Sinulyapan ni Arabella ang lalaki, at tinitingnan kung gaano ito katapat sa sinasabi. Maya maya pa, dumating na ang inorder nilang mami."Masarap naman gaya ng dati, Tito," nakangiting sabi ni Arabella sa may-ari ng pansiterya na buong araw na nagluluto ng pansit, naghahain, at naglilinis ng mga mesa dahil sa walang tigil na pagdagsa ng mga kostumer. Palagi niya itong binabati nang ganito, kahit na kasama niya si Brent.“Mukhang kailangan ko ng maghanap ng babaeng makakatuwang sa buhay, upang may kasama na akong mag asikaso ng negosyo..” nakangiting biro ng tindero. “Pero ang kailangan ko, ay yung hindi kasing ganda mo.”"Bakit? Bakit ayaw niyo ng kasing ganda ko?"“Dahil masyado kang maganda.. Noong nakaraan, iba ang kasama mo, ngayon, iba na naman,” inaasar siya ng tindero, saka kumindat kindat. Bilang regular na kustomer, nagkapalagayan na sila ng loob.“Kayo talaga..” natatawang sabi ni Arabella. Likas na sa kanya ang pagiging palakaibigan, “kapag kasing ganda ko ang nakuh
อ่านเพิ่มเติม