Matapos ang kanilang masayang almusal, mabilis na tinapos nina Grey at Mia ang huling bahagi ng kanilang pag-eempake sa loob ng suite. Wala na ang kaba at insecurities na dala nila noon sa Capri; sa pagkakataong ito, ang buong presidential suite ng San Sebastian Ridge ay nabalot ng pamilyar na tawanan habang pilit na isinasara ni Grey ang huling maleta. "Everything is packed, baby," nakangiting deklara ni Grey habang ibinababa ang hawak na handle ng luggage. "All your souvenirs and chocolates are safe. No damage at all." "Salamat, Mr. Miller. O, ayusin mo na 'yang kwelyo mo, baka isipin ng mga piloto mo na binagyo tayo rito sa loob," nakangiting biro ni Mia habang lumalapit upang maingat na iayos ang kaniyang damit. "They know that my eyes are only for my wife, Mia," pilyong sagot ni Grey sabay kindat sa dalaga, dahilan upang muling mamula ang kaniyang mga pisngi. Nang lumabas sila ng resort, isang marangyang sasakyan na ang naghihintay upang ihatid sila sa pribadong hangar ku
最終更新日 : 2026-09-20 続きを読む