Mag-log in‘TOP MODEL LIANA MONTECLARO FILES FOR ANNULMENT FROM BILLIONAIRE HEIR LUCAS VALDERAMA!’
‘IS THERE A THIRD PARTY? JESS SANCHEZ CLAIMS SHE IS PREGNANT WITH LUCAS VALDERAMA'S CHILD!’ Napailing na lang ako sa mga nabasang post sa social media. Grabe, ang bilis lang din talaga. Kanina lang ako nag-file ng annulment namin tapos kumalat na agad ang tungkol doon. Nakatayo ako ngayon sa glass wall ng aking bagong luxury suite habang pinapanood ang ulan na bumubuhos sa lungsod. Sa mesa sa likod ko ay nakapatong ang cellphone kong kanina pa ring nang ring. Daan-daang missed calls mula sa aking mga magulang at mula sa pamilya Valderama ang pumapasok. Wala ako sa mood magpaliwanag sa kahit sino sa kanila kaya wala akong sasagutin sa mga tawag nila. Pero nang makita ko ang pangalan ng Mommy ni Lucas sa screen ng phone ko, agad ko itong dinampot at sinagot ang tawag niya. "Liana, my dear..." bungad ng ginang sa kabilang linya. "Tita…" magalang kong bati. "Nabalitaan ko ang nangyari. Nakakahiya ang ginawa ng anak ko! Pumunta ka rito sa mansyon, pinalayas ko si Lucas sa kumpanya para magtanda siya sa ginawa niya sa'yo!" Mapait akong napangisi. "Salamat po pero gusto ko na muna mapag-isa," malamig ngunit may galang ko pa ring sagot. "Pinalaya ko na po ang anak niyo. Hindi ko na kayang magtiis sa isang kasal na ako lang ang lumalaban." "Pero Liana, hija… ikaw lang ang tanging babaeng nakikita kong nababagay sa kaniya—" "Pero hindi po ako sapat sa kaniya," mapait kong putol. "Wala pa rin siyang pinagbago, babaero pa rin. Nagawa ko na po lahat ng makakaya ko para tumino siya pero wala pa rin. Isa pa… ang kagustuhan niyong bigyan ko kayo ng apo ay hindi ko magagawa." Natahimik ang ginang sa kabilang linya. Kinuha ko na rin iyon na pagkakataon para patayin na ang tawag. “Tsk! Plastic!" pairap kong bulalas sabay t***n sa kama ng cellphone ko. Alam ng buong angkan nila kung gaano kababaero si Lucas pero wala man lang ni isa sa kanila ang gumawa ng paraan para mapatino ang isang ‘yun! Tapos ngayon, tatawag-tawag sila sa akin? Para ano? Para pakiusapan ako na magpakatanga na naman? Bumaba na lang ako sa lobby ng aking condominium tower para sa aking press conference mamayang hapon. Kaso sa pagbukas pa lang ng kinaroroonan kong elevator ay natigilan na ako. Sa labas ay nakatayo sa gitna ng ng ulan si Lucas. Basang-basa ang kaniyang suit, gulo-gulo ang buhok, at nakatitig sa salamin ng lobby kung saan ako nakatayo. Nang tanungin ko ang security guard ay dalawang araw na daw siyang naghihintay sa labas. Tila naalarma siya nang makita niya ako. Agad siyang humakbang palapit sa may entrance ngunit inutusan ko agad ang guard na pigilan siya sa pagpasok. "Liana! Kausapin mo ‘ko! Please!" sigaw ni Lucas. Ang boses niya ay may bakas ng panginginig at paos. Halata na rin ang kawalan niya ng lakas. "I don't care about the annulment! I will not sign it!" Hindi ko siya nilapitan kahit nakakaramdam ako ng awa sa lagay niya, nanatili lang ako sa loob ng proteksyon ng glass door habang siya ay basang-basa ng ulan sa labas. "Sign it or not, Lucas, legal na tayong hiwalay sa puso ko," wika ko sa pamamagitan ng intercom ng building. "Liana, mali ang iniisip mo!" lumapit siya sa salamin at nagmamakaawa akong tiningnan sa mga mata. "Mahal ko, pakiusap… bumalik ka na sa'kin. Ikaw lang ang mahal ko, please… Magtitino na ako, promise. Hinding hindi na ako uulit, pakiusap naman oh!" Natawa ako nang may kasamang luha na pilit kong pinipigilan. "Kung kailan ayaw ko na saka ka gaganiyan?" pabalang kong tanong. "Noong gabi-gabi kitang hinihintay na umuwi ka, nasaan ang mga salita mong 'yan? Kapag nananampal ako ng mga babae mo sa bar para ipaglaban ang dignidad ko, anong ginagawa mo? Di ba, magpapalit ka lang din ng babae? Ang lala mo. Masama ugali ko pero ibang level ka!" umiling-iling ako sa kawalan ng pag-asa sa kaniya. Hindi siya agad nakapagsalita. Sa halip ay napayuko siya hanggang sa mapaluhod. Bago pa ako kainin ng emosyon ko ay tinalikuran ko na ang gawi niya. Ngunit agad din akong napabaling ulit sa kaniya nang may narinig akong kotse na dumating. Bumukas ang pintuan ng isang mamahaling black SUV sa likod niya at bumaba roon si Jess, galit na galit at hawak ang kaniyang tiyan. "Lucas! Anong ginagawa mo rito?!" sigaw ni Jess sabay marahas na hinila si Lucas sa braso. "Kahapon pa kita hinahanap—” Natigil din si Jess nang madako agad ang tingin niya sa akin. Akala ko ay matatahimik siya pero nagulat ako nang taasan niya ako ng kilay. "Akala ko ba ayaw mo na sa kaniya? Bakit pinapapunta mo pa siya dito? Magkakaanak na kami, Miss Liana! Sana naman respetuhin mo ‘yun!” madrama niyang asik sa akin. Ako nama'y napatitig sa kaniya. Magsasalita pa lang ako ngunit tumayo na si Lucas. Doon ko lang din napansin na may mga media palang kasama si Jess. Nagsilabasan sila mula sa pinanggalingang kotse ni Jess sabay tutok ng mga camera nila sa aming tatlo. "Manahimik ka, Jess! Umalis ka sa harap ko bago ko makalimutang babae ka!" umalingawngaw ang boses ni Lucas pero hindi nagpatinag si Jess. Sinagot pa niya ito ng pabalang. Ngunit ang laman ng salita niya ay talaga namang tumagos hanggang buto-buto ko. "Bakit?! Totoo naman ah!" asik ni Jess at tinuro pa ako. "Alam mong magbubunga ang pagpunta-punta mo sa'kin sa dorm ko. Alam mo 'yun, Lucas at ginusto mo ito dahil ang asawa mo ay baog! Malungkot ka lagi dahil hindi ka niya kayang bigyan ng pamilya!" Kasabay ng sunod-sunod na pag-flash ng camera ng media ay ang pagdurog ng paulit-ulit ng puso ko. Hindi ko kailanman ipinalabas sa publiko ang pagiging baog ko kaya ang malamang alam ito ni Jess ay nakasisiguro kong si Lucas nga ang nagsabi sa kaniya. For the nth time, I felt betrayed by the man I loved the most, the very person I trusted with my heart, even though he had hurt me over and over again. Ngumiti ako at hindi ko hinayaang magmukhang kawawa sa lahat ng nandito, lalo na sa babaeng humihingi ng respeto pero hindi nagawang irespeto ang kasal namin ni Lucas. "I may be infertile," malakas at malinaw kong pahayag sa harap ng reporters at camera na nakatutok sa amin. "But at least I have dignity. Unlike her, who uses a pregnancy to chain a man who clearly doesn't love you." Nanlaki ang mga mata ni Jess tulad ng gusto kong makuhang reaksyon mula sa kaniya. At kasabay nun ay nagbulungan ang lahat ng mga media representatives sa paligid. Hindi ko na sila hinintay pang magtanong uli. Tinalikuran ko sila at dumeretso ako sa elevator pabalik sa aking suite. Ako pa rin naman ito, si Liana Monteclaro. Kung b*tch ang kabit na iyon, pwes kilalanin niya muna kung sino talaga ako. Wala pa ata siyang ideya kung gaano kasama ang ugali ko. *** "Get in!" dinig ko pang galit na utos ni Lucas kay Jess. "Lucas, ano ba! Nasasaktan ako!" reklamo naman ni Jess. Sa lakas ng mga boses nila, bago magsarado ang elevator na sakay ako pabalik sa suite ko ay narinig ko pa iyon. Nanatili lang akong composed dahil ang mga camera ng media ay nakatutok pa rin sa akin. Alam ko na maya-maya lang ay kakalat na ang balita tungkol sa naging senaryo namin dito kaya dapat ay maganda pa rin ako sa mga shot nila. Even though my reality is… Pagkasaradong-pagkasarado ng elevator ay diretso akong napaupo sa sahig at doon na nilabas ang kanina ko pa pinipigilang hagulgol. Aminado naman ako na marami akong nagawa na masasama noon, lalo na sa kakambal kong si Lana, pero bakit sobra-sobra naman ata ang balik sa akin na karma? Ang sakit. Sobrang sakit. Ang sakit sakit! Si Lucas, akala ko siya na ang pinakamaganda na nangyari sa buhay ko. Mali pala ako dahil kabaliktaran no'n ang katotohanan. Iyak lang ako nang iyak hanggang sa makarating na ako sa suit ko. Nanghihina man habang patuloy ako sa paghagulgol, nagawa ko pa rin abutin ang cellphone ko at tinawagan ang kaisa-isang tao na alam kong makakaintindi sa akin, si Doc Sebastian Vargas. “Doc…” hagulgol kong bungad nang wala pang isang oras ay sinagot na niya ang tawag ko. "Hey, Liana— wait, are you crying… again?" nag-aalala niyang tanong nang mapagtantong humahagulgol ako. “I-I'm… calling you right now… because I-I want to know the result…” hagulgol ko pa rin. Matagal bago siya nakapagsalita. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya bago siya nagsalita. "Where are you?” Umiling ako kahit hindi naman niya nakikita. "Ako na ang… p-pupunta sa'yo… please,” tila nagmamakaawa kong usal. Muling buntong-hininga ang naitugon niya sa akin bago siya nagsalita ulit. "Alright. I’m already at the clinic. I’ll wait for you here. I was actually about to call you because the results are out, but you beat me to it. Just call me right away if you want me to come pick you up." Ibinaba ko na ang tawag saka ako mabilis na nag-ayos. May resulta na raw. Ibig sabihin, malalaman na kung naghimala talaga na buntis nga ako o kung false alarm lang ang mga nakita niyang sintomas sa akin. Alin man doon ang resulta, isa lang ang nakakasiguro ko… Hindi mababago nun ang desisyon kong hiwalayan na si Lucas. --- Makalipas ang ilang minutong paghahanda ko at ang paghahanap ko ng tyempo na matakasan ang ibang media na nakaantabay pa sa labas ng condominium ko, sa wakas ay nakarating na rin ako sa clinic ni Doc. Sa entrance pa lang ay agad na niya akong nakilala kahit naka-disguise ako. Sinalubong niya ako saka inalalayan papasok sa kaniyang clinic. Bukod sa pagiging Obstetrician niya sa akin, college pa lang kami ay magkaibigan na kami. Literal na magkaibigan, mag-bestfriend. Pinaulanan niya ako ng mga tanong kung ano daw ba ang nangyari sa akin pero sa kagustuhan kong ayaw ko muna pag-usapan ang tungkol kay Lucas, minabuti kong wala akong sagutin sa mga naging tanong niya. Naintindihan naman niya. “Please, just tell me the result," paos kong giit. Ngayon ay hawak na niya ang opisyal na resulta ng mga laboratory tests ko habang mariin siyang nakatingin sa akin. Ako nama'y sandali kong ipinikit ang mga mata ko para ihanda ang sarili sa kahit anong magiging resulta. Kung negative… tatanggapin ko pa rin. Pero kung positive… sana lubos ko itong ikasaya para maibsan naman ang nararamdaman kong sakit ngayon sa dibdib. "Liana…” tawag sa akin ni Doc sa nakasanayan kong mahinahon niyang tono. "The result is…"LUCAS' POV "Mr. Valderama," seryosong wika ng doktor sa akin. "I checked Miss Jess’ medical records and conducted an ultrasound fresh from our lab." "Is she pregnant with my child?" direktang tanong ko, magkahalong galit at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Nandito kami ngayon sa pinakamalapit na clinic. Dito ko dinala si Jess para malaman kung buntis nga talaga siya o ano. Naniniwala ako na magiging pabor sa akin ang resulta. Na kung buntis man siya, alam ko na hindi akin iyon dahil wala naman talagang nangyari sa amin. Bumuntong-hininga ang doktor at ibinaba ang papel. "Miss Jess is not pregnant at all, Mr. Valderama. The ultrasound photos and pregnancy tests you showed me were completely fabricated and falsified." Sinasabi ko na nga ba! Sa pagdoble ng galit ko ay marahas akong napatayo sa kinauupuan. “That b*tch!" "She used synthetic hormones to fake symptoms, but her blood test clearly shows negative for hCG. She was never pregnant,” pagpapatuloy ng doctor. Napahawak ako
‘TOP MODEL LIANA MONTECLARO FILES FOR ANNULMENT FROM BILLIONAIRE HEIR LUCAS VALDERAMA!’‘IS THERE A THIRD PARTY? JESS SANCHEZ CLAIMS SHE IS PREGNANT WITH LUCAS VALDERAMA'S CHILD!’Napailing na lang ako sa mga nabasang post sa social media. Grabe, ang bilis lang din talaga. Kanina lang ako nag-file ng annulment namin tapos kumalat na agad ang tungkol doon.Nakatayo ako ngayon sa glass wall ng aking bagong luxury suite habang pinapanood ang ulan na bumubuhos sa lungsod. Sa mesa sa likod ko ay nakapatong ang cellphone kong kanina pa ring nang ring. Daan-daang missed calls mula sa aking mga magulang at mula sa pamilya Valderama ang pumapasok. Wala ako sa mood magpaliwanag sa kahit sino sa kanila kaya wala akong sasagutin sa mga tawag nila.Pero nang makita ko ang pangalan ng Mommy ni Lucas sa screen ng phone ko, agad ko itong dinampot at sinagot ang tawag niya."Liana, my dear..." bungad ng ginang sa kabilang linya. "Tita…" magalang kong bati."Nabalitaan ko ang nangyari. Nakakahiya ang
Isang linggo ang mabilis na lumipas simula nang umalis ako sa bahay namin ni Lucas. At sa isang linggo na iyon, walang mintis ang maya't maya niyang pagpaparamdam sa akin habang nakikiusap na umuwi na ako sa kaniya. "Liana, three minutes before you hit the runway! Get ready!" sigaw ng stage director sa likod ng entablado ng Cagayan Fashion Week.Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Naka-suot ako ng isang emerald green silk gown na idinisenyo ng pinakasikat na French designer ngayong taon. Ang buhok ko ay nakalugay sa perpektong alon, habang ang mukha ko ay nagpapakita ng isang babaeng walang ni isang bahid ng kahinaan.Walang sinuman sa fashion industry ang nakakaalam na pitong araw na akong hindi umuuwi sa asawa ko. Walang nakakaalam na araw-araw, gabi-gabi akong may iniindang lungkot. To the world, I'm still the Liana Monteclaro, the unbeatable, untouchable, and ethereal."Looking stunning as always, Liana," wika ng isang baritonong boses sa likod ko.Lumingon ako at na
Si Lucas, maayos naman siyang asawa. Inaalagaan niya ako, ni hindi niya ako pinagtatrabaho, tapos sobrang sweet niya sa akin at ibinibigay lahat ng luho ko. Pero babaero siya. Ang dami niyang babae. Masakit man aminin pero hindi kasali sa babae niya ang kakambal ko pero siya pa rin ang mahal niya. Dalawang taon, tatlong taon, o mahigit pa… ilang taon pa ba ang hihintayin ko para magbago siya? Oo, matapang ako. Alam ko naman iyon e. Pero tao lang din naman ako, babae ako. May puso din ako na paulit-ulit na nadudurog at nakakaramdam din ako ng pagod. *Ding-dong.* Natigil ako sa pagmumuni-muni nang may biglang nag-doorbell sa main door. Kumunot pa ang noo ko sa pagtataka kasi anong oras na? Paumaga na. Sino naman ang bibisita sa amin sa ganitong oras? Nagtataka man ay tumayo pa rin ako at binuksan ang pintuan sa pag-aakalang ang assistant ko lang iyon. Pero isang dilag na babae na mukhang nasa college pa ang nadatnan ko. Nakasuot siya ng fitting na bodycon dress at nanginginig ang
“You b*tch!" nanggagalaiti kong sigaw sabay sampal gamit ang natitira kong lakas sa babae. Babae. Isa na namang babae ang nahuli kong nakakandong sa asawa ko dito sa may bar. "Alam mo ng may asawa, nagawa mo pang landiin!” sigaw ko pa, isang magkambal na namang sampal ang iginawad ko sa magkabilang pisngi niya. Umalingawngaw ang tunog ng sampal sa buong VIP section na kinaroroonan namin. Hindi pa ako nakontento at sinabunutan ko na ang blonde na buhok ng babae. "You cheap whōre!" sigaw ko pa, kinaladkad na siya sa sahig, dahilan para maalis siya sa kandong ng asawa ko. "A-Aray! Help! She's crazy! Lucas, tulungan mo ako!" tili ng babae habang nagpupumiglas. Pero ang asawa ko? Nakasandal lang siya sa leather sofa habang hawak ang kaniyang baso ng whiskey, at may nakaguhit na sarkastikong ngisi sa kaniyang mga labi. Bahagya pa niya akong tinaasan ng kilay habang may nakakalokong ngisi sa labi. Napakagāgo talaga! "Ow, it's my beautiful wife…" bulalas niya na para bang sa sobr







