“Armea! My god, Armea, baby!”Nanlaki ang mga mata ko. Ang hitsura niya ay malayong-malayo sa pormal at maayos na negosyanteng nakaharap ko ng nakaraang gabi sa restaurant. Ang kaniyang necktie ay maluwag, ang buhok niya ay magulo, at ang kaniyang mga mata ay namumula, baliw na baliw at puno ng desperasyon.Agad siyang yumakap sa akin. Napakahigpit. Ibinaba niya ang kaniyang mukha at sinimulang halik-halikan ang aking buhok, ang aking pisngi, ang aking leeg.“Thank god I found you! Thank god!” umiiyak niyang usal, patuloy sa pag-ulan ng halik sa akin. “I’m so sorry... I’m so sorry baby! Please, patawarin mo na ako!”Nanginig ang buo kong katawan. Pandiriri, takot, at pagkalito ang sabay-sabay na sumabog sa utak ko.“Bitawan mo ako!” sigaw ko, pilit na itinutulak ang matigas niyang dibdib. “Ano ba, Richard! Let me go!”Pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang yakap niya. “No! Hindi kita bibitawan! Armea, fuck, ayaw kong mawala ka sa buhay ko! Nababaliw na ako kakaisip sa'yo! I was just
Última atualização : 2026-10-02 Ler mais