Mag-log inIsang linggo ang mabilis na lumipas simula nang umalis ako sa bahay namin ni Lucas. At sa isang linggo na iyon, walang mintis ang maya't maya niyang pagpaparamdam sa akin habang nakikiusap na umuwi na ako sa kaniya.
"Liana, three minutes before you hit the runway! Get ready!" sigaw ng stage director sa likod ng entablado ng Cagayan Fashion Week. Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Naka-suot ako ng isang emerald green silk gown na idinisenyo ng pinakasikat na French designer ngayong taon. Ang buhok ko ay nakalugay sa perpektong alon, habang ang mukha ko ay nagpapakita ng isang babaeng walang ni isang bahid ng kahinaan. Walang sinuman sa fashion industry ang nakakaalam na pitong araw na akong hindi umuuwi sa asawa ko. Walang nakakaalam na araw-araw, gabi-gabi akong may iniindang lungkot. To the world, I'm still the Liana Monteclaro, the unbeatable, untouchable, and ethereal. "Looking stunning as always, Liana," wika ng isang baritonong boses sa likod ko. Lumingon ako at nakita si Xavier Arantes, ang pinakasikat na male supermodel at heirom ng Arantes Group of Companies. Si Xavier ang paborito kong partner sa bawat international campaign na kinaroroonan ko. "Thanks, Xavier. Ready to steal the show?" ngiti kong tanong sa kaniya. "Always, with you," nakangiti din niyang sagot sabay inalok sa akin ang kaniyang braso. Sabay kaming humakbang palabas ng backstage at hinarap ang naghihintay na sa aming stage. Sa bawat pagdapo ng aking mga heels sa makinang na runway ay sinasabayan iyon ng pag-click ng daan-daang camera ng mga reporters at ang palakpakan ng VIP guests. I walked like a queen who owned the world, ruling the runway with every step. Every turn, every pose, effortlessly commanding every eye in the room. Pero natigil ako sa gitna ng mahabang runway nang biglang napako ang tingin ko sa VIP front row. Nakatayo roon si Lucas Valderama. May kalayuan ang kinatatayuan niya pero alam ko at sigurado akong siya ‘yun. Sa tindig pa lang niya, kilalang-kilala ko na. Nakasuot siya ng nakasanayan kong pormal na polo at kahit dito ay tanaw ko ang hawak na naman niyang malaking boquet ng pulang rosas. Mabuti na lang maayos kong naitaguyod ang runway. Pagbalik ko sa backstage ay hindi na ako nagulat nang sinalubong na niya ako. "Liana!" tawag niya sa pangalan ko sabay habol sa akin nang lagpasan ko lang siya. Ang kasama kong si Xavier ay nilingon ako kaya nginitian ko siya. “He's here again," mahinang bulong sa akin ni Xavier. Pero imbes na tugunan ang kaniyang sinabi ay inabot ko ang kamay niya at ako na ang nagpwesto nun sa balakang ko. “Liana!" malakas na sigaw ni Lucas sa tabi. Hindi pa man ako nakakakurap ay naharangan na niya ang dadaanan namin. Tinaasan ko siya ng kilay habang siya'y nafocus na ang mata sa kamay ni Xavier na nasa balakang ko. “Nandito ka na naman? Anong ginagawa mo dito?” malamig kong tanong sa asawa ko. Doon pa lang niya inangat ang tingin sa mukha ko. Mula sa pagkakakunot ng noo niya habang nakatingin kanina sa kamay ni Xavier, naging parang asong tuta na siya kung tingnan ako. “I-I'm here to support you. This is for you…" malambing ngunit nauutal niyang sabi sabay abot nung dala niyang bouquet. Hindi ko iyon tinanggap. Bagkus ay nagkunwari akong hindi iyon nakita. Binalingan ko ang kanina pa tahimik na si Xavier saka ko siya nginitian. "You did great, Xavier. As always,” pagpuri ko sa kaniya. Napangiti naman ang lalaki. Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil inikot ko ang aking katawan nang may perpektong poise saka tuloy-tuloy na naglakad pabalik sa dressing room ko, nang hindi man lang nililingon ang natameme kong asawa. Ngunit kakapasok ko pa lang sa dressing room ay pabalagbag nang bumukas ang p***o. "Liana!" sigaw ni Lucas habang hingal na hingal na pumasok. Mabilis naman siyang hinarangan ng security guard pero hindi siya nagpatinag. "Sir, bawal po ang unauthorized guest sa dressing room ni Miss Liana!" sigaw ng guard. "Let him in," malamig kong utos, naupo na ako sa harap ng salamin at sinimulan tanggalin ang aking earrings. "Please, iwan niyo muna kami." Lumabas ang mga guard at isinarado ang p***o. Kaming dalawa na lang ni Lucas ang natira dito. "Anong ginagawa mo rito, Lucas?" tanong ko nang hindi man lang siya tinitingnan sa salamin. Mabilis siyang lumapit sa akin sabay hinawakan ako sa dalawa kong balikat. "Isang linggo, Liana! Isang linggo kang hindi umuuwi! Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko, pinalitan mo ang numero mo, at hinarangan mo ang mga tao ko sa condominium mo! Tapos ngayon, nakikipaglāndian ka sa Xavier na ‘yun? Alam mong ayaw ko sa hambog na lalaking ‘yun!" "'Yan lang ba ang pinunta mo dito?" kalmado kong tanong, nanatiling wala sa kaniya ang tingin ko. "Kung ganoon, pwede ka ng lumabas…" "May dapat tayong pag-usapan!" sigaw niya, at sa unang pagkakataon, nakita ko ang takot sa kaniyang mga mata. "Pinaalis ko na si Jess sa bahay natin! I gave her money! Please naman, bakit ayaw mo pang umuwi sa'kin?!" Mahina ko siyang tinawanan, isang tawa na puno ng pait at poot. "Pinalayas mo ang babaeng nabuntis mo? Ganyan ka ba talaga kawalang-puso?" This time ay nilingon ko na siya sabay hawi sa kamay niyang nasa mga balikat ko. "Liana, asawa mo pa rin ako! Lasing ako no'n! Alin ba doon ang hindi mo maintindihan?!" "Correction, Lucas, I WAS your wife. Magfa-file na ako ng annulment kaya kung ako sa'yo, tigilan mo na ang pag-eeskandalo sa mga shoot ko. Nakakahiya ka na…" kalmado pa rin ang boses ko kahit gustong gusto ko na talaga siyang ingudngod sa sahig. Siya pa may ganang magtaas ng boses! Saan kaya siya pinaglihi ng Mommy niya at ganito na lang kakapal ang mukha niya?! "A-Annulment?" aniya sa nauutal ng boses, tila may kung anong dumaang sakit sa mukha niya. "Yes. Finally, I'm giving you the freedom you want. Pwede mo nang gawin lahat ng gusto mo. Para pwede na rin kayong magpakasal nung Jess na ‘yun. O ‘di kaya ay si Lana, iyon ay kung willing siyang iwanan ang kapatid mo…” tunog nanunuya ko pang sabi. Ibubuka pa lang niya ang kaniyang bibig para magsalita ulit ngunit naitikom din niya ito nang bumukas ulit ang pintuan at niluwa nito si Xavier, hawak ang isang jacket para sa akin. "Liana, the after-party is starting. Are you ready?" tanong ni Xavier, saglit na sinulyapan ng tingin si Lucas na ngayon ay masama ng nakatingin sa kaniya. Tumingin ako kay Lucas sa huling pagkakataon. "I’m ready, Xavier. Let's go." "Liana, huwag kang magkakamaling sumama sa lalaking 'yan kung ayaw mong mag-eskandalo pa ako dito!" pahabol na banta ni Lucas kung kaya natigilan ako. Pero imbes na magpadala sa banta niya, nilingon ko siya nang may ngisi sa labi ko. “Sige. Gawin mo ang gusto mo nang malaman nilang lahat na ang magaling kong asawa ay nakabuntis ng iba. Alalahanin mo, madaming nakapila sa'kin. Baka ‘pag nalaman nila ‘yun, bukas o sa makalawa, may pinalit na ako sa'yo…” And with that, Xavier and I left him standing there speechless.LUCAS' POV "Mr. Valderama," seryosong wika ng doktor sa akin. "I checked Miss Jess’ medical records and conducted an ultrasound fresh from our lab." "Is she pregnant with my child?" direktang tanong ko, magkahalong galit at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Nandito kami ngayon sa pinakamalapit na clinic. Dito ko dinala si Jess para malaman kung buntis nga talaga siya o ano. Naniniwala ako na magiging pabor sa akin ang resulta. Na kung buntis man siya, alam ko na hindi akin iyon dahil wala naman talagang nangyari sa amin. Bumuntong-hininga ang doktor at ibinaba ang papel. "Miss Jess is not pregnant at all, Mr. Valderama. The ultrasound photos and pregnancy tests you showed me were completely fabricated and falsified." Sinasabi ko na nga ba! Sa pagdoble ng galit ko ay marahas akong napatayo sa kinauupuan. “That b*tch!" "She used synthetic hormones to fake symptoms, but her blood test clearly shows negative for hCG. She was never pregnant,” pagpapatuloy ng doctor. Napahawak ako
‘TOP MODEL LIANA MONTECLARO FILES FOR ANNULMENT FROM BILLIONAIRE HEIR LUCAS VALDERAMA!’‘IS THERE A THIRD PARTY? JESS SANCHEZ CLAIMS SHE IS PREGNANT WITH LUCAS VALDERAMA'S CHILD!’Napailing na lang ako sa mga nabasang post sa social media. Grabe, ang bilis lang din talaga. Kanina lang ako nag-file ng annulment namin tapos kumalat na agad ang tungkol doon.Nakatayo ako ngayon sa glass wall ng aking bagong luxury suite habang pinapanood ang ulan na bumubuhos sa lungsod. Sa mesa sa likod ko ay nakapatong ang cellphone kong kanina pa ring nang ring. Daan-daang missed calls mula sa aking mga magulang at mula sa pamilya Valderama ang pumapasok. Wala ako sa mood magpaliwanag sa kahit sino sa kanila kaya wala akong sasagutin sa mga tawag nila.Pero nang makita ko ang pangalan ng Mommy ni Lucas sa screen ng phone ko, agad ko itong dinampot at sinagot ang tawag niya."Liana, my dear..." bungad ng ginang sa kabilang linya. "Tita…" magalang kong bati."Nabalitaan ko ang nangyari. Nakakahiya ang
Isang linggo ang mabilis na lumipas simula nang umalis ako sa bahay namin ni Lucas. At sa isang linggo na iyon, walang mintis ang maya't maya niyang pagpaparamdam sa akin habang nakikiusap na umuwi na ako sa kaniya. "Liana, three minutes before you hit the runway! Get ready!" sigaw ng stage director sa likod ng entablado ng Cagayan Fashion Week.Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Naka-suot ako ng isang emerald green silk gown na idinisenyo ng pinakasikat na French designer ngayong taon. Ang buhok ko ay nakalugay sa perpektong alon, habang ang mukha ko ay nagpapakita ng isang babaeng walang ni isang bahid ng kahinaan.Walang sinuman sa fashion industry ang nakakaalam na pitong araw na akong hindi umuuwi sa asawa ko. Walang nakakaalam na araw-araw, gabi-gabi akong may iniindang lungkot. To the world, I'm still the Liana Monteclaro, the unbeatable, untouchable, and ethereal."Looking stunning as always, Liana," wika ng isang baritonong boses sa likod ko.Lumingon ako at na
Si Lucas, maayos naman siyang asawa. Inaalagaan niya ako, ni hindi niya ako pinagtatrabaho, tapos sobrang sweet niya sa akin at ibinibigay lahat ng luho ko. Pero babaero siya. Ang dami niyang babae. Masakit man aminin pero hindi kasali sa babae niya ang kakambal ko pero siya pa rin ang mahal niya. Dalawang taon, tatlong taon, o mahigit pa… ilang taon pa ba ang hihintayin ko para magbago siya? Oo, matapang ako. Alam ko naman iyon e. Pero tao lang din naman ako, babae ako. May puso din ako na paulit-ulit na nadudurog at nakakaramdam din ako ng pagod. *Ding-dong.* Natigil ako sa pagmumuni-muni nang may biglang nag-doorbell sa main door. Kumunot pa ang noo ko sa pagtataka kasi anong oras na? Paumaga na. Sino naman ang bibisita sa amin sa ganitong oras? Nagtataka man ay tumayo pa rin ako at binuksan ang pintuan sa pag-aakalang ang assistant ko lang iyon. Pero isang dilag na babae na mukhang nasa college pa ang nadatnan ko. Nakasuot siya ng fitting na bodycon dress at nanginginig ang
“You b*tch!" nanggagalaiti kong sigaw sabay sampal gamit ang natitira kong lakas sa babae. Babae. Isa na namang babae ang nahuli kong nakakandong sa asawa ko dito sa may bar. "Alam mo ng may asawa, nagawa mo pang landiin!” sigaw ko pa, isang magkambal na namang sampal ang iginawad ko sa magkabilang pisngi niya. Umalingawngaw ang tunog ng sampal sa buong VIP section na kinaroroonan namin. Hindi pa ako nakontento at sinabunutan ko na ang blonde na buhok ng babae. "You cheap whōre!" sigaw ko pa, kinaladkad na siya sa sahig, dahilan para maalis siya sa kandong ng asawa ko. "A-Aray! Help! She's crazy! Lucas, tulungan mo ako!" tili ng babae habang nagpupumiglas. Pero ang asawa ko? Nakasandal lang siya sa leather sofa habang hawak ang kaniyang baso ng whiskey, at may nakaguhit na sarkastikong ngisi sa kaniyang mga labi. Bahagya pa niya akong tinaasan ng kilay habang may nakakalokong ngisi sa labi. Napakagāgo talaga! "Ow, it's my beautiful wife…" bulalas niya na para bang sa sobr







