“You may... kiss the bride.”Nanigas ang buo kong katawan. Kiss the bride?Dahan-dahang humarap sa akin si Reiner.Ang kaniyang matangkad na pigura ay tila lumamon sa lahat ng liwanag sa loob ng silid.Ibinaba niya ang kaniyang tingin sa aking mga labi. Ang kaniyang panga ay nag-igting, tila ba may isang matinding pwersa siyang pinipigilan sa loob-loob niya simula pa kanina sa sasakyan at sa dressing room.Bago pa ako makapag-isip, hinawakan ng kaniyang malaking kamay ang likod ng aking batok. Ang kaniyang mga daliri ay bumaon sa aking buhok, mahigpit, mapang-angkin, at walang planong pakawalan ako.At pagkatapos, bumagsak ang kaniyang mga labi sa akin.Napasinghap ako, ngunit ang tunog ay mabilis niyang nilamon.Hindi iyon isang simpleng halik para selyuhan ang kasal.It was a ravenous, demanding, and deeply sensual kiss.Parang naputol na ang lahat ng pagpipigil ng lalaking ito. Ang amoy ng mint at expensive cologne niya ay pumasok sa aking sistema, nakakahilo, nakakalasing.Ang kan
Zuletzt aktualisiert : 2026-10-02 Mehr lesen