ko itong namukhaan.

“Sebastian…” walang lakas kong tawag sa pangalan niya.

Sandali siyang napatitig sa mukha ko pero ilang segundo lang ay tumalim na agad ang paraan ng pagtingin niya sa akin.

"What are you doing here, huh, Lucas?” matikas at malamig niyang tanong sa akin. Napaatras ako nang bigla niya akong itinulak, dahilan ng pagkakaupo ko sa sahig. “Liana is in critical condition right now, and it’s because of you! Why are you even here, huh? Is it because you found out she’s pregnant? What, are you going to hurt her again?!”

Matagal bago mag-sink in sa utak ko ang huli niyang sinabi. Namilog ang mga mata ko at napatayo na lang nang sa wakas ay napagtanto ko ang ibig niyang sabihin.

“W-What do you mean she’s pregnant?” utal kong tanong.

Matabang niya akong inilingan bago niya ako sinagot. “So you didn’t know, huh? She’s pregnant, Lucas. Your wife is pregnant and thank God… you’re not the father.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Life After Marriage with the Playboy    CHAPTER 5

    LUCAS' POV "Mr. Valderama," seryosong wika ng doktor sa akin. "I checked Miss Jess’ medical records and conducted an ultrasound fresh from our lab." "Is she pregnant with my child?" direktang tanong ko, magkahalong galit at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Nandito kami ngayon sa pinakamalapit na clinic. Dito ko dinala si Jess para malaman kung buntis nga talaga siya o ano. Naniniwala ako na magiging pabor sa akin ang resulta. Na kung buntis man siya, alam ko na hindi akin iyon dahil wala naman talagang nangyari sa amin. Bumuntong-hininga ang doktor at ibinaba ang papel. "Miss Jess is not pregnant at all, Mr. Valderama. The ultrasound photos and pregnancy tests you showed me were completely fabricated and falsified." Sinasabi ko na nga ba! Sa pagdoble ng galit ko ay marahas akong napatayo sa kinauupuan. “That b*tch!" "She used synthetic hormones to fake symptoms, but her blood test clearly shows negative for hCG. She was never pregnant,” pagpapatuloy ng doctor. Napahawak ako

  • Life After Marriage with the Playboy    CHAPTER 4

    ‘TOP MODEL LIANA MONTECLARO FILES FOR ANNULMENT FROM BILLIONAIRE HEIR LUCAS VALDERAMA!’‘IS THERE A THIRD PARTY? JESS SANCHEZ CLAIMS SHE IS PREGNANT WITH LUCAS VALDERAMA'S CHILD!’Napailing na lang ako sa mga nabasang post sa social media. Grabe, ang bilis lang din talaga. Kanina lang ako nag-file ng annulment namin tapos kumalat na agad ang tungkol doon.Nakatayo ako ngayon sa glass wall ng aking bagong luxury suite habang pinapanood ang ulan na bumubuhos sa lungsod. Sa mesa sa likod ko ay nakapatong ang cellphone kong kanina pa ring nang ring. Daan-daang missed calls mula sa aking mga magulang at mula sa pamilya Valderama ang pumapasok. Wala ako sa mood magpaliwanag sa kahit sino sa kanila kaya wala akong sasagutin sa mga tawag nila.Pero nang makita ko ang pangalan ng Mommy ni Lucas sa screen ng phone ko, agad ko itong dinampot at sinagot ang tawag niya."Liana, my dear..." bungad ng ginang sa kabilang linya. "Tita…" magalang kong bati."Nabalitaan ko ang nangyari. Nakakahiya ang

  • Life After Marriage with the Playboy    CHAPTER 3

    Isang linggo ang mabilis na lumipas simula nang umalis ako sa bahay namin ni Lucas. At sa isang linggo na iyon, walang mintis ang maya't maya niyang pagpaparamdam sa akin habang nakikiusap na umuwi na ako sa kaniya. "Liana, three minutes before you hit the runway! Get ready!" sigaw ng stage director sa likod ng entablado ng Cagayan Fashion Week.Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Naka-suot ako ng isang emerald green silk gown na idinisenyo ng pinakasikat na French designer ngayong taon. Ang buhok ko ay nakalugay sa perpektong alon, habang ang mukha ko ay nagpapakita ng isang babaeng walang ni isang bahid ng kahinaan.Walang sinuman sa fashion industry ang nakakaalam na pitong araw na akong hindi umuuwi sa asawa ko. Walang nakakaalam na araw-araw, gabi-gabi akong may iniindang lungkot. To the world, I'm still the Liana Monteclaro, the unbeatable, untouchable, and ethereal."Looking stunning as always, Liana," wika ng isang baritonong boses sa likod ko.Lumingon ako at na

  • Life After Marriage with the Playboy    CHAPTER 2

    Si Lucas, maayos naman siyang asawa. Inaalagaan niya ako, ni hindi niya ako pinagtatrabaho, tapos sobrang sweet niya sa akin at ibinibigay lahat ng luho ko. Pero babaero siya. Ang dami niyang babae. Masakit man aminin pero hindi kasali sa babae niya ang kakambal ko pero siya pa rin ang mahal niya. Dalawang taon, tatlong taon, o mahigit pa… ilang taon pa ba ang hihintayin ko para magbago siya? Oo, matapang ako. Alam ko naman iyon e. Pero tao lang din naman ako, babae ako. May puso din ako na paulit-ulit na nadudurog at nakakaramdam din ako ng pagod. *Ding-dong.* Natigil ako sa pagmumuni-muni nang may biglang nag-doorbell sa main door. Kumunot pa ang noo ko sa pagtataka kasi anong oras na? Paumaga na. Sino naman ang bibisita sa amin sa ganitong oras? Nagtataka man ay tumayo pa rin ako at binuksan ang pintuan sa pag-aakalang ang assistant ko lang iyon. Pero isang dilag na babae na mukhang nasa college pa ang nadatnan ko. Nakasuot siya ng fitting na bodycon dress at nanginginig ang

  • Life After Marriage with the Playboy    CHAPTER 1

    “You b*tch!" nanggagalaiti kong sigaw sabay sampal gamit ang natitira kong lakas sa babae. Babae. Isa na namang babae ang nahuli kong nakakandong sa asawa ko dito sa may bar. "Alam mo ng may asawa, nagawa mo pang landiin!” sigaw ko pa, isang magkambal na namang sampal ang iginawad ko sa magkabilang pisngi niya. Umalingawngaw ang tunog ng sampal sa buong VIP section na kinaroroonan namin. Hindi pa ako nakontento at sinabunutan ko na ang blonde na buhok ng babae. "You cheap whōre!" sigaw ko pa, kinaladkad na siya sa sahig, dahilan para maalis siya sa kandong ng asawa ko. "A-Aray! Help! She's crazy! Lucas, tulungan mo ako!" tili ng babae habang nagpupumiglas. Pero ang asawa ko? Nakasandal lang siya sa leather sofa habang hawak ang kaniyang baso ng whiskey, at may nakaguhit na sarkastikong ngisi sa kaniyang mga labi. Bahagya pa niya akong tinaasan ng kilay habang may nakakalokong ngisi sa labi. Napakagāgo talaga! "Ow, it's my beautiful wife…" bulalas niya na para bang sa sobr

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status