Share

CHAPTER 2

Author: HANIFAH
last update Petsa ng paglalathala: 2026-09-07 06:55:29

Si Lucas, maayos naman siyang asawa. Inaalagaan niya ako, ni hindi niya ako pinagtatrabaho, tapos sobrang sweet niya sa akin at ibinibigay lahat ng luho ko. Pero babaero siya. Ang dami niyang babae. Masakit man aminin pero hindi kasali sa babae niya ang kakambal ko pero siya pa rin ang mahal niya.

Dalawang taon, tatlong taon, o mahigit pa… ilang taon pa ba ang hihintayin ko para magbago siya?

Oo, matapang ako. Alam ko naman iyon e. Pero tao lang din naman ako, babae ako. May puso din ako na paulit-ulit na nadudurog at nakakaramdam din ako ng pagod.

*Ding-dong.*

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang may biglang nag-doorbell sa main door. Kumunot pa ang noo ko sa pagtataka kasi anong oras na? Paumaga na. Sino naman ang bibisita sa amin sa ganitong oras?

Nagtataka man ay tumayo pa rin ako at binuksan ang pintuan sa pag-aakalang ang assistant ko lang iyon. Pero isang dilag na babae na mukhang nasa college pa ang nadatnan ko. Nakasuot siya ng fitting na bodycon dress at nanginginig ang mga kamay.

"Sino sila?" malamig kong tanong.

Tinitigan niya ako. "Ikaw... ikaw ba ang asawa ni Lucas Valderama?"

Pagkabanggit pa lang niya sa pangalan ng asawa ko ay matinding kaba na ang bumalot sa dibdib ko.

"Ako nga. And who the hell are you to show up at my doorstep this early?" tanong ko sa mataray na boses upang itago ang kaba.

Huminga siya nang malalim at inilabas ang isang puting sobre mula sa kaniyang handbag. "I'm Jess. Nakilala ko po si Lucas sa isang bar six months ago. Niligawan niya ako at may nangyari sa'min. Buntis po ako ngayon at siya ang ama…"

Pakiramdam ko'y tumigil pansamantala sa pagtibok ang puso ko. Ang magkabilang tainga ko naman ay parang nabingi habang ang lalamunan ko ay biglang nagbara.

“A-Anong sabi mo?" nauutal ko ng tanong.

Ni wala man lang karea-reaksyon ang babae. Sa halip ay muli niyang nilahad sa akin ang dala niyang puting sobre. “Dalawang buwan na po akong buntis at si Lucas ang ama…"

Hindi agad ako nakaimik pero nagawa kong buksan ang sobre. Mabilis na nagsituluan ang mga luha ko nang lumantad sa mata ko ang isang ultrasound result at pregnancy test strip na may dalawang malinaw na pulang linya. Nakasulat din sa papel ang pangalan ni Lucas bilang ama ng pinagbubuntis niya.

"Gusto kong panagutan niya ako," biglang umiyak ang babae kung kaya't napabaling ulit ako sa kaniya. "Ayaw na niyang sagutin ang mga tawag ko kaya dumeretso na ako rito!"

Sa eksaktong sandaling iyon, lumabas si Lucas mula sa kuwarto, halatang naalimpungatan dahil kinukuskos pa ang isa niyang mata. Napasinghap ako.

"Liana, sino ba 'yang kausap—"

Kusa din siyang natigilan nang makita ang babaeng kaharap ko. Agad nanlaki ang kaniyang mga mata, sunod ay bumaba ang tingin niya sa hawak kong ultrasound paper.

"J-Jess?" utal na wika ni Lucas, bakas ang biglaang pamumutla ng kaniyang mukha. "Anong ginagawa mo rito?!"

"Lucas... kailangan mo kaming panagutan ng anak mo," sagot naman ni Jess.

Pero hindi siya sinagot ni Lucas. Sa halip ay nagkukumahog siyang lumapit sa akin at tarantang inagaw sa akin ang papel. "Liana, wait... let me explain! Lasing ako no'n. Mali ang paratang, I mean no, please— let me explain first—"

"Explain what, Lucas?" putol ko na sa kaniya kahit tuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. “Na lasing ka kaya naikama mo ang batang ‘to habang may Liana na naghihintay sa'yo dito sa bahay? Iyon ba ang gusto mong sabihin?!”

Hindi siya agad nakapagsalita. Sandali na akong pumikit para matigil na ang luha ko. Pinalis ko ito at buong tapang ko siyang tiningnan sa mga mata niya.

Tanggap ko pa ang pambababae niya at ang pag-ungōl niya sa pangalan ng kakambal ko habang nagtatālik kami, pero ang makabuntis siya ng ibang babae? ibang usapan na ito!

Wala na akong laban dito. Dahil kung may bagay man akong hindi maibigay sa kaniya, iyon ay ang pagkakaroon ng buong pamilya. At alam niya ‘yun!

Isang taon na ang nakararaan nang sabihin sa akin ng OB-GYN ko na malabong magkaanak pa ako dahil baog ako.

Iyon ang masakit sa lahat. At ito rin ang rason kung bakit tinitiis ko ang pangbababae niya. Dahil umaasa pa rin ako na balang araw ay bibiyayaan din kami ng anak at doon na siya titino.

Pero ngayon… ang katiting kong pinanghahawakan na pag-asa ay wala na. Finish na. Ito na ang pangarap ni Lucas, ang magkaroon ng anak.

Tinalikuran ko sila at dire-diretso akong pumasok sa kuwarto para kunin ang aking maleta. Agad na sumunod sa akin si Lucas.

"Liana, please... mag-usap muna tayo…" subok niyang pigil sa akin nang isa-isa kong pinagdadampot ang mga damit ko para ilipat sa maleta ko. "Babe, please. Hear me out first. B-Baka ibang Lucas ang—"

Hinarap ko siya kaya natigil siya. “But you know her right?! May nangyari na rin sa inyo, ‘di ba?!” asik ko.

“Y-Yes, but—"

“That's it!" putol ko ulit sa kaniya saka ako nagpatuloy sa pag-iimpake. "She's carrying your child, Lucas. I can fight off any whōre you sleep with but I can never fight a child... especially when I can't even give you one."

Ramdam ko ang pagkakatigil niya sa gilid ko, at kasabay nun ay ang muling pagtulo ng luha ko. Nang lingunin ko siya ay nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luhang naipon na sa mga mata ko. Siya nama'y tila estatwang nakatingin lang sa akin.

"Wala na akong laban, alam mo ‘yan," huling sabi ko sa kaniya bago ko isinara ang zipper ng aking maleta at hinarap ang babaeng nakatayo pa rin sa pintuan ng aming bahay.

"Pumasok ka, Jess," wika ko habang may pilit na ngiti sa labi. "Alagaan mo ang asawa ko. Iiwan ko na siya sa 'yo pati na itong bahay namin."

Hindi nakapagsalita ang babae. Dala ang natitira kong dignidad ay tuluyan akong lumakad palabas ng bahay na iyon kahit rinig na rinig ko ang paulit-ulit na pagtawag ni Lucas sa pangalan ko.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Life After Marriage with the Playboy    CHAPTER 5

    LUCAS' POV "Mr. Valderama," seryosong wika ng doktor sa akin. "I checked Miss Jess’ medical records and conducted an ultrasound fresh from our lab." "Is she pregnant with my child?" direktang tanong ko, magkahalong galit at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Nandito kami ngayon sa pinakamalapit na clinic. Dito ko dinala si Jess para malaman kung buntis nga talaga siya o ano. Naniniwala ako na magiging pabor sa akin ang resulta. Na kung buntis man siya, alam ko na hindi akin iyon dahil wala naman talagang nangyari sa amin. Bumuntong-hininga ang doktor at ibinaba ang papel. "Miss Jess is not pregnant at all, Mr. Valderama. The ultrasound photos and pregnancy tests you showed me were completely fabricated and falsified." Sinasabi ko na nga ba! Sa pagdoble ng galit ko ay marahas akong napatayo sa kinauupuan. “That b*tch!" "She used synthetic hormones to fake symptoms, but her blood test clearly shows negative for hCG. She was never pregnant,” pagpapatuloy ng doctor. Napahawak ako

  • Life After Marriage with the Playboy    CHAPTER 4

    ‘TOP MODEL LIANA MONTECLARO FILES FOR ANNULMENT FROM BILLIONAIRE HEIR LUCAS VALDERAMA!’‘IS THERE A THIRD PARTY? JESS SANCHEZ CLAIMS SHE IS PREGNANT WITH LUCAS VALDERAMA'S CHILD!’Napailing na lang ako sa mga nabasang post sa social media. Grabe, ang bilis lang din talaga. Kanina lang ako nag-file ng annulment namin tapos kumalat na agad ang tungkol doon.Nakatayo ako ngayon sa glass wall ng aking bagong luxury suite habang pinapanood ang ulan na bumubuhos sa lungsod. Sa mesa sa likod ko ay nakapatong ang cellphone kong kanina pa ring nang ring. Daan-daang missed calls mula sa aking mga magulang at mula sa pamilya Valderama ang pumapasok. Wala ako sa mood magpaliwanag sa kahit sino sa kanila kaya wala akong sasagutin sa mga tawag nila.Pero nang makita ko ang pangalan ng Mommy ni Lucas sa screen ng phone ko, agad ko itong dinampot at sinagot ang tawag niya."Liana, my dear..." bungad ng ginang sa kabilang linya. "Tita…" magalang kong bati."Nabalitaan ko ang nangyari. Nakakahiya ang

  • Life After Marriage with the Playboy    CHAPTER 3

    Isang linggo ang mabilis na lumipas simula nang umalis ako sa bahay namin ni Lucas. At sa isang linggo na iyon, walang mintis ang maya't maya niyang pagpaparamdam sa akin habang nakikiusap na umuwi na ako sa kaniya. "Liana, three minutes before you hit the runway! Get ready!" sigaw ng stage director sa likod ng entablado ng Cagayan Fashion Week.Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Naka-suot ako ng isang emerald green silk gown na idinisenyo ng pinakasikat na French designer ngayong taon. Ang buhok ko ay nakalugay sa perpektong alon, habang ang mukha ko ay nagpapakita ng isang babaeng walang ni isang bahid ng kahinaan.Walang sinuman sa fashion industry ang nakakaalam na pitong araw na akong hindi umuuwi sa asawa ko. Walang nakakaalam na araw-araw, gabi-gabi akong may iniindang lungkot. To the world, I'm still the Liana Monteclaro, the unbeatable, untouchable, and ethereal."Looking stunning as always, Liana," wika ng isang baritonong boses sa likod ko.Lumingon ako at na

  • Life After Marriage with the Playboy    CHAPTER 2

    Si Lucas, maayos naman siyang asawa. Inaalagaan niya ako, ni hindi niya ako pinagtatrabaho, tapos sobrang sweet niya sa akin at ibinibigay lahat ng luho ko. Pero babaero siya. Ang dami niyang babae. Masakit man aminin pero hindi kasali sa babae niya ang kakambal ko pero siya pa rin ang mahal niya. Dalawang taon, tatlong taon, o mahigit pa… ilang taon pa ba ang hihintayin ko para magbago siya? Oo, matapang ako. Alam ko naman iyon e. Pero tao lang din naman ako, babae ako. May puso din ako na paulit-ulit na nadudurog at nakakaramdam din ako ng pagod. *Ding-dong.* Natigil ako sa pagmumuni-muni nang may biglang nag-doorbell sa main door. Kumunot pa ang noo ko sa pagtataka kasi anong oras na? Paumaga na. Sino naman ang bibisita sa amin sa ganitong oras? Nagtataka man ay tumayo pa rin ako at binuksan ang pintuan sa pag-aakalang ang assistant ko lang iyon. Pero isang dilag na babae na mukhang nasa college pa ang nadatnan ko. Nakasuot siya ng fitting na bodycon dress at nanginginig ang

  • Life After Marriage with the Playboy    CHAPTER 1

    “You b*tch!" nanggagalaiti kong sigaw sabay sampal gamit ang natitira kong lakas sa babae. Babae. Isa na namang babae ang nahuli kong nakakandong sa asawa ko dito sa may bar. "Alam mo ng may asawa, nagawa mo pang landiin!” sigaw ko pa, isang magkambal na namang sampal ang iginawad ko sa magkabilang pisngi niya. Umalingawngaw ang tunog ng sampal sa buong VIP section na kinaroroonan namin. Hindi pa ako nakontento at sinabunutan ko na ang blonde na buhok ng babae. "You cheap whōre!" sigaw ko pa, kinaladkad na siya sa sahig, dahilan para maalis siya sa kandong ng asawa ko. "A-Aray! Help! She's crazy! Lucas, tulungan mo ako!" tili ng babae habang nagpupumiglas. Pero ang asawa ko? Nakasandal lang siya sa leather sofa habang hawak ang kaniyang baso ng whiskey, at may nakaguhit na sarkastikong ngisi sa kaniyang mga labi. Bahagya pa niya akong tinaasan ng kilay habang may nakakalokong ngisi sa labi. Napakagāgo talaga! "Ow, it's my beautiful wife…" bulalas niya na para bang sa sobr

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status