“Kaya sa madaling salita, kailangan kong maghintay hanggang sa makuha mo ang gusto mo, ganun ba?” naiiling niyang sagot. ‘Makasarili.’Isinumpa ni Arabella ang matangkad na lalaki sa kanyang puso, pero wala na siyang magagawa pa. Ayaw na niyang pahabain pa ang pakikipag-away at magdulot ng mas nakakainis na sitwasyon. Ang pagpapatagal pa rito ay aksaya lamang sa oras.“Kung ganun, nasa sa iyo na iyon, Kuya Enzo. Wala naman akong karapatang pumili kahit ano.”“Kung isasantabi natin ang katotohanang nagkamali ako sa iyo noong gabing iyon, anong masama sa akin? Hindi ba ako sapat para sa ate mo? To lang ako, nagkakamali din.”“Sinabi ko na sa iyo, dapat ikaw mismo ang magsabi niyan kay Ate Janella. Walang kinalaman ang bagay na iyan sa akin.”“May kinalaman ka rito, Arabella. Kung susuportahan mo ako, mas madali akong pipiliin ni Janella. Mas mahal ka ni Janella kaysa kanino man. Kung tutulungan mo ako, siguradong papayag siyang pakasal sa akin.”“Nakadepende ang lahat sa iyo. Kung
Baca selengkapnya