Nang makita ang gulo-gulong buhok ni Grey at ang bahagyang nakabukas nitong polo sa loob ng silid ni Mia, agad na dumilim ang aura ni Vince. Inakala niya na may nangyaring matindi sa dalawa kagabi, kaya tuluyang nawala ang kanyang kontrol sa sarili.Puwersahang itinulak ni Vince ang pinto at pumasok sa loob ng apartment. Sa bilis ng mga pangyayari, ang isang kamay niya ay nakahawak sa kwelyo ni Grey at ang isang kamay naman ay hawak ang kanyang baril na nakatutok nang mariin sa panga ni Grey."Did you touch her, Mr. Miller?! Answer me!" galit na asik ni Vince Reid, habang umaangat ang mga ugat sa kanyang leeg sa tindi ng selos.Ngunit imbes na matakot, ngumisi lang nang nakakaloko si Grey. Tinitigan niya si Vince nang diretso sa mata, tila nag-e-enjoy sa nakikitang pagkabaliw nito. Ang ngising iyon ay mas lalong ikinagigil ni Vince, kaya mas lalo pa nitong ibaon ang dulo ng baril sa balat ng bilyonaryo."I will blow your head off right here, right now," banta ni Vince, nanginginig ang
Last Updated : 2026-09-08 Read more